Posted by : Unknown Sunday, June 9, 2013


     Lahat ng bata ay may pangarap, ayon sa pag aaral na isinagawa ko, 85% ng nga bata ay gustong maging doctor, at 98% sa kanila pag tinanong mo kung bakit nila gusto maging doctor ay sasabihin nila "Para po makatulong sa mga mahihirap.... (with matching pababy voice). Natural lang yan dahil bata pa lang sila,  pinepressure na sila ng mga magulang nila "Kung hindi ka mag-aaral, magiging basurero ka" o di naman kaya, positive reinforcement "Pag nag aral ka, pupunta tayo Jollibee". Masakit mang isipin pero lahat ng bata ay dapat mag aral. Oo nga nakakatamad talagang mag aral, hahaha! sino ba naman batang gustong magbasa ng magbasa? habang lahat ng kalaro nya ay abalang abala sa paglalaro? Naalala ko nung bata pa ko, wala yatang araw na hiniling ko sa Diyos na makapagtapos na ko sa pag-aaral para sabay-sabay na kaming maglaro one to sawa ng mga kalaro ko, pero nung nag kaisip ako, nalaman ko na lang, na hindi pala lahat ng hiling ay stable, hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay gusto mong maglaro, Naalala ko nung grade two ako, wala kaming ginawa nila Karl at gesem kung di mag Poke'mon maghapon, Hahaha! sino ba naman kasi ang di mawiwili sa pokemon? Bidang bida ka pag nakahuli ka ng super Rare na pokemon, tingin ng mga kalaro mo sayo ikaw ang pinaka maswerteng tao. Pero nung grade 6 na kami, naimbento namen gumamit ng gameshark code, isang uri ng cheat kung saan pwede mong mahuli ang lahat ng pokemon. Noong una ay tuwang tuwa kami, pero nung bandang huli, parang hindi na kami masaya, isa lamang patunay na pag dinaan mo sa shortcut ang isang bagay, hindi mo to maeenjoy mabang buhay. iba pa rin yung pinag hirapan, yung tipong maghapon ka sa Goldenrod city (city sa Pokemon) mahanap lang sina Entei ( Rare pokemon ). Bawat level ng tao, iba iba ang hinahanap na kasiyahan halimbawa:

Level 1 (Age 0 - 4 )      = Gusto nila puro pambatang laro tulad ng "pikaaa boo!".
Level 2 (Age 5 - 9)       = Bata na yan, gusto na nyan makipag laro at makipag-socialize sa kasing edad nya.
Level 3 (Age 10 -12) = Eto ang tinatawag na Tweens o "Between" dahil nasa gitna sila ng puberty at childhood. Trip nila mag matanda minsan promise :)
Level 4 (Age 13-18 )    =  Yan! dalagat binata na sila, D'yan na nag sisimulang lumabas paunti unti ang ibat-ibang problema. Yung trip nila? Basta anything about Kilig at kasiyahan.
Level 5 (Age 19-20)     = Early adulthood, d'yan na nag sisimulang mabago ang pag tingin nila sa buhay. Nagiging mature na mag isip at laging sinasa-alang alang ang future (Kung responsable) hihihi.
Level 6  (Age 21-39)      = Basta tungkol sa pera at pag papamilya!
level  7   (Age 40-60)     = Kung dati puro ka gimik, dito puro ka na lang office - uwi.
level  8   (Age 61-78)     = Average span ng tao, dito nag iisip na tayo tungkol sa huling habilin.
Level 9  (Age 79-89)     = Epic! swerte mo na kung nakaabot ka rito, hahaha !
Level 10 (Age 90-150)   = Siguro sa panahong to, kajamming mo na si San Pedro hehe :)


              Marami man tayong pangarap sa buhay, tandaan nyo, "Hindi lahat ng bagay nadadaan sa shortcut"
mas masarap pa rin ang hinog sa puno ika nga, kaya ano pang ginagawa mo? Mag aral kang mabuti at balang araw hindi ka magsisisi sa buhay na inabot mo, 

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -