Posted by : Unknown Friday, June 21, 2013

Isa sa pinaka problema ng mga lalaki pag dating sa pag-ibig ay ang "Kator" o  mas kilala sa tawag na "Katorpehan". Ngayon ko lang din nalaman na ang spanish word pala ng salitang "Awkward" ay "Torpe", ang pagiging torpe ay isang kundisyon na kung saan, para bang magic na pinipigilan ka ng kaluluwa mong umamin o makipag usap man lang sa taong tinitibok ng puso mo, Ang weird no? Hahaha! Napaka complicated n'yang ipaliwanag, pero dahil nandito ka sa blog na to, sige, papaliwanag ko na. Ang pagiging torpe, hindi namin ginusto yan promise!

 Ang main reason lang kung bakit may torpe ay ang tinatawag na THR o (T)hermostatic (H)ydrochloric (R)eflex mas kilala rin ito bilang (T)akot, (H)iya at (R)espeto, Hihihi ! Bakit (T)akot? (T)akot si lalake na umamin kay babae, hindi dahil bading si lalaki, kung di dahil na sesense n'ya na hindi s'ya gusto ni babae at pwede lang masira ang relasyon nila bilang magkaibigan o hindi naman eh, (T)akot si lalaki dahil useless, meron nang iba si babae. Bakit naman (H)iya? Nahihiya si lalake na umamin, hindi dahil panget s'ya o kung ano man, kung di dahil masyadong mataas si babae para sa kanya, yung tipong kung hindi over achiever ay sobrang yaman ng pamilya ni babae,  samantaang si lalaki, waley. At ang pinakahuli kong teyorya, (R)espeto, ito ang pinaka mabigat na dahilan kung bakit may natotorpe. Siguro nag tatanong ka na ngayon, "Ha panong respeto?" Respeto, hindi dahil matanda na si babae, kung 'di dahil hindi pa handa si babae, ang sakit lang isipin na minsan, ginagawang excuse ni babae ang salitang "Sorry, hindi pa ako handa" Syempre, dahil may respeto, mag hihintay kaming mga lalaki sa napaka habang panahon kung saan handa na si babae, pero ang masakit  ro'n, meron na palang iba si babae pag kasabi n'ya sa'yo ng "Sorry, hindi pa ako handa" Hahaha! Ang saya diba?


Siguro ngayon, napag isip isip mo na. Para sa mga babae d'yan, matuwa kayo na kahit minsan, mayroong mga lalaki na  natorpe sa inyo, pasalamatan nyo sila, dahil sila yung mga lalaking nagmahal ng lubos, abot langit ang respeto at higit sa lahat, willing mag hintay mag pakailanman. Hindi naman masamang mag antay, basta ba alam ng nag aantay na may babalikan pa sila. Hindi yung, umalis ka lang sa bahay mo, pag uwi mo, bahay na pala ng iba. Hindi birong usapin ang pagiging torpe, sigurado ako, 95% ng kalalakihan, dumaan dyan. yung 5%, pari na. Hahaha! Yung mga lalaking mapupusok at para bang "Thank you!" lang ang salitang "Mahal kita" at tila hindi natotorpe, Aba! :\ eh, mag isip isip ka na. Sinisigurado ko sa'yo 99%, hindi rin matotorpe yan pag nakakita ng mas maganda at mas trip n'yang babae kesa sa'yo. May nag tanong sakin minsan. "Natorpe ka na rin ba? Ganong katagal?"  sabi ko sa kanya, "Oo naman, grade 4 palang, pero sayang lang, Highschool ko na rin nasabi sa kanya"


 Ang pag-ibig, isang bagay na dapat mong pag isipan. Yung lalaking hindi umamin sa'yo dati , wag kang mag-alala, darating ang araw, kung mahal ka talaga n'yan, babalik yan at gagawa  ng paraan kung pano n'ya ipapakita kung gano ka n'ya kamahal. 



Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -