- Back to Home »
- Manloloko
Posted by : Unknown
Tuesday, January 28, 2014

kung nababasa nyo naman yung title, hindi naman autobiography ko ang isusulat ko, pasensya na sa sobrang habang kaartehan sa taas. tungkol kanino? EWAN. naisipan ko lang to isulat dahil na-inspire ako sa katext ko. wala eh. dejk, para to sa mga taong manloloko, naloko, niloloko, patuloy na nagpapaloko, at sa mga lolokohin pa lang. for sure isa ka sa mga yan.
ano nga ba ang PANLOLOKO? ang panloloko ay isang uri ng kawalanghiyaan. THE END. totoo naman diba? kahit ano pa ang dahilan, walang karapatan ang isang tao na manloko. nakakabadtrip lang talaga yung mga tao na sila na yung nagkamali, pilit pang ipapasa sayo yung sisi. ang KAPAL LANG NG MUKHA. LEVEL 99. at kung akala nyo nakakagwapo ang manloko, let me tell you this, sa bawat panlolokong ginagawa ng isang tao, pababa ng pababa ang dignidad nya at hindi yun nakakatuwa. mga manLOWloko. kaya para sa lahat ng uri ng taong nakakabasa neto, may gusto akong sabihin sa inyo.
SA MGA MANLOLOKO:
maraming uri ng mga manloloko eh, nakaka-classify sila into three groups, yung una ay:
• MGA GWAPO AT MAGAGANDANG MANLOLOKO
hindi porket may itsura ka ay may karapatan ka nang gawin ang kahit anung gusto mo, dahil tandaan, daig ng maagap ang masipag. anung konek? sabi nga ni mam, SEARCH GOOGLE.
• MGA PANGET NA MANLOLOKO
panget ka na nga, panget ka pa ulet? wag ganun oy. sabi nga kung di madaan sa mukha, daanin sa ugali.
• MGA NAGMAMAGANDANG MANLOLOKO
eto yung may mga lines pa bago ka iwan. HALIMBAWA: “It’s not you, it’s me.”, “If we are really meant to be, DESTINY will find its way.” arte much lang, ang dami pang sinabi, nagmamaganda pa, eh mukha namang biniro yung mukha. utut nyo.
SA MGA NALOKO, NILOLOKO AT SA MGA PATULOY NA NAGPAPALOKO:
eto lang ang masasabi ko sa inyo, LIVE YOUR LIFE. alam ko na yang mga iniisip ng mga naloko eh. ang daming what ifs. what if balikan ka nya, what if mas mahal ka nya, and the long list of WHAT IFS never ends. tama diba? masyadong masokista. nasaktan na nga ng iba, gusto pa ulit saktan yung sarili nya. let me tell you this, for once, isipin mo naman yung sarili mo, hindi sya, yung kapakanan mo, hindi yung kanya. you deserve every right to be happy. wag mong hadlangan ang sarili mong kaligayahan. there’s more to life than that person. nasaktan ka? okay lang yan. naloko ka? normal lang yan. iniwan ka? keri lang yan. wala eh, things happen, people leave, and the world doesn’t stop for anybody. oo, naging tanga ka, pero yung katangahan mo ngayon, alaala na lang yan bukas. at i-goal mo na wag na ulit maging tanga. NOT ANYMORE AND NEVER AGAIN.
SA MGA MALOLOKO:
chill lang, wag atat. maloloko ka din. at pag dumating ang time na yun, wag mong panghinayangan ang taong yun. oo, manghihinayang ka sa simula, pero MAS MABUTI PANG MANGHINAYANG KESA MAGSAYANG. kung ayaw nya sayo, eh di sige, who cares? kahit sino pang tao yan, kahit si Enrique Gil pa yan, kahit si Daniel Padilla pa, o kahit si P-Noy pa, o kahit si Obama pa, SWERTE PA DIN SILA KAPAG IKAW ANG NAGMAHAL. di sila kawalan at di mo yun kawalan. BE RESERVED FOR SOMEONE YOU TRULY DESERVE. at ang feeling na maloko ay parang nung feeling mo lang nung first time ka makakuha ng singko . sa una lang masakit . after nun, pag may nanloko pa sayo, wala na lang, sanay na . wahaha .
oh well papel, inaantok na ko, ayoko nang magtype, haha, sori sa medyo mahabang blog/diary. haha. keep on smiling, not for anyone, but for yourself.