- Back to Home »
- "Homeless engineer : Si Mang Peter - Part 2"
Posted by : Unknown
Monday, August 19, 2013
Kung tapos mo na, edi tuloy mo na to, Hahaha! salamat sa pag tambay!
Habang nag luluto ng pansit canton yung lola ko, eh tuloy lang yung kwento ny'a tungkol kay mang Peter, Oo, tinalo n'ya pa yung mga ratsada ng mga balita. Hahaha! Miss na kita Lola :) Nung una hindi ako masyadong interesado dahil nga gutom na ko't naaamoy ko na yung pansit canton. Gayun pa man, nakinig pa rin ako sa kwento n'ya "Si Peter? Napakatalinong tao nun, Graduate at board passer yun sa kursong Civil Engineering. Napaka-kisig na binata n'yan noon, andaming nag kakagusto, masipag, responsable. Naaalala ko nga dati nung minsa'y niligawan n'ya ko" Sabi ng lola ko. "Niligawan nya kayo?!" Pagulat kong tanong. "Oo, noong araw, sasagutin ko na nga dapat s'ya, kaso lang hindi n'ya ko pinaglaban hanggang sa huli, naghintay ako ng matagal, pero wala, hanggang sa dumating ang lolo mo, Hahaha! hay nako ikaw talagang bata ka! ( Kilig effect ) " kwento ng lola ko. "Eh nag ka pamilya naman si Mang Peter?" Pahabol kong tanong. Humaba ang kwentuhan namen at nalaman kong si Mang Peter pala ay nakapag asawa at nag-karoon ng kaisa-isang anak. Naging masaya ang pamilya nila hanggang sa isang pangyayaring bumago ng lahat. Nag-karoon ng malubhang sakit ang ka-isa isa nyang anak at pumanaw sa edad na apat (4), dahil sa nangyari, nabigla si Mang Peter at tuluyang binawian ng katinuan. Dahil sa binawian ng katinuan, nawalan ng hanap buhay si Mang Peter hanggang sa maghirap sila at iwan na s'ya ng asawa nya. Nag-palaboy-laboy si Mang Peter at tuluyan na ngang naging ganap na taong grasa. Marami nang tumulong kay Mang Peter, mapa DSWD o pribadong indibidwal, pero talagang mas gusto ni mang Peter sa Kalsada. Nagulat din ako nung malaman kong "Baliw" o wala pala sa katinuan si Mang Peter. Kinwento ko sa Lola ko na kinausap n'ya pa kami at nag tanong ng "Mga bata, nasaan yung Purok 2?" at inalok ng tinapay pag katapos. Nagulat ako sa sabi ng Lola ko na hindi lang pala kami yung tinatanong n'ya, araw-araw pala, kada nakaka-kita ng Tao, lagi nyang sinasabi "Mga bata, nasaan yung Purok 2?" sabay bigay ng tinapay. Tinanong ko ang lola ko kung bakit ganun, ang sabi n'ya lang, siguro hanggang ngayon daw, uma asa parin s'ya na panaginip lang ang lahat, sa Purok 2 kasi sila laging namamasyal ng anak nya, at pandesal ang paborito ng anak n'yang meryenda. Parang biglang may kumurot sa puso ko, dahil hanggang ngayon, wala man sa katinuan, umaasa pa rin si mang Peter na sana, sa pag gising nya, bumalik sa dati ang lahat.
Noong Undas ng taong 2010, habang kasama ko si lola na dumadalaw sa puntod ng Lolo ko, nakita namin ang puntod ni mang Peter at may taong dumadalaw, napag alaman ko na lang na misis nya pala yun. Nakakalungkot lang isipin na kailangan pang humantong sa ganun yung lahat bago s'ya ma-alala ng kaisa-isa nyang pamilya. Nabuhay man s'ya sa kalyeng walang pamilya at maituturing na "Homeless engineer", naging mapayapa naman ang pag-panaw nya, dahil sa wakas, makakapiling nya na ulit ang kaisa isa nyang anak.
"Sana nga na ang buhay ay parang isang panaginip, pag dumating yung panahon ng bangungot, gumising ka lang, at magiging ayos na ang lahat"