Posted by : Unknown Monday, June 10, 2013

     Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng mga kaibigang karamay mo sa kalokohan, mga kaibigan at hindi yung mga kaibigang kuno na puro ka-plastikan lang. Isa na siguro ang kaibigan sa mga bagay na hindi mo kayang mawala, sila yung kilalang kilala ka mula ulo hanggang paa, yung nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay, yung nasasabihan mo ng mga napaka walang kwentang bagay, pero pag na share mo sa kanila, napapatawa sila minsan sa ka-cornihan. Marami satin hanggang ngayon hindi pa siguro nakikita ang kanilang "Partners in crime" Sila yung mga kaibigan mo na sobrang sinosoportahan ka hindi dahil gusto ka nilang mapariwara, kundi dahil naiintindihan ka nila. Ang sarap kayang mag karoon ng ka jamming sa mga kalokohan? Hahaha! yung tipong lalagyan nyo ng kung ano anong buhok at lamang lupa yung water container ng kinaiinisan n'yong tao. Mahirap mang imagin-in, pero ang sarap sa feeling na kahit nagalit sa'yo yung teacher mo noong elementary sa tuwing puro kalokohan ang pinag-gagagawa n'yo ay worth it dahil hindi lang sa'yo ang sisi, marami kayong mag papasan ng sermon. Siguro natural lang sa'ting mga tao na humanap ng "Army" pag dating sa mga bad deeds. 

   Noong grade six kame naalala ko, lagi kaming may dala-dalang toy cards, kung hindi Duel masters, Pokemon naman, tuwang tuwa kami habang nilalaro namin yun, panay ang kantsawan ng "Bulok pala yang cards mo eh" sabay tawanan. Galit na galit kami sa mga teachers namin nun na walang ginawa kung hindi i-confiscate yung mga cards namen lalo na tuwing Angelus. Hahaha ! wala naman kaming magagawa eh, Dinadaan nalang namin sa sabayang pang- babackstab dun sa teacher na kumuha ng mga baraha namen, Badtrip kaya ! isipin mo, buong taon mo inipon yun tapos kukunin lang? Hahaha! Nakakamiss yang mga ganyang eksena, yung tipong maghapon naming i-cocomfort yung nakuhanan ng card hahaha! Tapos meron pang isang pagkakataon na pinag sulat ng "Noisy" yung isa naming tropa, "Oy wag mo ko susulat ah" sabi namin lahat dun sa tagalista, pero dahil honest s'ya at talaga namang maingay kami, sinulat niya kame, Ina-amin ko, sumama loob ko dun kahit papano, Haha ! nagdrama kami sa kaniya at sabay sabi n'ya "If you want to break our friendship, go ahead!" hahaha! para samen isa yang BIGWORD na akala namen noon, totohanan na Hahaha! 

      Dumating rin yung panahong lahat kami nag ka-crush ng sabay-sabay sa isang babae, hindi ko na papangalanan kung sino, basta nalaman na lang namen na isang babae lang pala yung trip namen nung nag kaaminan, dahil nga tropa, puro pag papaubaya ang nangyari, siguro nga iisa ang takbo ng utak namin kaya lahat kami nag paubaya (Literal) hanggang sa wala nang lumapit dun sa crush namin dahil nga nagpaubaya kami sa isa't isa at naunahan na kami ng iba.  Eto chart: (gagamit ako ng variable para di nakakalito hahaha!) :

Variables:
=                         - Nagpaubaya
A-B-C-D-E-F    - Kaming mag kakatropa.
X                        - Yung babae
Z                        - Other guy.
=>                      - Special link

A=B=C=D=E=F=A          Z=>X
    

 Gets mo? Haha ! Jologs diba? Ang sabi sa chart na yan ay nagbigayan kaming  anim hanggang sa ibang tao na pala nakadagit dun sa crush namin. Pero ok lang hindi naman naging sila eh Hahaha! Ang komplikado nun ah.Pagkatapos nito dumating na ang kinalulungkutan naming pagkakataon.


        Dahil nga grade six na kami n'yan at graduating na, dumating ang panahon kung saan ga-graduate na kami. Sobrang saya ng practice ng graduation, para kaming nakawala sa kulungan, batuhan ng amorseco, computer, punta sa bahay nila Lester (kaklase namin), papawis sabay tutok sa aircon, maghapong pag hahagilap sa teacher para sa clearance, at syempre maghapong laughtrip. lahat yan ginawa namin ng sabay sabay maliban sa isa naming tropa na napilayan sa sobrang kalikutan. Akala namin dati hindi na kami mag kakalayu-layo, akala namin na sa susunod na mga araw kami kami parin ang sabay sabay na gagawa ng kalokohan, pero mali pala ako, Umalis ang tatlo sa'min at tatlo na lang kaming naiwan, Dahil nga highschool  at hindi na kami kumpleto, hindi na ganung kasaya ang trip namin hindi tulad noong mga panahong kumpleto pa kami.


      



    

      

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -