Posted by : Unknown Tuesday, June 11, 2013

"Wag ka nang mag isip ng kung ano pa man" Lalala~
-Rey Valera; (May ma intro lang :P)  Ang pag iisip ay katambal ng salitang karunungan, Isang pambihirang kakayahan na tanging piling organismo lang ang nagtataglay, kelan mo ba masasabing ikaw ay marunong? Kala ko dati sapat ng batayan ng karunungan ang pagiging matalino sa eskwelahan, pero, hindi pala. Hindi pala porke't honor student ka nung nag-aaral ka eh magiging successful ka. Noong nasa pre-school ako, akala ko  pag nag ka honor ako eh automatic na yayaman ako pag laki ko, mali pala ako. Sabi kasi ng nanay ko nun "Oh anak mag aral kang mabuti para pag laki mo makabili ka ng lahat ng gusto mo" dahil nga bata at malakas ang imahinasyon ko, pumasok agad sa isip ko na ako na raw ang mag-mamay ari ng Toy kingdom, pangarap ko kasi dating kolektahin lahat ng laruan sa buong mundo , yung tipong lahat ng batang ayaw makipaglaro saken ay sisip-sip at susundin lahat ng gusto ko para lang maka experience ng mga laruan ko. Haha! Ang galing talagang mang-uto ng mga magulang. Kala ko dati nung nakabisado ko yung Multiplication table, natutong  mag divide at naka perfect sa test, isa na ko sa pinakamatalinong tao sa buong mundo, yan ang kaisipan ko nung bata pa ako. Siguro nga bilib lang ako sa sarili ko, akala ko superb yung utak ko nun, yung tipong mala Jimmy Neutron? Kahit hindi ako 1st honor  noon, pinilit ko naman na hindi mawala sa top 10, nang sa ganung paraan, masuklian ko kahit papano y'ung pag hihirap ng mga magulang ko. Hanggang sa mag entrance exam na ko sa PUP, naka pasa naman ako at nasa priority list. Hanggang sa nag klase na nga  kami, Hahaha! ANYARE? di ko alam kung na culture shock ba ko? Nakakilala na ko ng mga taong literal na mala Jimmy Neutron, yung tipong nakikipag talo sa Prof. madepensahan lang ang alam nyang tama, yung tipong marunong agad mag develop ng software (mala software engineer ang style) sa unang meeting palang (I.T course ko of-course ). Dun nagsimula manliit ang tingin ko sa sarili ko. Para akong daga na may kasamang mababangis na Leon.


      Napag isip-isip ko na pano na ko sa darating na araw? May maniniwala pa ba saken? May mag a-approach pa ba saken at sasabihing "Alam mo kung pano to?, paturo naman". Yan ang mga bagay na unang pumasok sa isipan ko nun. Pinilit kong makipagsabayan at makipag-diskusyon, Oo, sobrang hirap, lalo na nung bumuo kami ng grupo sa subject namin tapos ako ang naatasan maging leader, tumaba ang puso ko nun na meron pa palang taong nagtitiwala sa kakayahan ko (Kahit alam kong takot lang silang maging leader). Magdamag kong pinagaralan straight yung binigay na problema, yung tipong 2 hours lang halos ang tinulog ko gabi-gabi, hindi lang masayang tiwala  ng groupmates ko. Hanggang sa nakita na namin yung grade namin, 5.0 o "70%" inaamin ko, sobrang sakit, pinag hirapan namin ng husto yan, isang linggo kaming nag-tiis, nawalan ng social life, tapos ganun? Doon bumagsak ang self-confidence ko.

       Hanggang makilala ko ang ka alma-matter ko na taga SFAC-Taguig. Honor student s'ya sa SFAC, panlaban sa mga Quiz bee inter campus at 2X defending Gold medalist, parehas kaming nag paka hirap pero ang pinag kaiba lang namin, nakakuha ng 3.0 o 75% (Pasang awa) ang grupo nya. Tinanong ko sy'a kung pano s'ya nakapasa eh halos parehas lang yung plano na nilatag namen. "Alma, hindi mo naman kailangan lumaban ng sobrang patas, minsan kailangan mo ng tulong ng ibang tao" yan ang sabi n'ya sa'kin. Akala ko nun ay kinuha niya yung lesson plan ni ma'am hahaha! pero hindi pala. Dun ko nalaman na malupet pala sa computer yung tatay nya! hahahaha! Tama, Father-Son tandem, ang lupit no? Nitong mga nagdaan na mga projects, nag joined force kami, dahil nga Franciscan, nababasa namin ang utak ng isa't isa, salitan sa trabaho at walang dugaan. Sa mga lumipas na panahon, nag recruit pa kami ng mga taong masasandalan namin at hindi yung puro bayad lang ang maitutulong, malista lang ang pangalan.  Isa na kami ngayon sa pinaka mataas na nakakuha ng mga grades pag dating sa mga group projects.

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -