Posted by : Unknown Monday, June 10, 2013

     Title at picture pa lang nito, sigurado ako, alam mo na kung saan to papunta, hahaha! lahat ng bagay bagay dito sa mundong 'to ay ginawa ng  Diyos na may kapareha, ang mga moon at stars, pandesal at kape, toothpaste at toothbrush at marami pa. Totoo nga na lahat ng bagay ay may kanya-kanyang "ka meant to be". Eh ano ngayon kung meant to be? Ano pang ginagawa ng freewill? haha! :D. Walang pinagkaiba dyan ang sitwasyong to:

      Wala kang martilyo para pang-pukpok sa pako, syempre dahil may free will ka, kaya gagawin mong pamukpok si pliers para lang bumaon si pako. Oh diba? sila na ngayun ang mag ka partner :) Oo nga di talaga sila para sa isa't isa, pero may paraan nga eh, kung hihintayin ni pako si martilyo, eh aabutin lang sy'a ng kalawang, bakit pa? eh andyan na man si pliers? 

      "Learn to appreciate what you have". Wag tayong mag hintay sa kawalan, hindi lahat ng bagay nananatili habangbuhay, kaya ikaw, hangga't andyan s'ya, wag ka nang mag pa bebe :) bahala ka, balang araw pag nakahanap ng iba yan, sasabihin mo na lang "Awkward (Though it hurts)" Ansakit no? Wala na kong magagawa eh "freewill mo yan eh" Yung lalaking pinaasa mo at patuloy na umaasa sa'yo, bastedin mo na kung babastedin mo o sagutin mo na kung mahal mo! Balang araw, pag may kasama nang iba yan bahala ka! AWKWARD! hahaha! Makes sense?


      Wala na sigurong mas sasakit pag nakita mo yung akala mong "Ka meant to be mo" ay may kasamang iba, tapos nasa isang lugar lang kayo, AWKWARD! HAHAHA! eh kasalanan mo naman kasi yan eh, hintay ka ng hintay kay Prince Charming, sa sobrang paghihintay mo, nababalewala mo na yung mga taong tinuturing kang special. OH! hindi ko sinasabing mag pakasal ka agad ah? Wag puro kapusukan ang pairalin, uso mag isip. Gusto ko lang kasing parating na kung masaya kang kasama sy'a at yung tipong miss na miss mo agad sy'a pagkatapos nyo lang magkita, eh ano pa bang trip mo? hahaha!


    Di mo ba napansin na may salitang "KWAWA" na nakapaloob sa salitang "AWKWARD"? Hahaha! di yan coincidence, yan ang sasapitin mo kung patuloy mong i-dedeny sa sarili mo ang tunay mong nararamdaman.


     


Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -