- Back to Home »
- Don't grow up, it's a trap.
Posted by : Unknown
Sunday, December 1, 2013
Sapilitang pagkain, school, maagang pagligo at pagtulog sa tanghali, ilan lang yan sa mga kalbaryo na tapos ko nang pag daanan. Napaka simple ng buhay, gigising ng 6:00 am para maligo at papasok sa school hanggang 12:00pm, ibang-iba ang pakiramdam ng uwian sa elementary, para bang "Yehey! play all day long!" yung tipong solong solo mo yung buong araw at guess what? Stress free! Hahaha!! eh nung tumanda? 9:30pm uwian at "Ui uwian na, teka, gawin ko muna mga kailangan kong gawin sa school." Yung napakakulay na routine ko araw -araw noong elementary days, naging plain at boring na nung tumanda. Dati, family computer lang sa tuwing walang pasok, solve na. tignan mo tong picture na to:
Sa tuwing tinitignan ko yang picture na yan nalulungkot ako, alalang alala ko yung childhood ko, kumukuha ng maraming chichirya para di magutom habang nag lalaro ng family computer.
Bukod sa pag babago sa routine, meron pa kong nakikitang trap sa pagtanda. Ang pasko at sick days. Kung dati eh, walang mintis sa pag bibigay ng regalo si Santa Claus at magulang mo tuwing pasko. Ngayong lumaki ka, iba na. Pati si Santa, tinamad na. Dati tuwing 24 ng december kating kati kang mag sabit ng medyas at di makatulog, naaalala ko pa dati, imbis na medyas, plastic bag sinabit ko para mas maraming malagay si Santa. "Narinig kaya ni Santa yung wish ko?" At pag gising kinabukasan, Boom! nasa ibaba na ng plastic bag. Kundi remote control car, eh bagong game console. At oo, tuwang tuwa talaga ako. Hanggang sa tumanda na ako. 11 y/0 nung di na nag paramdam si Santa. Oo, medyo sumama yung loob ko, kasi simula't sapul, wala syang mintis sa pag bibigay ng magagandang regalo. Nag taka tuloy ako. "Not sure if I became naughty or just grew up?" Pero naka move on na ko, at nung katagalan eh nadiskubre kong parents and Santa. Isa lang sila </3. Such pain. Hahaha!
bukod sa Pasko, malaking pag babago ren ang naramdaman ko sa tuwing may sakit ako nung bata compared ngayon. Dati, todo alaga ang lahat. May sakit ka? Bibilan ka pa ng laruan, papa check up sa doctor, bibili ng favorite foods at anlamig lamig pag gabi. Eh nung tumanda? Check up? Asa. "Sipon lang yan." </3.
Alam kong hindi pa huli, kaya sinubukan kong i experience ulit yung mga bagay na nag papasaya sakin nung bata ako, pero iba na, di ko na naeenjoy di tulad ng dati. Yung dating Palasyong bahay, karton na lang, yung dating family computer, naging boring and non sense na. Yung mga tau-taohan ko dati, kalat na lang. yung dating favorite toys ko, display na lang, yung favorite spot ko sa laruan nung bata ako, daanan na lang at yung kawali na ginagamit kong arena sa beyblade, Di ko na makita, siguro tinapon na :'( Dati gustong gusto ko tumanda, para mabili lahat ng gusto kong mga laruan at chichirya. Pero pramis. Di ko inexpect to. Hahaha!
Sa mga batang gusto nang tumanda, ako na nag sasabi sa inyo "Don't grow up. It's a trap."