Posted by : Unknown Friday, August 2, 2013

Bago mag simula, gusto kong lang linawin na ang kwentong ito ay nangyari noong ako ay walong (8) taong gulang.                 
    
   Isang kulim-lim na umaga. Habang nakikipaglaro ako sa mga kalaro ko, tinawag ako ng lola ko "JAN-JAN! (Tawag saken ng lola ko) halika nga dito saglit". kabadong-kabado ako dahil akala ko papagalitan n'ya ko kase hindi pa ko na kain ng almusal. (You know grandma's logic xD) "Bili ka nga muna saglit ng Pansit canton". Palambing na utos ng Lola ko. Dahil alam kong medyo malayo ang tindahan, at ayoko ng walang kasama, nag-isip ako ng paraan kung pano papasamahin yung mga kalaro ko. Niyaya ko sila pero sabi nila, ang layo daw, papagalitan daw sila ng magulang nila. Hanggang sa gumamit na ko ng dahas. "Paunahan kila aling Conching! mahuli panget!" sabay kumaripas ako ng takbo, tuwang tuwa ako dahil naka sunod naman sila sa'ken Hahaha!

 Noong nakila aling Conching na, eh laking gulat namen na meron syang pinapalayas. "Umalis ka dito, walang bibili pag nasa tapat ka ng tindahan, maghanap ka ng ibang tambayan!" Sabi ni aling Conching. Isang matandang lalaking "Taong grasa" (Mga nasa 60+ na s'ya ) pala yung kasusap n'ya. Dahil bata at inosente, tinanong ko si aling Conching "Sino yung pina pa alis nyo?" tanong ko. Sabi n'ya, si Mang Peter daw, araw-araw daw, lagi yun nandun kahit araw araw nya ring pina-pa alis. Di na ko masyadong nag tanong dahil alam kong medyo masungit si aling Conching, bumili na lang akong pansit canton.  Sa pag lalakad namen pa-balik, nakita ko si mang Peter, hinang hina at nakita ko sa mga mata n'ya na sobrang lungkot n'ya, para bang may bumaba-gabag. Tinawag at tinanong n'ya kami. "Mga bata, nasaan yung Purok 2?". Medyo natakot kami. Pero nung lumapit yung isa kong kalaro, lumapit na rin kami. "Hindi po namen alam eh." sabi ng kalaro ko, Parang nalungkot si mang Peter. Nagulat ako at napatanong sa sarili ko, "Normal palang mag isip si mang Peter?", para s'yang isang taong kulang lang sa kalinga. Inalok n'ya kami ng tinapay. Pero, hindi naman sa pagiging pihikan, tinanggihan namen, ( medyo kakaiba kasi itsura.) Ako, bilang bata, eh sobrang natuwa, isipin mo, wala na nga s'yang pag-kain, namimigay pa? Haha! nakipag-kwentuhan kami sa kanya. Tinanong namen s'ya kung bakit s'ya mag isa, kung saan s'ya nakatira, at kung sino pamilya n'ya. Pero, yumuko lang s'ya. Dahil nga may pinabili yung Lola ko, umuwi na ko para ibigay yung pansit canton. Habang nag lalakad, Punong puno ng katanungan yung isipan ko, awang-awa ako sa kalagayan ni mang Peter. Imagine, isang matandang madumi at mahina na, laging mag isa, laging pinapalayas at parang punong-puno ng pighati yung mga nangungusap nyang mga mata. Pag uwi ko sa bahay, kahit na medyo matagal, hindi ako pinagalitan ng Lola ko. Haha! Tinanong ko si lola kung sino si mang Peter.  "Sinong Peter?"  Pagulat na tanong n'ya. Ang sabi ko naman, "Yung taong grasa sa may tindahan ni aling Conching." At  nagulat ako. Kilala pala n'ya si Peter.  Abangan ang susunod na kabanata .....

"Minsan, kailangan mo munang makakita ng wala para malaman mo, na hindi sa lahat ng panahon, lagi kang meron"

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -