- Back to Home »
- "Olops: the other reindeer"
Posted by : Unknown
Tuesday, December 17, 2013
"Dahil 8 days na lang, pasko na, eh may kwento ako sa'yo. - Nag muka bang formal? pag naka Italic? Hihihi . "
Real talk: Natuwa lang ako sa plot twist ng story na to kaya naisipan kong iblog Haha!
Sa walong (8) reindeers ni Santa Claus, ilan ang kilala mo? Pustahan tayo, isa lang? Si rudolph the red-nosed reindeer ba yan? Hahaha! Ang tanong ko eh, kilala mo ba si Olops? Oh, teka lang,lilinawin ko lang na hindi reindeer ni Santa si Olops ha? Wag kang pabida. Hahaha! Si Olops, mas kilala sa tawag na "The other reindeer." ay ipinanganak sa malamig na buwan ng disyembre, kasabay ni Rudolph. Actually, pinsan daw ni Rudolph si Olops.
Lahat ng reindeers ay nangangarap na humila ng sleigh ni Santa Claus, para bang "Lifetime dream" daw nila yon.
Lumaking Chickboy Chickreindeer si Olops, (Take note: hindi sila tao. Hehe!) Samantalang si Rudolph, ano pa ba? isang mahiyain na weird at nerd, yung tipong ang trip gawin ni Olops eh mang chicks, mag club at mag hangout sa iba't ibang bars (Oo, may bars at clubs ang mga reindeers.), samantalang si Rudolph, VSB (Virgin since birth) (Take note: hindi nag BBF-GGF ang reindeer, kaya the term NBSP/NGSB is not applicable. )
Sa nabasa ko, "Nekey elepes ne eng lehet." Fame, Perfect-horn, Power, Food, Territory. Pero kahit nasa kanya na ang lahat, hindi pa rin s'ya masaya. dahil nakikita ny'ang masaya si Rudolph (Ganun s'yang ka-moody.) *Imaginin mo na lang yung mga eksena sa Philippine Telenovela, yung mga traditional na pang a-alipusta sa bida ng mga kontrabida, yung tipong tatapunan ng drinks, sasampalin, ipapa gulpi sa mga goons. Yan ang nangyari kila Olops at rudolph. HAHA!
Dumaan ang maraming panahon at hindi nag bago si Olops, isang easy go lucky boy na walang inisip kung hindi magsaya. Pero nagbago si Olops ng dumating si Santa Claus para pumili ng Reindeer na isasama nya sa North pole. Napansin agad ni Santa si Olops. Syempre, makisig at malakas, tamang tama para sa mabigat na sleigh nya. Pero nagulat si Santa Claus sa sinabi ni Olops "Sorry Santa, pero mas nababagay si Rudolph na sumama sayo." Nagulat at nahiya si Rudolph, dahilan upang mamula ang ilong nya. HAHAHAHA! Tuwang tuwa si Santa sa pulang ilong ni Rudolph kapag nahihiya, kaya agad-agad nya itong dinala sa North pole upang mag silbing ilaw sa madilim na daan tuwing tinatahak nya ang routa tungo sa bahay ng mga nice children.
Siguro nag tataka ka, "Diba namumula lang ang Ilong ni rudolph pag nahihiya? Eh bakit laging pula ang ilong nya?"
Eto lang ang naisip kong posibleng sagot: "Pansinin mo kung may damit si Rudolph, diba wala? Ayokong isipin pero mukang yun ang naisip ni Santa na solusyon sa nag mamahal na baterya at gasolina pang ilaw nya sa sleigh </3" HAHAHAHA!
Moral Story:
"Kung si Olops nga na bad eh, nagawang mag paraya, ikaw pa kaya?"
Plot twist: Ayaw mahubaran ni Olops. Hihihi! Happy Holidays!