Posted by : Unknown Thursday, June 13, 2013

     Siguro nagtataka ka kung ano ang ba yung GON sa navigation bar sa taas. Dito sa blog na to, malalaman mo na ang salitang nakapaloob sa GON.  Sa panahon ngayon, bibihira ka na talaga makakita ng mga taong mapag ka-katiwalaan mo,yung mga taong concern din pala sa'yo kahit papaano, (Haha! nakakataba kaya ng puso), mga taong totoo na handang-handa kang sabayan sa mga trip mo sa buhay. Dati inaamin ko, di ko trip magkaroon ng mga  babaeng kaibigan, hahaha! Eh kasi naman akala ko sobrang kj nila at walang alam sa buhay kung di mag pa-cute, pero totoo, sweet pala sila at di ka pababayaang maligaw sa maling daan. Lagi silang  nangangaral at nagbibigay ng warning, para bang nape-predict nila yung future? Nasayo na nga lang kung makikinig ka. Siguro nga kailangan natin sa buhay na mag karoon ng kaibigang di ka papabayaan, hindi para sawayin ka sa gusto mo, kung hindi para malaman mo ang tama sa mali.



       Fourth year high-school ako noon ng malaman ko ang ibig sabihin ng "Tunay na kaibigan". First time ko magkaroon ng mga kaibigang iba-iba ang pag ka-tao, nung una naguguluhan ako, pwede pala yun?  nasanay na kasi ako na lahat ng kaibigan ko, adik sa "Pokemon",  hahaha! Ewan ko ba, iba talaga sa feeling pag hindi puro "Pokemon" yung kasama mo :D. Kahit sobrang non sense yung pinag-gagawa namin, yung tipong nakatulala tapos sabay-sabay nagbibilang ng alikabok? Pag sila kasama ko, daig pa yung 3 days na nasa beach resort, pano pa kaya kung sa beach resort kami nag bibilang ng alikabok? Grabe, di ko maimagine kung ganong kasaya yun hahaha! Ine-exage ko lang para maramdaman mo na kahit walang pera, at kwentuhan lang, solve na kami. Sabi nila, sintomas daw yan na masaya ka sa mga kasama mo. Tinawag naming "GON" ang samahan namen, alam ko talaga Octagon dapat yan eh, pero, pito lang kami. Ah ewan basta GON! tapos! hahaha! Napakarami na naming nagawa na halos ay puro improvise lang, tulad ng unang buwang celebration eto ang actual pic ng kakornihang naisip namen hahah! Oh diba haha! ang weird no?

Actual pic:
   Sobrang dami pang pangyayari na mas makabubuti sigurong hindi ko na idetalye, yung iba kasi  forbidden :D  Ang sarap sa pakiramdam na sa tinagal-tagal, nag kakaintindihan pa rin kami. may sarili mang kaming mga buhay, at iba-iba ng school na pinag aaralan, nagkakasundo pa rin kami. Isipin mo na lang kung iisang school parin kami hanggang ngayun? Sobrang lungkot man ng graduation dahil magkakahiwalay-hiwalay na kami, buo naman ang tiwala ko sa kanila na sa susunod na mga panahon tutuparin nila ang salitang "Walang limutan". Nakakapagod mag type kaya panoorin mo na lang to: (Weak pa ko nyan mag edit ng video, Sorry ah! Haha!) Click here!      

       Summary na yan ng mga nagawa namin nung Highschool days. Pero meron parin bagay na hindi pwede  idetalye kasi nga, forbidden :) Hahaha! Miss na miss ko na sila, alam ko kasi na sobrang matatagalan ulit bago ko sila makita. "Oh sya! Ayoko nang maging madrama kaya tatapusin ko na to". Ang hirap kasi sa pakiramdam pag gustong-gusto mo sila makita, pero wala kang magawa kung di maghintay. O s'ya! eto na talaga HAHAHA! kitakits na lang ! basta promise ko sa inyo! mag kakaroon tayo ng ultimate grand celebration to the max balang araw.                                                                                                                 

Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -