- Back to Home »
- BITTER = BETTER
Posted by : Unknown
Monday, February 10, 2014
Lahat naman siguro tayo nakaranas at dumadanas neto : "BITTERNESS" . at kung di ka pa nakakaranas nyan, don’t worry, because one way or
the other, mararanasan mo din yan, wag excited . at pag dumaan ka na sa
‘AMPALAYA MODE’, matuwa ka at nakumpleto na ang pagiging tao mo . HAHA! pero bago ang
lahat, i-define muna natin ang tunay na diwa ng salitang bitterness .
self-explanatory . pagbasa mo pa lang alam mo na agad . wag na kayong
magkunwari na di nyo gets . hindi ako natutuwa, nakakabad trip . sharaught lang
. hehe! anw, eto ang natutunan ko sa buhay: ang pagiging bitter ay hindi lang
magsyota ang pwedeng makadama . pwede rin ng magkaibigan, magkatropa, at kung anu-ano
pa . at mas matindi pala, mas masakit, mas ouch, pag sa kaibigan mo ikaw
nabi-bitter . kung bakit ? wala lang, theory ko lang . haha .
okay, balik sa topic,
pano mo nga ba malalaman kung BITTER ang isang tao ? marami ang signs para
malaman mo kung naka-activate ba ang
ampalaya mode ng isang tao o kahit ikaw mismo, narito ang ilan :
Scenario:
Person 1: tol, ang
saya ni *insert name of ex-boyfriend, ex-bestfriend, ex-friend, etc.* oh .
Person 2: eh ano naman ?? masaya din naman ako ah . kala mo
dyan . PAUTANG LIMA KA ! SHEET OF PAPER ! SINO BA TALAGANG KAIBIGAN MO ?!
I-UNFRIEND KITA SA FB MAKITA MO !!! KWAGO !!! WAG KA NA MAGPAKITA SAKIN UNGAS
!!!
Person 1: ang sabi ko lang naman masaya sya, di ko naman
sinabing magpakamatay ka, makareact ka naman T.T . (HAHAHA)
Silent mode.
walang kung ano pa man . pag kinausap mo, sasagutin ka ng ngiti, o kung mas
siniswerte ka, titingnan ka lang nya na parang pasan nya ang buong mundo .
BAWAL I-SHARE .
Nakikinig sa senti songs . eto yung kaibigan mong naka-headset with matching tingin sa labas
ng bintana . pwede nang pangmusic video ng “One Last Cry ” . my shattered dreams and broken hearts ~
Galit sa mga nag p-pda
Scenario:
nakakita sya ng magsyota sa jeep . nakaakbay si boy kay girl
.
“Makapulupot naman ng kamay to kala mo mawawala . FYI, hindi
maleta yang syota mo . tas eto namang babae, kilig na kilig sa pangmamanyak ng
boypren nya ! kaya ipinapasa ang rh bill eh ! pustahan tayo, isa yan sa mga
greatest contributors sa biglaang BOOM ! ng populasyon ng pilipinas !”
Martyr mode . kung merong silent mode, meron din neto . eto yung mga naglilitanya ng ganto
: ‘okay lang ako, ang importante masaya sya .’, ‘masaya na kong makita syang
masaya.’, and such . oh diba ? okay lang daw, pero kulang nalang magkakalyo na
yung mata sa sobrang kakaiyak . inialay ang sariling kaligayahan para sa iba .
pwede nang isama sa Filipino martyrs .
Shunga mode . eto yung ipnamukha na
sayo lahat lahat, na ayaw nya sayo, sige ka pa din . iniisip mo na lang na
kapag di ka nya nirereplyan, wala syang load, tas loloadan mo, di ka pa din
tinext, baka lowbat, mi-missedcall-an mo, nagring, baka nakasilent . yung totoo
lang ? kfine, di sige, go lang ng go .
eto lang ang tandaan mo : dapat laging mutual ang feelings . kung ayaw nya
sayo,ayawan mo din sya ! hindi yung pinagtatabuyan ka na nga, magmamakaawa ka pa,
kulang na lang halikan mo yung mga paa nya . hindi sya dyos . kung pinapaalis
ka nya sa buhay nya, umalis ka nawalan ka ng
taong walang pakialam sayo . hindi ka lugi.
Okay lang ako . eto naman yung mga tao na ipapakita sayo na okay lang talaga sya . yung
tipong tumatawa pa din . nakikipagbiruan . nangaasar pa din . walang pinagbago
. at parang mas masaya pa sya, mga ganung tipo . pero deep inside, nasasaktan
na sya .Sobra . mahirap kasing magpanggap na okay ka lang kung hindi naman
talaga . Pero, magingat pa rin sa mga taong ganto . suggestion lang, kung
inlove na inlove ka at di mo mapigilang ikwento ang lovelife mo, iwasan, Take note: Iwasan mong sa taong ito mag kwento . kase baka dun mo marealize na ang nailcutter ay pwede rin gamiting
deadly weapon .
marami pang iba’t ibang klase ng pagiging bitter . pero
tandaan mo : walang masama kung bitter ko man . okay lang yun . patunay yun na
nagmahal ka, nagtiwala,nagexpect but sadly, nasaktan . pero that’s life .
that’s part of growing up . at kapag naging bitter ka, dalawa lang ang option
na gagawin mo sa next step, it’s either, ipu-push mo pa rin ang nasirang kung
ano man sa inyo, relationship, friendship, and the like OR mag move on ka na lang . pano ba malalaman kung dapat ka ng magmove on o hindi ? ang makakasagot
nyan ay ikaw lang din mismo . hanggang kelan mo ba kayang magtiis ? paulet ulet
na yung nangyayari pero kumakapit ka pa din, hoping na magbabago ang treatment
nya sayo, kung gusto mo lang ituloy, okay lang naman . ikaw naman ang
makakadama nang resulta nun, either magbabago na nga sya, o masasaktan ka lang
ulet . pero sabi nga sa isang quotation na nabasa ko, “If that person brings more hurt than happiness in your life, it’s time
for you to show him/her the door where he/she can exit.” mahirap magmove
on, pero achievement pag nagawa mo . wag mo hayaang sa kanya lang umikot ang
buhay mo . iintayin mo pa ba ang ‘AMPALAYA’ ? AMPALAYA-SIN KA ? pero wag na wag
ka ding magmu-move on nang dahil lang sa kanya . dahil sa gusto mo lang
ipamukha sa kanya na kaya mong mabuhay ng wala sya, at para ma-realize nya na
kawalan ka sa buhay nya . tas pag di nya narealize, nganga ka na lang? eh hindi
sya affected, big t na friend ? nagmukha ka lang hunghang . magbago ka para sa
sarili mo . hindi para sa ibang tao . tandaan mo , marami pang pwedeng magmahal
sayo, kung hindi ka man nya ma-appreciate, okay lang, be happy . you deserved
someone better . basta ang importante, YOU’VE BEEN BITTER TO BE BETTER J.
“The truth is, I’m not
mad at you, I’m just hurt; and the fact that every time your name pops up on my
phone or computer, my heart sinks a little bit deeper. You don’t realize what
you made me go through; but I can guarantee you’re not doing it again. Thanks
for teaching me how much it hurts to know that you just simply don’t care and
how it feels to be taken for granted, I learned a lot.”