Archive for June 2013
"Point of view"
Hindi porke "point of view" ang title nito, eh photography lesson to. Hahaha! Kung nahihirapan kang basahin ang steno at hieroglyphics, mas mahihirapan kang basahin ang isip ng mga babae, napaka un-predictable. Ewan ko ba kung bakit pero sadyang napaka komplikado nilang mag isip. Para bang iba yung dinadaanan ng mga pinag iisip nila? Sa maniwala ka't sa hindi, nag sagawa ako ng obserbasyon batay sa brain activity nila. Haha! Pero ako na mismo ang nag sasabi sa'yo, mahirap talaga silang intindihin. Para maliwanagan ka, eto mga differentiations at sample reactions batay sa point of view ng Boys vs. Girls.
Sample 1: Napaka ganda mo ngayon girl! / Napaka Pogi mo ngayon pre!
Boy's reaction: Bading ka ? :/
Girl's reaction: OMG! thank you girl! ikaw rin you're gorgeous <3
Sample 2: Ano ba magandang panoorin ngayon? Ma eexpire na yung unlimited internet ko, tara sulitin naten.
Boy's reaction: (If you know what I mean.)
Girl's reaction: Girl, Pitch perfect o kaya Glee !
Sample 3: Nakita si crush.
Boy's reaction: Poker face. (Me gusta)
Girl's reaction: Obvious reaction. (Sabay hampas sa katabi)
Sample 4: Ang pangit mo!
Boy's reaction: Hahaha ! Bitch please.
Girl's reaction: !@#$%^@#$%^
Sample 5: Hanggang friends lang tayo :(
Boy's reaction: Awts! (Try ko ulit tanong bukas.)
Girl's reaction: :((((((((((((((((((( (Sabay dedmers)
Sample 6: I LOVE YOU!
Boy's reaction: YEHES! WHOOOOO! YIHAAA! (Pag uwi sa bahay, magtatatalon sa kwarto.)
Girl's reaction: :"> Hmm. Speechless.
Sample 7: *Nakita si crush na may kasamang iba.
Boy's reaction: !@#$%^&!@#$%^!@#$%^& Sino yun? sarap gulpihin amp >.<
Girl's reaction: OMG! They're so bagay <3 ( Nag-mumukmok.)
Sample 8: *Boy talk/*Girl's talk.
Boy's reaction: FAP FAP FAP!@#$@#$%!@#$%@#$% FAP FAP. MEGUSTA O.O
Girl's reaction: Unknown (Super secret)
Hahaha! Di ko sinasabing 100% accurate yan, pero sure ako, 'bout 70% accuracy nyan. Iba -iba man ang point of view sa mga bagay-bagay ng mga lalaki at babae, mayroon namang isang bagay na nagbubuklod sa kanila, LOVE. Siguro, ginawa talaga ng Diyos na iba iba ang way nating mag isip, para mapunan ng isa ang kakulangan ng isa. "Huwag tayong maghanap ng wala, darating ang panahon, marerealize mo na wala ka pala talagang hinahanap", ang stupid ng dating pero i-analize mo mabuti, It makes sense :) Marami nang nagtanong sa'ken na babae, Pano malaman kung special ka ba talaga sa lalaki? Tandaan mo, Basta nag effort mag reply yan, either wala na load o nag dodota, sure ako. special ka dyan. Pag umabot ng 1 hour conversation n'yo. Pag lagi ka n'yang kinokompliment, pag lagi ka nyang iniisip, pag tanggap n'ya lahat ng negative sides mo, at higit sa lahat, pag niyaya ka nyang manood ng WWZ <3

"Positibo"
Ang sarap gumising sa umaga na naka ngiti, isang malamig na umagang punung-puno ng bagong pag-asa, isang bagong araw para itama ang mga kamalian ng kahapon. Ang sarap maging masaya, isang kasiyahan na tunay at walang nag kukubling kalungkutan, Ang sarap mag-karoon ng inspirasyon, isang inspirasyon na nagpapalakas ng kalooban mo pag hinang hina ka na. Lahat na masarap. Hahaha! Ang pagiging positibo ay isang kaugalian na kung saan, nag a-assume tayo ng mga bagay bagay na umayon base sa ating kagustuhan. Isang kundisyon na kung tawagin nga nila ABS-CBN o "Automatic Brain Simulation Corporated with Brain Neutrons" Hahaha! Napakahirap maging positibo, lalo na kung alam mo sa sarili mo na may maling mang-yayari. Wag tayong masanay na magkubli sa mga bagay na kahit ikaw, alam mo namang imposibleng mangyari.
Masakit umasa, umasa sa taong nagbigigay saya sayo, lalo na't hindi mo alam ang katayuan mo sa kanya. Hindi mo alam kung saan ka ba lulugar, hindi mo nga alam kung may aasahan ka nga ba. Ang daming tanong na tanging s'ya lang ang makaka sagot. Nitong mga nagdaang araw, andaming gumugulo sa isipan ko, ang daming problema. Sobrang gulo. Ayokong masanay sa mga bagay na alam kong hindi habang buhay nandyan. Nakakaparanoid! Hahaha "pano kung Friendzone?", "Pano kung mali?", "Pano kung hindi pala ako?" "Pano kung Joke lang pala?" Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Hahaha! parang ewan lang. Tulad ng magnet, magdidikit lang 'to kung ang polarity ay South at North, Positive at negative. Eh nakikita ko sa mga pinag sasabi ko negative ako :P, malay mo, positive s'ya? hahaha! Edi masaya. Alam ko naman na hindi sa lahat ng panahon, eh andyan yung taong nag papangiti sa'kin. Eh ang nega ko ? Hahaha ! tama na nga!
Kailangan natin mag paka positive, pipilitin kong i-apply ang ABS-CBN theory sa sarili ko. Mag daydream! Hahaha!
Eto ang ilan sa mga iispin ko simula ngayon:
-Gusto nya ko.
-Miss na miss nya ko.
-Sobrang pogi ko.
-Matataas ang grades ko.
-Magkakaroon ako ng maraming pera at may magbabayad para makapanood ng World War Z. LOL
-tatama ako sa lotto.
-Masasapawan ko sila Steve jobs, Bill gates at Mark Zuckerburg pag dating sa I.T industry.
-matutuloy lahat ng plano ko sa buhay.
-May six pack abs ako.
Masaya sana kung positibo ka sa lahat ng bagay, syempre, wag lang sa drug test. Hihihi :)
"Dedmers"
Isa na siguro sa pinaka exciting gawin sa buhay ay ang mag pa-pansin kay crush. Hahaha! Sino ba naman kasi hindi matutuwa pag pinansin ka ni crush? para bang may special imaginary link na nag coconnect sa inyo, take note: "Imaginary" hihihi. Kahit nga sa simpleng sulyap, sure ako, may hidden kilig kang nararamdaman, hihihi! Masaya pag pinansin ka, eh pag dedmers? NGA-NGA. Sigurado ako na minsan ka na rin nabigo, nadedma. Bakit nga ba may salitang deadma? Ayon sa sarili kong derivation, nakuha ang dedma sa salitang "DEAD MAN IN ACTION". Bakit? eh para ka kasing nasabugan ng nuclear bomb sa mukha pag nadedma ka ni crush, Hahaha! Meron kasing mga tao na mahirap i-please, para bang, kahit anong gawin mo, tumabling ka man habang nag e-egroll, dedma pa rin. Wag ka nang magtaka. Hindi porke pinansin ka nila, eh papansinin ka na rin n'ya.
Tulad mo, naranasan ko na rin ma dedma, first year college ako nung nagka-departamental exam samin. Dahil nga departamental exam, lahat ng courses, lahat ng chicks pwede mong makita. At Oo, pwedeng pwede mong makatabi ang most random person. Syempre depende sa room assignments. Dahil nga first time, s'yempre medyo excited ako, chineck ko agad yung lists ng room assignment. Nakita ko sa list yung makakatabi ko. Excited ako na makita s'ya at makilala for the first time, hanggang sa umupo na s'ya sa tabi ko (Left side), syempre, dahil sa kagustuhan kong mapansin, gumagawa ako ng mga kakaibang ingay tulad ng pag click sa ballpen ng paulit-ulit. "hindi s'ya tumingin, hindi ba s'ya na-iingayan?" Sabi ko sa sarili ko. Hindi ako sumuko, umasa ako na pag abot nya sakin ng test paper, magkakatinginan kami tapos, mahahawakan ko yung kamay n'ya (Medyo daydreamer). Pero as usual, hindi ako pinansin, hindi tumingin. Dedma. Hindi lang dedma, delayed pa yung pag bigay sakin ng test paper. OUCH! Hahaha! Dahil pursigido, hindi pa rin ako sumuko! Umasa ako na ako yung mag che-check ng papel n'ya, syempre imposibleng hindi na'ko tingnan nun. Pero, hindi pala exchange papers to the left. Exchange papers to the back ang nangyari </3 hahaha! Medyo fail dahil nakahanda pa naman akong makipag palit ng papel. Siguro nga, na ayaw ni tadhana na sa departamental exam kami magka kilala.
Minsan sa buhay, kailangan mong tanggapin na hindi lahat ng bagay, kahit anong gawin mo, may katambal na reaksyon. May mga tao talaga na imbis na patulan ang pinaka non sense na bagay, eh pinipili na lang nilang ipag-sawalang kibo. Medyo frustrating, pero atleast, alam mo na hindi ata s'ya nasisiyahan sa mga non- sense na ginagawa mo. Hahaha! Matuto tayong makiramdam. Balang araw, gagawa ng paraan si tadhana para magkasalubong ulit kayo ng landas , hindi ka pinansin ngayun, Bukas? malay mo. Hihihihi.
"Kator"
Isa sa pinaka problema ng mga lalaki pag dating sa pag-ibig ay ang "Kator" o mas kilala sa tawag na "Katorpehan". Ngayon ko lang din nalaman na ang spanish word pala ng salitang "Awkward" ay "Torpe", ang pagiging torpe ay isang kundisyon na kung saan, para bang magic na pinipigilan ka ng kaluluwa mong umamin o makipag usap man lang sa taong tinitibok ng puso mo, Ang weird no? Hahaha! Napaka complicated n'yang ipaliwanag, pero dahil nandito ka sa blog na to, sige, papaliwanag ko na. Ang pagiging torpe, hindi namin ginusto yan promise!
Ang main reason lang kung bakit may torpe ay ang tinatawag na THR o (T)hermostatic (H)ydrochloric (R)eflex mas kilala rin ito bilang (T)akot, (H)iya at (R)espeto, Hihihi ! Bakit (T)akot? (T)akot si lalake na umamin kay babae, hindi dahil bading si lalaki, kung di dahil na sesense n'ya na hindi s'ya gusto ni babae at pwede lang masira ang relasyon nila bilang magkaibigan o hindi naman eh, (T)akot si lalaki dahil useless, meron nang iba si babae. Bakit naman (H)iya? Nahihiya si lalake na umamin, hindi dahil panget s'ya o kung ano man, kung di dahil masyadong mataas si babae para sa kanya, yung tipong kung hindi over achiever ay sobrang yaman ng pamilya ni babae, samantaang si lalaki, waley. At ang pinakahuli kong teyorya, (R)espeto, ito ang pinaka mabigat na dahilan kung bakit may natotorpe. Siguro nag tatanong ka na ngayon, "Ha panong respeto?" Respeto, hindi dahil matanda na si babae, kung 'di dahil hindi pa handa si babae, ang sakit lang isipin na minsan, ginagawang excuse ni babae ang salitang "Sorry, hindi pa ako handa" Syempre, dahil may respeto, mag hihintay kaming mga lalaki sa napaka habang panahon kung saan handa na si babae, pero ang masakit ro'n, meron na palang iba si babae pag kasabi n'ya sa'yo ng "Sorry, hindi pa ako handa" Hahaha! Ang saya diba?
Siguro ngayon, napag isip isip mo na. Para sa mga babae d'yan, matuwa kayo na kahit minsan, mayroong mga lalaki na natorpe sa inyo, pasalamatan nyo sila, dahil sila yung mga lalaking nagmahal ng lubos, abot langit ang respeto at higit sa lahat, willing mag hintay mag pakailanman. Hindi naman masamang mag antay, basta ba alam ng nag aantay na may babalikan pa sila. Hindi yung, umalis ka lang sa bahay mo, pag uwi mo, bahay na pala ng iba. Hindi birong usapin ang pagiging torpe, sigurado ako, 95% ng kalalakihan, dumaan dyan. yung 5%, pari na. Hahaha! Yung mga lalaking mapupusok at para bang "Thank you!" lang ang salitang "Mahal kita" at tila hindi natotorpe, Aba! :\ eh, mag isip isip ka na. Sinisigurado ko sa'yo 99%, hindi rin matotorpe yan pag nakakita ng mas maganda at mas trip n'yang babae kesa sa'yo. May nag tanong sakin minsan. "Natorpe ka na rin ba? Ganong katagal?" sabi ko sa kanya, "Oo naman, grade 4 palang, pero sayang lang, Highschool ko na rin nasabi sa kanya"
Ang pag-ibig, isang bagay na dapat mong pag isipan. Yung lalaking hindi umamin sa'yo dati , wag kang mag-alala, darating ang araw, kung mahal ka talaga n'yan, babalik yan at gagawa ng paraan kung pano n'ya ipapakita kung gano ka n'ya kamahal.

"Pag-kakaibigan o Pagkaka-ibigan?"
Isa na sigurong pinakamahirap sa buhay bukod sa maligo na gamit ang bote ng yakult at gumawa ng extra ordinary stunts, ay ang pag-pili, pag pili ng kung ano ang mas importante at kailangan unahin. Dahil nga "Pag-kakaibigan o pagkaka-ibigan?" ang title nito, dapat i-assume mo na dyan tatakbo ang blog na 'to. Napakasakit sa ulo pag nag sabay ang LOVE at FRIENDSHIP, para bang pumipili ka sa pagitan ng dalawang bagay na parehas namang hindi mo kayang pakawalan. Alam ko na hangga't ma-aari , pinipigilan mo feelings mo, sino ba naman gustong maglaho pinagsamahan dahil lang sa personal na nararamdaman? Kailangan mong pumili. Isang napakalaking desisyon na dapat mong pag isipang mabuti, dahil sa isang pagkakamali, pwedeng maglaho ang lahat-lahat. Pero kung ako tatanungin, hindi ka dapat mag alala, dapat mong ipaglaban yung nararamdaman mo. Eh ano naman kung ayaw nya sa'yo? Wala namang mawawala, hindi mawawala pagiging mag kaibigan nyo, ikaw lang naman nag iisip nyan, imaginine mo to :
Boy: May sasabihin ako sa'yo.
Girl: Ano yun?
Boy: Mahal kita :| sorry, pinigilan ko naman to eh, ayokong mawala pagiging magkaibigan natin.
Girl: Ah ok, ayoko sa'yo, at hindi na tayu friends.
Hahaha! Ano? napasisip ka no? Hindi totoong mawawala pag-kakaibigan n'yo. For sure hindi mangyayari yang ganyang eksena. Kung ako nga lang mag didikta eh mas makakasiguro ka sa kaibigan mo, atleast kahit papano, kilala mo na s'ya, kesa sa ibang manliligaw mong puro panloloko lang ginagawa.
Walang mawawala miski umamin ka man sa nararamdaman mo o hindi, nasa sayo na lang yan kung lalayo ka ba o hindi, basta ang mahalaga, nagpaka totoo ka :), maging masaya man s'ya o hindi, wala ka nang magagawa, makuntento na lang tayo kung ano ang magiging desisyon nya, darating ang araw, masasabi mo sa sarili mo na worth it ang pag-laban mo. Oh, hindi ko sinasabing porke nag tapat ka eh sureball na mahal ka rin nun ah! Hahaha! sorry kung na interrupt ko excitement mo ah? Ang sakin lang eh, pag nagbigay ka, wag mo nang asahan na may i-bibigay rin s'ya sa'yo, masakit man isipin pero ganun talaga ang buhay, hindi lahat ng gusto mo, ay makukuha mo, may mga bagay talaga na kahit gustong gusto mo, nag effort ka man, wala pa rin.
Ang lupit ng buhay no? Kahit anong effort mo, kahit anong hintay gawin mo, kahit anong sakripisyo, mag mukha ka mang tanga, sa huli friendzoned ka pa rin. Ang masakit pa dun, kung sino pa yung hindi deserving minsan s'ya pa yung nakakakuha sa bagay na gusto mo. Para bang ginagawang basura ng iba yung bagay na pinapangarap mo? Hahaha! anlalim nun ah? Basta kung ako tatanungin, Ipaglaban mo kung ano sa tingin mo ang tama, wag na wag kang mag aalinlangan. Sa huli, hinding hindi ka magsisisi syempre mas masaya kung nakuha mo yung sabi nga "Taong pangarap" mo. Kaya sige lang laban lang! Pano ka nga naman tatama sa Lotto kung hindi ka tataya?

"GON"
Siguro nagtataka ka kung ano ang ba yung GON sa navigation bar sa taas. Dito sa blog na to, malalaman mo na ang salitang nakapaloob sa GON. Sa panahon ngayon, bibihira ka na talaga makakita ng mga taong mapag ka-katiwalaan mo,yung mga taong concern din pala sa'yo kahit papaano, (Haha! nakakataba kaya ng puso), mga taong totoo na handang-handa kang sabayan sa mga trip mo sa buhay. Dati inaamin ko, di ko trip magkaroon ng mga babaeng kaibigan, hahaha! Eh kasi naman akala ko sobrang kj nila at walang alam sa buhay kung di mag pa-cute, pero totoo, sweet pala sila at di ka pababayaang maligaw sa maling daan. Lagi silang nangangaral at nagbibigay ng warning, para bang nape-predict nila yung future? Nasayo na nga lang kung makikinig ka. Siguro nga kailangan natin sa buhay na mag karoon ng kaibigang di ka papabayaan, hindi para sawayin ka sa gusto mo, kung hindi para malaman mo ang tama sa mali.
Fourth year high-school ako noon ng malaman ko ang ibig sabihin ng "Tunay na kaibigan". First time ko magkaroon ng mga kaibigang iba-iba ang pag ka-tao, nung una naguguluhan ako, pwede pala yun? nasanay na kasi ako na lahat ng kaibigan ko, adik sa "Pokemon", hahaha! Ewan ko ba, iba talaga sa feeling pag hindi puro "Pokemon" yung kasama mo :D. Kahit sobrang non sense yung pinag-gagawa namin, yung tipong nakatulala tapos sabay-sabay nagbibilang ng alikabok? Pag sila kasama ko, daig pa yung 3 days na nasa beach resort, pano pa kaya kung sa beach resort kami nag bibilang ng alikabok? Grabe, di ko maimagine kung ganong kasaya yun hahaha! Ine-exage ko lang para maramdaman mo na kahit walang pera, at kwentuhan lang, solve na kami. Sabi nila, sintomas daw yan na masaya ka sa mga kasama mo. Tinawag naming "GON" ang samahan namen, alam ko talaga Octagon dapat yan eh, pero, pito lang kami. Ah ewan basta GON! tapos! hahaha! Napakarami na naming nagawa na halos ay puro improvise lang, tulad ng unang buwang celebration eto ang actual pic ng kakornihang naisip namen hahah! Oh diba haha! ang weird no?
Actual pic:
Sobrang dami pang pangyayari na mas makabubuti sigurong hindi ko na idetalye, yung iba kasi forbidden :D Ang sarap sa pakiramdam na sa tinagal-tagal, nag kakaintindihan pa rin kami. may sarili mang kaming mga buhay, at iba-iba ng school na pinag aaralan, nagkakasundo pa rin kami. Isipin mo na lang kung iisang school parin kami hanggang ngayun? Sobrang lungkot man ng graduation dahil magkakahiwalay-hiwalay na kami, buo naman ang tiwala ko sa kanila na sa susunod na mga panahon tutuparin nila ang salitang "Walang limutan". Nakakapagod mag type kaya panoorin mo na lang to: (Weak pa ko nyan mag edit ng video, Sorry ah! Haha!) Click here!
Summary na yan ng mga nagawa namin nung Highschool days. Pero meron parin bagay na hindi pwede idetalye kasi nga, forbidden :) Hahaha! Miss na miss ko na sila, alam ko kasi na sobrang matatagalan ulit bago ko sila makita. "Oh sya! Ayoko nang maging madrama kaya tatapusin ko na to". Ang hirap kasi sa pakiramdam pag gustong-gusto mo sila makita, pero wala kang magawa kung di maghintay. O s'ya! eto na talaga HAHAHA! kitakits na lang ! basta promise ko sa inyo! mag kakaroon tayo ng ultimate grand celebration to the max balang araw.
"Ala-ala ni bantay"
Siguro, halos lahat sa'tin, nakaranas nang mag alaga ng aso, isang aso na handang pumrotekta't samahan ka. Isang asong walang ginawa araw-araw kung hindi hintayin ka maghapon. Nakakalungkot isipin na may mga tao paring nag- mamaltrato sa kanila, tinatadyakan, ginugulpi pag badtrip sa ibang bagay, at mas malala, pulutanin. Tulad ng tao, kailangan din ng aso ng kalinga, maraming aso ang dumadanas parin ngayun ng kalupitan.
Tulad ng marami, nag-alaga rin kami ng aso noon (mga grade 3 ako ). Isang asong askal na halos wala ng balahibo at puro galis, nung una ay ayoko talaga s'yang alagaan, pero dahil gusto yun ng erpat ko, tinanggap ko na lang, takang taka ako kung bakit yun ang pinili nyang alagaan samantalang andaming may lahi na asong binibigay sa kanya. Pinangalanan namin s'yang Ban, tatlong buwan na s'ya nung dumating samin. Dahil nga hindi na tuta, hindi naging madali ang pag papa-amo sa kanya. Lagi syang umuungol pag nilalapitan at parang mananakmal. Hindi kataka-taka dahil tingin ko, inaabuso sya ng dati nyang may ari. Lumaki si Ban at napaamo namin, naging isang makisig na asong lagi kong kasa-kasama noon, kalaro maghapon, at katulong sa panghuhuli ng daga. Napamahal na sakin si Ban, pag uwi ko dati sa galing sa eskwelahan ay s'ya agad ang pinupuntahan ko para makipaglaro't makipag habulan. Tuwang tuwa ako nun dahil s'ya ang pinaka una kong pet, sobrang dami kong tricks na tinuro sa kanya tulad ng fetch, sit, stand at takbo pa-ikot. Dahil nga sya ang madalas kong kasama, Kahit minsan hindi naging malamig ang pag tanggap sakin ni Ban,
Hanggang sa dumating si Macky, isang aso na half Siberian husky, half labrador. Dahil nga may breed, kailangan ni Macky ng extra care at attention .Dahil sa sobrang abala na kay Macky, napabayaan ko na si Ban, parang bigla syang nawalan ng gana at laging malungkot, hindi na sya tulad ng dati na sobrang saya tuwing makikita ako, Nawalan ako ng pakialam nun kay Ban at sinabi ko sa tatay ko na s'ya na lang ang mag alaga kay Ban at ako kay Macky. Dumaan ang napakaraming taon at nalaman ko na lang na nag kasakit at mahina na si Ban. Kumunsulta ang tatay ko ng isang eksperto at sinabing "bilang na ang araw ni Ban". Noong una ay ok lang sakin dahil nga andyan naman si Macky. Normal pa rin ang araw na mga nagdaan at wala akong awang naramdaman. Hanggang isang araw. Tinawag ako ng tatay ko at sinabing "Parang mamamatay na si Ban, ayaw mo ba syang kamustahin o tingnan man lang?" Sabi ko naman "Mamaya na lang pag ka kain ko", pagkatapos kumain, dali dali akong pumanik upang kamustahin ang alaga, pinainom ng tubig at hiniga ko s'ya sa hita ko, hindi na sya tulad ng dati, Mahina na s'ya at parang sobrang tamlay. Noong mga sandaling yun ay mangilid-ngilid ang luha ko dahil alam kong napakalaki ng pagkukulang ko sa kanya mula noong dumating si Macky. Lumipas ang ilang minuto, Tuluyan ng binawian ng buhay si Ban habang nakahiga sa hita ko, di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, parang punung puno ako ng guilt dahil sa nangyari. Wala na ang dating asong lagi kong kasa-kasama at kalaro noong bata pa ko. Biglang sumikip ang dibdib ko at nagsisi. Ang sakit sa pakiramdam na gusto nya lang pala akong makita, na kahit sa huling sandali, naramdaman ny'a na minsan din kaming nagkasama.
Hanggang ngayon pag na-aalala ko si Ban, nalulungkot pa rin ako. Salamat sa walang sawang pag hihintay sakin maghapon. Salamat dahil isa ka sa mga kumumpleto sa pagkabata ko, salamat sa mainit na pagtanggap. Mag ingat ka kung nasaan ka man ngayun at wag mong foodtripin ang manok ni San Pedro hihihi :)
"Antas ng karunungan"
"Wag ka nang mag isip ng kung ano pa man" Lalala~
-Rey Valera; (May ma intro lang :P) Ang pag iisip ay katambal ng salitang karunungan, Isang pambihirang kakayahan na tanging piling organismo lang ang nagtataglay, kelan mo ba masasabing ikaw ay marunong? Kala ko dati sapat ng batayan ng karunungan ang pagiging matalino sa eskwelahan, pero, hindi pala. Hindi pala porke't honor student ka nung nag-aaral ka eh magiging successful ka. Noong nasa pre-school ako, akala ko pag nag ka honor ako eh automatic na yayaman ako pag laki ko, mali pala ako. Sabi kasi ng nanay ko nun "Oh anak mag aral kang mabuti para pag laki mo makabili ka ng lahat ng gusto mo" dahil nga bata at malakas ang imahinasyon ko, pumasok agad sa isip ko na ako na raw ang mag-mamay ari ng Toy kingdom, pangarap ko kasi dating kolektahin lahat ng laruan sa buong mundo , yung tipong lahat ng batang ayaw makipaglaro saken ay sisip-sip at susundin lahat ng gusto ko para lang maka experience ng mga laruan ko. Haha! Ang galing talagang mang-uto ng mga magulang. Kala ko dati nung nakabisado ko yung Multiplication table, natutong mag divide at naka perfect sa test, isa na ko sa pinakamatalinong tao sa buong mundo, yan ang kaisipan ko nung bata pa ako. Siguro nga bilib lang ako sa sarili ko, akala ko superb yung utak ko nun, yung tipong mala Jimmy Neutron? Kahit hindi ako 1st honor noon, pinilit ko naman na hindi mawala sa top 10, nang sa ganung paraan, masuklian ko kahit papano y'ung pag hihirap ng mga magulang ko. Hanggang sa mag entrance exam na ko sa PUP, naka pasa naman ako at nasa priority list. Hanggang sa nag klase na nga kami, Hahaha! ANYARE? di ko alam kung na culture shock ba ko? Nakakilala na ko ng mga taong literal na mala Jimmy Neutron, yung tipong nakikipag talo sa Prof. madepensahan lang ang alam nyang tama, yung tipong marunong agad mag develop ng software (mala software engineer ang style) sa unang meeting palang (I.T course ko of-course ). Dun nagsimula manliit ang tingin ko sa sarili ko. Para akong daga na may kasamang mababangis na Leon.
Napag isip-isip ko na pano na ko sa darating na araw? May maniniwala pa ba saken? May mag a-approach pa ba saken at sasabihing "Alam mo kung pano to?, paturo naman". Yan ang mga bagay na unang pumasok sa isipan ko nun. Pinilit kong makipagsabayan at makipag-diskusyon, Oo, sobrang hirap, lalo na nung bumuo kami ng grupo sa subject namin tapos ako ang naatasan maging leader, tumaba ang puso ko nun na meron pa palang taong nagtitiwala sa kakayahan ko (Kahit alam kong takot lang silang maging leader). Magdamag kong pinagaralan straight yung binigay na problema, yung tipong 2 hours lang halos ang tinulog ko gabi-gabi, hindi lang masayang tiwala ng groupmates ko. Hanggang sa nakita na namin yung grade namin, 5.0 o "70%" inaamin ko, sobrang sakit, pinag hirapan namin ng husto yan, isang linggo kaming nag-tiis, nawalan ng social life, tapos ganun? Doon bumagsak ang self-confidence ko.
Hanggang makilala ko ang ka alma-matter ko na taga SFAC-Taguig. Honor student s'ya sa SFAC, panlaban sa mga Quiz bee inter campus at 2X defending Gold medalist, parehas kaming nag paka hirap pero ang pinag kaiba lang namin, nakakuha ng 3.0 o 75% (Pasang awa) ang grupo nya. Tinanong ko sy'a kung pano s'ya nakapasa eh halos parehas lang yung plano na nilatag namen. "Alma, hindi mo naman kailangan lumaban ng sobrang patas, minsan kailangan mo ng tulong ng ibang tao" yan ang sabi n'ya sa'kin. Akala ko nun ay kinuha niya yung lesson plan ni ma'am hahaha! pero hindi pala. Dun ko nalaman na malupet pala sa computer yung tatay nya! hahahaha! Tama, Father-Son tandem, ang lupit no? Nitong mga nagdaan na mga projects, nag joined force kami, dahil nga Franciscan, nababasa namin ang utak ng isa't isa, salitan sa trabaho at walang dugaan. Sa mga lumipas na panahon, nag recruit pa kami ng mga taong masasandalan namin at hindi yung puro bayad lang ang maitutulong, malista lang ang pangalan. Isa na kami ngayon sa pinaka mataas na nakakuha ng mga grades pag dating sa mga group projects.

Posted by Unknown
"Partners in crime"

Noong grade six kame naalala ko, lagi kaming may dala-dalang toy cards, kung hindi Duel masters, Pokemon naman, tuwang tuwa kami habang nilalaro namin yun, panay ang kantsawan ng "Bulok pala yang cards mo eh" sabay tawanan. Galit na galit kami sa mga teachers namin nun na walang ginawa kung hindi i-confiscate yung mga cards namen lalo na tuwing Angelus. Hahaha ! wala naman kaming magagawa eh, Dinadaan nalang namin sa sabayang pang- babackstab dun sa teacher na kumuha ng mga baraha namen, Badtrip kaya ! isipin mo, buong taon mo inipon yun tapos kukunin lang? Hahaha! Nakakamiss yang mga ganyang eksena, yung tipong maghapon naming i-cocomfort yung nakuhanan ng card hahaha! Tapos meron pang isang pagkakataon na pinag sulat ng "Noisy" yung isa naming tropa, "Oy wag mo ko susulat ah" sabi namin lahat dun sa tagalista, pero dahil honest s'ya at talaga namang maingay kami, sinulat niya kame, Ina-amin ko, sumama loob ko dun kahit papano, Haha ! nagdrama kami sa kaniya at sabay sabi n'ya "If you want to break our friendship, go ahead!" hahaha! para samen isa yang BIGWORD na akala namen noon, totohanan na Hahaha!
Dumating rin yung panahong lahat kami nag ka-crush ng sabay-sabay sa isang babae, hindi ko na papangalanan kung sino, basta nalaman na lang namen na isang babae lang pala yung trip namen nung nag kaaminan, dahil nga tropa, puro pag papaubaya ang nangyari, siguro nga iisa ang takbo ng utak namin kaya lahat kami nag paubaya (Literal) hanggang sa wala nang lumapit dun sa crush namin dahil nga nagpaubaya kami sa isa't isa at naunahan na kami ng iba. Eto chart: (gagamit ako ng variable para di nakakalito hahaha!) :
Variables:
= - Nagpaubaya
A-B-C-D-E-F - Kaming mag kakatropa.
X - Yung babae
Z - Other guy.
=> - Special link
A=B=C=D=E=F=A Z=>X
Gets mo? Haha ! Jologs diba? Ang sabi sa chart na yan ay nagbigayan kaming anim hanggang sa ibang tao na pala nakadagit dun sa crush namin. Pero ok lang hindi naman naging sila eh Hahaha! Ang komplikado nun ah.Pagkatapos nito dumating na ang kinalulungkutan naming pagkakataon.
Dahil nga grade six na kami n'yan at graduating na, dumating ang panahon kung saan ga-graduate na kami. Sobrang saya ng practice ng graduation, para kaming nakawala sa kulungan, batuhan ng amorseco, computer, punta sa bahay nila Lester (kaklase namin), papawis sabay tutok sa aircon, maghapong pag hahagilap sa teacher para sa clearance, at syempre maghapong laughtrip. lahat yan ginawa namin ng sabay sabay maliban sa isa naming tropa na napilayan sa sobrang kalikutan. Akala namin dati hindi na kami mag kakalayu-layo, akala namin na sa susunod na mga araw kami kami parin ang sabay sabay na gagawa ng kalokohan, pero mali pala ako, Umalis ang tatlo sa'min at tatlo na lang kaming naiwan, Dahil nga highschool at hindi na kami kumpleto, hindi na ganung kasaya ang trip namin hindi tulad noong mga panahong kumpleto pa kami.
"Awkwardness, it hurts"
Title at picture pa lang nito, sigurado ako, alam mo na kung saan to papunta, hahaha! lahat ng bagay bagay dito sa mundong 'to ay ginawa ng Diyos na may kapareha, ang mga moon at stars, pandesal at kape, toothpaste at toothbrush at marami pa. Totoo nga na lahat ng bagay ay may kanya-kanyang "ka meant to be". Eh ano ngayon kung meant to be? Ano pang ginagawa ng freewill? haha! :D. Walang pinagkaiba dyan ang sitwasyong to:
Wala kang martilyo para pang-pukpok sa pako, syempre dahil may free will ka, kaya gagawin mong pamukpok si pliers para lang bumaon si pako. Oh diba? sila na ngayun ang mag ka partner :) Oo nga di talaga sila para sa isa't isa, pero may paraan nga eh, kung hihintayin ni pako si martilyo, eh aabutin lang sy'a ng kalawang, bakit pa? eh andyan na man si pliers?
"Learn to appreciate what you have". Wag tayong mag hintay sa kawalan, hindi lahat ng bagay nananatili habangbuhay, kaya ikaw, hangga't andyan s'ya, wag ka nang mag pa bebe :) bahala ka, balang araw pag nakahanap ng iba yan, sasabihin mo na lang "Awkward (Though it hurts)" Ansakit no? Wala na kong magagawa eh "freewill mo yan eh" Yung lalaking pinaasa mo at patuloy na umaasa sa'yo, bastedin mo na kung babastedin mo o sagutin mo na kung mahal mo! Balang araw, pag may kasama nang iba yan bahala ka! AWKWARD! hahaha! Makes sense?
Wala na sigurong mas sasakit pag nakita mo yung akala mong "Ka meant to be mo" ay may kasamang iba, tapos nasa isang lugar lang kayo, AWKWARD! HAHAHA! eh kasalanan mo naman kasi yan eh, hintay ka ng hintay kay Prince Charming, sa sobrang paghihintay mo, nababalewala mo na yung mga taong tinuturing kang special. OH! hindi ko sinasabing mag pakasal ka agad ah? Wag puro kapusukan ang pairalin, uso mag isip. Gusto ko lang kasing parating na kung masaya kang kasama sy'a at yung tipong miss na miss mo agad sy'a pagkatapos nyo lang magkita, eh ano pa bang trip mo? hahaha!
Di mo ba napansin na may salitang "KWAWA" na nakapaloob sa salitang "AWKWARD"? Hahaha! di yan coincidence, yan ang sasapitin mo kung patuloy mong i-dedeny sa sarili mo ang tunay mong nararamdaman.

"Friendzone at Koyazoned"
Sabi nila, lahat daw ng tao nakakaranas mag mahal, yung tipong gagawin mo lahat mapasaya mo lang siya? sabi naman ng siyensya, ang pag ibig daw ay isang kondisyon kung saan permanenteng tinatakpan ng utak ang lahat ng kapintasan ng taong mahal mo. Ang pag ibig ay para lamang sa mga bagay na nabubuhay, isipin mo na lang, ang lungkot siguro ng bato kung pati sila may kakayahang magmahal. Hahaha! Pero maiba ako, kelan mo ba masasabi kung ikaw ay nagmamahal na? Ayon kay pareng Google, mahal mo na s'ya kapag di siya maalis sa isip mo, gusto mo lagi siyang kasama kahit na sa panaginip mo. at lagi kang may dalang sorpresa para sa kanya. Marami na siguro satin ang nakaranas na ng mga sintomas na yan. Ano naman ang mas matimbang magmahal? babae o lalaki? ayon sa aking survey, Mas matagal mag mahal ang mga babae, pero mas mabilis makaramdam ng pag mamahal ang mga lalaki. Di naman kataka-taka, mabilis talaga magdesisyon kaming mga lalaki, haha ! pero di lahat ng lalaki, madaling ma fall-out of love :)
Nitong mga nakaraang araw, may gumugulo sa isip kong mga salita ang "Friendzone at Koya/Atezone" Ano nga ba tong mga to? Ang friendzone ay isang sitwasyon kung saan kaibigan lang ang turing ng taong mahal na mahal mo sa'yo. Ouch diba? haha eto sitwasyon:
Boy: Wala ka bang nararamdaman?
Girl: Ha? anong nararamdaman?
Boy: Yung pag kakaibigan natin, gusto ko lagpas pa don..
Girl: AH!!! BestFriend??!
Boy: Hindi -.-
Girl: AHH gets, ULTIMATE SUPER BESTFRIEND?
Boy: :'(
Sobrang sakit ng mga ganyang eksena saming mga kalalakihan. Isipin mo na lang isa kang pusa at gusto mong may kumalinga sayo at ituring kang pamilya, pero hindi pwede dahil hanggang pet lang ang tingin nya sayo :( hahahah ! OUCH! Kung masakit ang friendzone, mas masakit ang Koyazoned, dito ay hanggang kapatid lang ang turing nya sayo kahit hindi naman kayo magkapatid. ito ang eksena para lalo mong ma intindihan :)
Boy: gusto mo mag-date?
Girl: Anong nakain mo kuya?
Boy: T.T
Oh diba? basag agad si koya? haha eh kasi naman eh -.-, "Hindi masamang magmahal, ito ay senyales ng katapangan at pagiging mapagbigay" pero, tandaan natin, lahat ng bagay, may hangganan, kung kaibigan lang, tanggapin mo na, wag ka malungkot, (Hindi ko sasabihing marami pang iba) dahil alam kong mahirap talagang mag move-on. Siguro mas tamang sabihin na, mag blog ka na lang :) dahil tulad mo, parehas lang tayo ng pinagdaanan :)

"Kabataan"

Lahat ng bata ay may pangarap, ayon sa pag aaral na isinagawa ko, 85% ng nga bata ay gustong maging doctor, at 98% sa kanila pag tinanong mo kung bakit nila gusto maging doctor ay sasabihin nila "Para po makatulong sa mga mahihirap.... (with matching pababy voice). Natural lang yan dahil bata pa lang sila, pinepressure na sila ng mga magulang nila "Kung hindi ka mag-aaral, magiging basurero ka" o di naman kaya, positive reinforcement "Pag nag aral ka, pupunta tayo Jollibee". Masakit mang isipin pero lahat ng bata ay dapat mag aral. Oo nga nakakatamad talagang mag aral, hahaha! sino ba naman batang gustong magbasa ng magbasa? habang lahat ng kalaro nya ay abalang abala sa paglalaro? Naalala ko nung bata pa ko, wala yatang araw na hiniling ko sa Diyos na makapagtapos na ko sa pag-aaral para sabay-sabay na kaming maglaro one to sawa ng mga kalaro ko, pero nung nag kaisip ako, nalaman ko na lang, na hindi pala lahat ng hiling ay stable, hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay gusto mong maglaro, Naalala ko nung grade two ako, wala kaming ginawa nila Karl at gesem kung di mag Poke'mon maghapon, Hahaha! sino ba naman kasi ang di mawiwili sa pokemon? Bidang bida ka pag nakahuli ka ng super Rare na pokemon, tingin ng mga kalaro mo sayo ikaw ang pinaka maswerteng tao. Pero nung grade 6 na kami, naimbento namen gumamit ng gameshark code, isang uri ng cheat kung saan pwede mong mahuli ang lahat ng pokemon. Noong una ay tuwang tuwa kami, pero nung bandang huli, parang hindi na kami masaya, isa lamang patunay na pag dinaan mo sa shortcut ang isang bagay, hindi mo to maeenjoy mabang buhay. iba pa rin yung pinag hirapan, yung tipong maghapon ka sa Goldenrod city (city sa Pokemon) mahanap lang sina Entei ( Rare pokemon ). Bawat level ng tao, iba iba ang hinahanap na kasiyahan halimbawa:
Level 1 (Age 0 - 4 ) = Gusto nila puro pambatang laro tulad ng "pikaaa boo!".
Level 2 (Age 5 - 9) = Bata na yan, gusto na nyan makipag laro at makipag-socialize sa kasing edad nya.
Level 3 (Age 10 -12) = Eto ang tinatawag na Tweens o "Between" dahil nasa gitna sila ng puberty at childhood. Trip nila mag matanda minsan promise :)
Level 4 (Age 13-18 ) = Yan! dalagat binata na sila, D'yan na nag sisimulang lumabas paunti unti ang ibat-ibang problema. Yung trip nila? Basta anything about Kilig at kasiyahan.
Level 5 (Age 19-20) = Early adulthood, d'yan na nag sisimulang mabago ang pag tingin nila sa buhay. Nagiging mature na mag isip at laging sinasa-alang alang ang future (Kung responsable) hihihi.
Level 6 (Age 21-39) = Basta tungkol sa pera at pag papamilya!
level 7 (Age 40-60) = Kung dati puro ka gimik, dito puro ka na lang office - uwi.
level 8 (Age 61-78) = Average span ng tao, dito nag iisip na tayo tungkol sa huling habilin.
Level 9 (Age 79-89) = Epic! swerte mo na kung nakaabot ka rito, hahaha !
Level 10 (Age 90-150) = Siguro sa panahong to, kajamming mo na si San Pedro hehe :)
Marami man tayong pangarap sa buhay, tandaan nyo, "Hindi lahat ng bagay nadadaan sa shortcut"
mas masarap pa rin ang hinog sa puno ika nga, kaya ano pang ginagawa mo? Mag aral kang mabuti at balang araw hindi ka magsisisi sa buhay na inabot mo,