Archive for 2013

Dog's story [HD]


First time ko mag video blog, pero syempre, sariling gawa ko rin tong video na to. O, sya! Wala nang Intro- intro. Panoorin mo na lang. Haha ! 




Paunawa: Panoorin ang video na may tunog.

_________________________________________________________________________________




VIDEO




Tuesday, December 24, 2013
Posted by Unknown

"Olops: the other reindeer"

"Dahil 8 days na lang, pasko na, eh may kwento ako sa'yo. - Nag muka bang formal? pag naka Italic? Hihihi . "

Real talk: Natuwa lang ako sa plot twist ng story na to kaya naisipan kong iblog Haha!

Sa walong (8) reindeers ni Santa Claus, ilan ang kilala mo? Pustahan tayo, isa lang? Si rudolph the red-nosed reindeer ba yan? Hahaha! Ang tanong ko eh, kilala mo ba si Olops? Oh, teka lang,lilinawin ko lang na hindi reindeer ni Santa si Olops ha? Wag kang pabida. Hahaha! Si Olops, mas kilala sa tawag na "The other reindeer." ay ipinanganak sa malamig na buwan ng disyembre, kasabay  ni Rudolph. Actually, pinsan daw ni Rudolph si Olops.
Lahat ng reindeers ay nangangarap na humila ng sleigh ni Santa Claus, para bang "Lifetime dream" daw nila yon. 

Lumaking Chickboy  Chickreindeer si Olops, (Take note: hindi sila tao. Hehe!) Samantalang si Rudolph, ano pa ba? isang mahiyain na weird at nerd, yung tipong ang trip gawin ni Olops eh mang chicks, mag club at mag hangout sa iba't ibang bars (Oo, may bars at clubs ang mga reindeers.), samantalang si Rudolph, VSB (Virgin since birth) (Take note: hindi nag BBF-GGF ang reindeer, kaya the term NBSP/NGSB is not applicable. )

Sa nabasa ko, "Nekey elepes ne eng lehet." Fame, Perfect-horn,  Power, Food, Territory. Pero kahit nasa kanya na ang lahat, hindi pa rin s'ya masaya. dahil nakikita ny'ang masaya si Rudolph (Ganun s'yang ka-moody.)   *Imaginin mo na lang yung mga eksena sa Philippine Telenovela, yung mga traditional na pang a-alipusta sa bida ng mga kontrabida, yung tipong tatapunan ng drinks, sasampalin, ipapa gulpi sa mga goons. Yan ang nangyari kila Olops at rudolph. HAHA!

Dumaan ang maraming panahon at hindi nag bago si Olops, isang easy go lucky boy na walang inisip kung hindi magsaya. Pero nagbago si Olops ng dumating si Santa Claus para pumili ng Reindeer na isasama nya sa North pole. Napansin agad ni Santa si Olops. Syempre, makisig at malakas, tamang tama para sa mabigat na sleigh nya. Pero nagulat si Santa Claus sa sinabi ni Olops "Sorry Santa, pero mas nababagay si Rudolph na sumama sayo." Nagulat at nahiya si Rudolph, dahilan upang mamula ang ilong nya. HAHAHAHA! Tuwang tuwa si Santa sa pulang ilong ni Rudolph kapag nahihiya, kaya agad-agad nya itong dinala sa North pole upang mag silbing ilaw sa madilim na daan tuwing tinatahak nya ang routa tungo sa bahay ng mga nice children. 

Siguro nag tataka ka, "Diba namumula lang ang Ilong ni rudolph pag nahihiya? Eh bakit laging pula ang ilong nya?"

Eto lang ang naisip kong posibleng sagot: "Pansinin mo kung may damit si Rudolph, diba wala? Ayokong isipin pero mukang yun ang naisip ni Santa na solusyon sa nag mamahal na baterya at gasolina pang ilaw nya sa sleigh </3" HAHAHAHA!


Moral Story:

"Kung si Olops nga na bad eh, nagawang mag paraya, ikaw pa kaya?"
Plot twist: Ayaw mahubaran ni Olops. Hihihi! Happy Holidays!


Tuesday, December 17, 2013
Posted by Unknown

Don't grow up, it's a trap.

Sapilitang pagkain, school, maagang pagligo at pagtulog sa tanghali, ilan lang yan sa mga kalbaryo na tapos ko nang pag daanan. Napaka simple ng buhay, gigising ng 6:00 am para maligo at papasok sa school hanggang 12:00pm, ibang-iba ang pakiramdam ng uwian sa elementary, para bang "Yehey! play all day long!" yung tipong solong solo mo yung buong araw at guess what? Stress free! Hahaha!! eh nung tumanda? 9:30pm uwian at "Ui uwian na, teka, gawin ko muna mga kailangan kong gawin sa school." Yung napakakulay na routine ko araw -araw noong elementary days, naging plain at boring na nung tumanda. Dati, family computer lang sa tuwing walang pasok, solve na.  tignan mo tong picture na to:                                                                                                                                       
Sa tuwing tinitignan ko yang picture na yan nalulungkot ako, alalang alala ko yung childhood ko, kumukuha ng maraming chichirya para di magutom habang nag lalaro ng family computer. 

Bukod sa pag babago sa routine, meron pa kong nakikitang trap sa pagtanda. Ang pasko at sick days. Kung dati eh, walang mintis sa pag bibigay ng regalo si Santa Claus at magulang mo tuwing pasko. Ngayong lumaki ka, iba na. Pati si Santa, tinamad na. Dati tuwing 24 ng december kating kati kang mag sabit ng medyas at di makatulog, naaalala ko pa dati, imbis na medyas, plastic bag sinabit ko para mas maraming malagay si Santa. "Narinig kaya ni Santa yung wish ko?" At pag gising kinabukasan, Boom! nasa ibaba na ng plastic bag. Kundi remote control car, eh bagong game console. At oo, tuwang tuwa talaga ako. Hanggang sa tumanda na ako. 11 y/0 nung di na nag paramdam si Santa. Oo, medyo sumama yung loob ko, kasi simula't sapul, wala syang mintis sa pag bibigay ng magagandang regalo. Nag taka  tuloy ako. "Not sure if I became naughty or just grew up?" Pero naka move on na ko, at nung katagalan eh nadiskubre kong parents and Santa. Isa lang sila  </3. Such pain. Hahaha! 

     bukod sa Pasko, malaking pag babago ren ang naramdaman ko sa tuwing may sakit ako nung bata compared ngayon. Dati, todo alaga ang lahat. May sakit ka? Bibilan ka pa ng laruan, papa check up sa doctor, bibili ng favorite foods at anlamig lamig pag gabi. Eh nung tumanda? Check up? Asa. "Sipon lang yan." </3. 

    Alam kong hindi pa huli, kaya sinubukan kong i experience ulit yung mga bagay na nag papasaya sakin nung bata ako, pero iba na, di ko na naeenjoy di tulad ng dati. Yung dating Palasyong bahay, karton na lang, yung dating family computer, naging boring and non sense na. Yung mga tau-taohan ko dati, kalat na lang. yung dating favorite toys ko, display na lang,  yung favorite spot ko sa laruan nung bata ako, daanan na lang at yung kawali na ginagamit kong arena sa beyblade, Di ko na makita, siguro tinapon na :'( Dati gustong gusto ko tumanda, para mabili lahat ng gusto kong mga laruan at chichirya. Pero pramis. Di ko inexpect to. Hahaha!


Sa mga batang gusto nang  tumanda, ako na nag sasabi sa inyo  "Don't grow up. It's a trap."
Sunday, December 1, 2013
Posted by Unknown

"ABNGBBLOGNPLAKo?!"

June 09, 2013, malapit nang matapos ang summer, malapit nanaman magsimula ang kalbaryo ng bawat estudyante, ang pasukan. Hindi ko rin alam kung bakit, pero nasabi ko sa sarili ko na "Parang may mali. parang may dapat akong gawing kapakipakinabang na makakatulong sa lipunan bago matapos 'tong summer na to." At dyan nabuo ang Buhaynipobesa blogspot. Andaming nag tatanong bakit blog? anong trip mo? Ganyan na ba nagagawa ng sobrang kabagutan? Andaming tanong na kahit ako naman, alam ko sa sarili ko na "Bakit nga ba ako nag blog?!". Ewan ko, ako kasi yung taong ayaw magbasa. mga 5-10 pages pa lang ng libro , asahan mo, tulog na ko nyan. Literal. Basta ang alam ko lang, nagblog ako nung una, para lang masanay sa pag dedesign ng website, pero nung nagtagal, naenjoy ko na rin. Hehe! 

Siguro, minsan talaga, dumadating sa buhay natin na kahit di mo asahan, kahit di mo maimagine yung sarili mo, dadating at dadating yung mga bagay na kahit ayaw mo, at di mo trip, matutuo ka rin magustuhan. Basta, buksan mo lang isipan mo, lahat posible. Di ko nga maimagine sarili ko na nag bblog eh. hahaha! Nakakatamad kaya mag type >.<
Pero, eto ako ngayon, type ng type, pero nag improve talaga type speed at reasoning ability ko. Tip ko sayo, "Kung mahina ka sa essay, mag blog ka, ewan ko lang kundi mo maniin yang essay na yan." Sabi nga nila, "kanya kanya ng trip yan." Nakakatuwa lang na minsan may nag P-PM at nag e-email saken na tinatamaan daw sila ng solid sa blog ko. Hehe! Bato bato sa langit, tamaan.... ooopps! teka. Walang tatamaan, di naman ako bumato eh. pag tinamaan ka, swerte mo, may libre kang accurate-life reference. Hehe.  Bukod sa pag bblog, nag ooffer din ako ng mga freebies, check mo na lang sa "Download" tabs ng site na to. May e-book, e-reader, at remote pc. Siguro nag tatanong ka "Remote pc"? Tama. Remote pc. Download mo lang then, pag may problema ka sa computer (Software, error, virus) E-mail mo lang ako, ako kokontrol ng pc mo. Syempre, libre. Bakit? experience lang. Training ground lang. Haha kung trip mo magbayad, eh di kita pipigilan Hahaha! 

Balik tayo sa pag b-blog, nung simula inaamin ko, "Trabaho" para saken tong pag mementain at pag uupdate nitong blogsite na to. Pero nung nag tagal, naeejoy ko na :) pang pawala ng stress, pampa relax. ganun. Masaya mag blog lalo na kung yung mga nambabasa mo, naapreciate yung blogs mo. Di tulad ng iba, "Direct/Formal/ Professional type" yung way nila ng pag b-blog, mas pinili kong mag paka "Informal/autobiography type" bakit? Base sa experience ko, iba yung tama ng pabiro/indirect. Like dito:

Formal type/direct:
1.) You are ugly.
Expected reaction: Alam ko, mas pangit ka. *back to normal.

Informal type/indirect:
1.) You are pretty. 
Expected reaction: Thanks! :"> 
*After 5 seconds
Expected reaction: "Teka, Not sure if sarcasm or not? :'( " 

HAHAHA! Oh diba? mas madugo pag informal ang banat. Sarili mo mismo yung mag mumulat sayo na para bang "Para sakin ba to? shet naman sapul ako."

"Wag mong gawin ang dapat. Gawin mo kung san ka masaya."
kung masaya ka sa pag nanakaw, then go. Isipin mo kung walang masaya sa pagnanakaw. Edi walang magnanakaw? Pag walang mag nanakaw, edi walang pulis? Pag walang pulis, andaming mawawalan ng trabaho? Pag maraming walang trabaho, maraming magugutom? Pag maraming nagugutom, mapipilitang magnakaw? Oh, edi pati yung mga pulis naging magnanakaw :'(

F*ck logic. Hahahaha!

"Minsan ka lang maging masaya, wag mong tipirin ang minsan. May gusto kang gawin? Gawin mo lang. Walang mawawala kung susubukan mo." OOOOPPPSSS Aba? nag b-blog na pala ako?  Salamat sa mga nag seshare, nag babasa at sa patuloy na nag li-like ng facebook page nito, kahit di ko inaadvertise :)
Salamat mga kablog sa walang sawang pag bisita! sa loob ng halos apat na buwan, may more or less 2,500 hits na tayo. Hihihi :">
Sunday, November 3, 2013
Posted by Unknown

"Halloween special : Okatokat"

Undas nanaman, panahon nanaman ng katatakutan. Isang panahon kung saan pinag didiwang ang mga ispirito ng mga yumao. Dito sa blog na to, ay mababasa mo ang ilan sa mga piling istorya hango sa tunay na buhay. 
Paunawa: Ang mga mababasa mong istorya ay nanggaling sa ibat-ibang sources. Minumungkahi na huwag mo itong basahin kung hindi ka makatulog sa gabi.
Reading suggestions: iminumungkahi ng may akda na basahin ito gamit ang desktop o di kaya laptop pc. para sa mas magandang pagbabasa.


Sa tuwing panahon ng Undas, isa lang ang pinaka gusto ko, yung mood setting. Haha ! Para kasing iba yung timpla ko pag nakakapanood ako ng mga nakakatakot na documentary shows tulad ng KMJS, Rated K, at ang dating all time favorite ng mga batang 90's tuwing halloween, ang "Magandang gabi, bayan." Ang sarap sarap matulog sa gabi, parang pakiramdam mo lagi, eh may nakatingin sayo, Haha! Thrilling eh, ang sarap magkumot, at tumingin sa ilalim ng kama, ang sarap din pag patay lahat ng ilaw, kumakain ng french fries at iba pang pika-pika habang nanonood ng mga kahindik hindik na palabas. Ewan ko ba, siguro nga, dikit na sa pagkatao ko yang mga ganyang gawain pag sumasapit yung Undas, kumbaga, "Treat your self."  Nung bata pa ko, eh gawain ko na yan. nagawa ng bahay-bahayan para kunware proteksyon sa multo, at kung ano-ano pang gimik Andami kong gustong ikwento pero baka humaba na ng husto tong post na to HAHA!
Eto na lang TOP 5 na dapat mong malaman base sa childhood experience ko:

TOP 5 Scariest things:
1.)Pugot na ulo.
2.)Black lady (mas nakakatakot kung sa reflection makikita.)
3.)White lady (mas nakakatakot kung sa reflection makikita.)
4.)Baby laugh at music box sound na maririnig sa tuwing matutulog ka. (Note: wala kang baby at wala kang music box.)
5.)Bloody image.

TOP 5 Scariest place:
1.) Ilalim ng kama.
2.) Likod ng pinto at cabinet.
3.)Banyo.
4.)Ilalim ng lamesa.
5.)Madilim na kwarto.

TOP 5 Dapat gawin pag Halloween (Except sa magdasal dalawain ang puntod ng kamaganak):
1.) Manood, magbasa, makinig ng katatakutan.
2.) Mag Treat or treats.
3.) Mag roast ng Mallows. 
4.) Mag sleepover sa nakakatakot na lugar.
5.) Gawin ang bloody mary.



 Isang kwento lang muna ang ibabahagi ko ngayon, galing to sa entry no. 1 naten:
" Isang makulimlim na hapon, habang ako ay nakasakay sa Jeep, papuntang science laboratory sa aming eskwelahanng University of the Philipppines (UP), napansin ko na punong puno ang pasahero ng jeep, bihirang mangyari ito dahil sa ganong oras, kalimitang may klase ang iba, bukod doon, ang sinakyan kong jeep ay papunta lamang laboratory compound, napansin ko na parang tingin ng tingin si manong driver sa salamin at parang balisang balisa. Napakabilis ng pag papatakbo nya at dumaan muna syang simbahan bago pumunta sa laboratory compound samantalang ang layo ng iikutin pag sa simbahan ka dumaan. Dahil dito, nainis ang lahat ng pasahero at bumaba, dahil sa akala kong may dada-anan lang sy'a, pinasawalang bahala ko na lang at hindi bumaba." maya-maya ay  parang nabunutan sya ng tinik. at bumalik ulit sa daan kung saan tinutumbok na ang laboratory compound. Tinanong ko sya kung bakit sya dumaan sa simbahan, ang sabi lang nya ay "Ineng, nakita ko sa salamin ng jeep ko na wala kang ulo! Sabi ng mga matatanda, senyales daw yun na may mangyayaring hindi maganda." Nabigla ako at natakot sa aking narinig kaya hindi na ko pumasok sa sunod kong klase at minabuti ko na lang na umuwi.
-Sarah Jane Deguzman, True Philippine Ghost stories."

Kung gusto mong magbasa ng mga makabuluhang kwento at istorya hango sa tunay na buhay, Click here.
"Ang tunay na diwa ng Undas eh hindi magtakutan, kung hindi para maramdaman ng mga yumao, na hindi porke wala na sila sa mundong ito, eh dapat na silang kalimutan."
HAPPY HALLOWEEN!
Wednesday, October 30, 2013
Posted by Unknown

"Operation: Goyo"

Naranasan mo na bang kumapit sa patalim? Yung tipong, alam mo nang hindi tama, eh ginawa mo pa rin? Nakaka-konsensya, ano po? Kung naranasan mo na, ang tanong eh, uulit ka pa ba? Generally speaking, hindi naman masamang mang-GOYO, provided na handa ka sa anumang pwedeng mangyari, at tanggap mo na hindi tama yung ka-goyoan mo. Hindi masamang mang-goyo! hinding, hindi! (Defensive ba? xD HAHAHA!) Kung ako naman yung tatanungin eh, "Hindi masyadong masamang mang -goyo." Slight lang :3 Wait, alam mo ba ang "Goyo"? Ang pang gogoyo ay isang sitwasyon na kung saan, napipilitan ang isang indibidwal na mang-loko o hindi kaya, gumawa ng mga bagay-bagay, malusutan lang ang naka abang na parusa o hindi kanais-nais na mangyayari. Oh ngayung alam mo na, Handa ka na ba? xD


Kung nakakamatay lang ang pang-gogoyo, siguro, double dead na ko. Nitong mga nagdaang araw, habang nag kaklase sa management (I.T course ko pero major in business Ad. HAHA!) may mga klase daw ang mga managers, manager by libro, o yung mga manager na stick lang sa rules at concepts yung pag mamanage nila. Manager by Oido, o yung base sa experience nila, by ugnayan, o base sa dami ng impluwensya, by kayod, o yung base sa hardwork nila, at manager by lusot o laging nag papalusot. Nag kaklase kami nyan mga oras na yan at may isang salitang lumilipad sa isipan ko at naririnig ko ng paulit-ulit. "Manager by Goyo, by GOYO, by GOYO, GOYO,GOYO" para bang palakas ng palakas at nakaka-praning. HAHA! Non-sense pero naisip ko na if ever na maging manager ako, maka classify ako as "Manager by Goyo" Siguro nag tatanong ka kung anong ginoyo ko? Alam mo, ang hirap sagutin nyan, hindi na nga ako pinapatulog nito gabi-gabi eh, hindi ako makakain ng ayos, hindi ako makapag confess sa simbahan. L-O-L HAHAHA! de, srsly, mababaw lang naman pang gogoyo ko, eto oh:

GOYO LIST :

1.)Sa tuwing na lalate ako lagi kong rason "traffic." :( 
2.) Hindi ko nasosoli yung mga ballpen at pamaypay na nahiram ko. :(
3.) Pag tinanong ng prof. kung nagets ba namin yung topic, lagi kong sinasabi "Opo." kahit hindi :(
4.) Hindi ako nag "Safely remove hardware" sa USB pero pag may nag tanong, lagi kong sinasabi, "Di toto yun. Sabi sa Microsoft Blah blah blah blah"  pero sa totoo  "Oh, I have no idea what i'm saying ":(
5.) Nag "A-accept sa agreement" habang hindi binabasa yung content kapag nag ii-nstall. :(

Clarrification:

Mag kaiba ang pang-gogoyo sa pag papalusot, 
Goyo - isang klase ng pag-papalusot na kung saan, malinis ang hangarin, white lies.
Lusot - isang klase ng kasamaan at di makatarungang dahilan , murder.
~BOY THAT ESCALATED QUICKLY~ HAHAHA!

Ngayong nabasa mo na yung pag kakaiba between goyo at lusot, ang tanong jan eh, Na-goyo ba kita? xD HAHAHA! De, kaya ko lang inexagge, eh para malaman mo na mas mabuti kahit papano yung pang-gogoyo kesa sa pag papa-lusot. basta ang main point eh, ang goyo, eh, gumagawa ka parin ng way matama lang yung kamalian mo. it is up to you kung tama o mali yung way mo. pero yung lusot, wala kang ginawa. nag sinungaling ka pa. HAHA!


"Hindi porke goyo, masama, para lang yang, hindi porke nag sisimba, mabait na. Gets mo ba? Paki explain, Labyu <3"


Thursday, October 24, 2013
Posted by Unknown

"Pakiki-isa at Pakiki-uso"

Minsan ka na bang nainggit? Sumunod sa uso? O kaya naman eh, nakikisabay sa agos ng pagbabago? Kung oo, wag kang mag alala, senyales lang yan na hindi ka naiiba, mainstream ka. Hahaha! Mga bagong pang-porma, mapa-varsity jacket at "Never give up shirt", papalit-palit ng gadgets, mala "etits" na picture ng daliri nung nakaraang eleksyon, Madadrama at makabayan kuno na status sa Facebook na tungkol sa mga napapanahong issue. Ilan lang yan sa mga favorite mong gawin. Tandaan mo, ibang-iba ang Nakikiisa sa Nakikiuso, dalawang letra lang ang pinag kaiba, pero sobrang layo ng meaning. Hindi porke nasunod ka sa uso, cool ka na, mas cool parin maging trend setter. Oh, hindi ko sinasabing maging epal ka ah? Wag kang pa-uso. Haha! Irony amp.

Hindi mo kailangang sumunod sa uso, hayaan mong ang uso ang sumunod sa'yo. Pero, alam mo, di naman talaga fair eh, pag ang mga artista nag suot ng amerikana't maong, lumibot sa mall, Fashionable. Pag ordinaryong tao, Baduy. Jologs. Jejemon. Minsan, napapaisip ako, alam kaya ng mga "Trend follower" yung ginagawa nila? HAHA! Malamang. Tandaan mo rin na hindi masamang sumunod sa uso, ang masama, eh yung sa sobrang pagsunod mo sa uso, nalimutan mo na kung sino ka ba talaga. Yung dating Maria Clara mong image, sumunod ka sa uso, kaya ayun. Boom. naging Maria Ozawa. Tandaan mo rin na 'di porke sumunod ka sa uso, mas mapapabuti ka. Para yang Update sa computer. 'Di porke nag update ka ng Window's version mo. Best ka na. Pero, overall, mas saludo talaga ako sa mga taong  nag papa uso kesa sa mga nakiki-uso. Kasi, minsan man silang naging Jologs, jejemon, baduy, Pag dumating yung araw na naapreciate yung Pauso nila. Ayun. Boom. Trendsetter. HAHAHA!




"Alam mo ba kung bakit ako nag b-blog?
Uso eh." 

Ahihihi :'> LOL JK.




Friday, September 13, 2013
Posted by Unknown

"Badass couples"

Naisip mo na ba kung sino yung trip mong kasama haggang sa pag tanda? Yung taong magiging kasama mo sa hirap at sarap ginhawa? Minsan, pag nakakakita ako ng mga old couples eh, natutuwa talaga ako, para kasing sinubok at napag tagumapayan na nila yung mga pagsubok ni tadhana. Para sa'kin, di bagay na term ang "Old couple" sa mga matatandang mag ka partner. Mas pipiliin ko ang term na "Badass couple" Haha! Kung ihahalintulad  sa Daga, eh sila yung mga Hubero, o yung mga daga na nakikita sa kanal at wala nang balahibo sa may  bandang pwet, putol ang buntot, at puro peklat sa buong katawan, at sa maniwala ka't sa hindi, nakikipag sakmalan yan sa pusa. Oh diba, ang BADASS! Hahaha! 


Sabi nga nung eleksyon, Hindi nagkataon na may "Pili" na nakapaloob sa salitang Pilipinas. Kung sa eleksyon nga , eh nag desisyon ka ng 2x kung sino ba yung iboboto mo, eh tingin ko, dapat sa pag pili ng makakasama, di ka lang dapat 2x mag isip. Isipin mo, unang-una, habang buhay mong makakasama yan. Gigising ka sa umaga, s'ya yung unang-unang makikita mo, matutulog ka naman sa gabi, s'ya parin katabi mo, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, gustuhin mo man o hindi, s'ya at s'ya parin yung una't huling makikita mo sa buong araw.  Naiimagine mo ba kung yung pinaka kinaiinisan mong tao, eh s'ya yung magiging ka "Badass couple mo"? Haha!  ANG SAYA DIBA?!

Alam mo kung ano yung pinaka nakakabilib sa mga "Badass couple"? ano pa ba? edi yung solido at totoong pagmamahal nila sa isa't isa. Kahit hindi na naaakit si lolo kay lola sa tuwing nakabikini, kahit sing purol na ng lapis na nginat-ngat yung panrinig nila, kahit sinlabo na ng baha yung paningin nila sa dahil sa kapal ng katarata, kahit di na nag rerespond yung sandata ni lolo kay lola, kahit puti na o wala na silang buhok, sa tagal ng pinagsamahan nila, mahal na mahal pa rin nila yung isa't isa. Kung dati, babaero si lolo at ang laging pinag aawayan nila ni lola eh third party, eh kung ngayun nambabae si lolo, tingin ko,bukod sa  matutuwa  si lola, eh sigurado akong, malalaos si Mang kanor. Boy, that escalated quickly! Hahaha!


"Ang pag tanda ay isang proseso ng kamatayan. "
"Ang pag tanda ay isang proseso at nagsisilbing preparasyon tungo sa paglalakbay papunta  sa habang buhay na kasiyahan."

Wednesday, August 28, 2013
Posted by Unknown

"Ala-ala ng kahapon"

 Kahapon, nung isang araw, nung isang buwan, nung isang taon. Isang pang-yayari na mahirap tanggapin at kalimutan. Isang pang yayari na bumago sa pananaw mo sa buhay. Nakaranas ka na ba ng kamalian na para bang araw araw kang sinisingil at sinusundan? Yung tipong kahit sa pagtulog eh ayaw kang patahimikin? Lol baka utang yan hahaha! Alam ko na lahat tayo ay may masamang nakaraan, yung tipong hangga't ma-aari eh, sigurado akong ayaw mo nang balik-balikan. Eto sasabihin ko sa'yo, wag kang matakot sa nakaraan, tandaan mo, wala mang time machine, eh meron ka namang freewill na aayos sa palpak mong mga nagawa. Wala ka mang gadgets ni Doraemon, eh meron ka namang desisyon na magagamit mo sa tuwing nag -aalangan ka. Think twice nga lang. Lahat naman ng tao may dark-side, hindi ako maniniwala kung sasabihin mong wala kang dark side. Simpleng logic lang yan: 
If all human being have a dark side; 
And you' re human ;
Then, you have a dark side;
Else, you're not a human;
else if, you pretend.

Kahit  ano pang nakaraan mo, bumagsak ka man sa school, niloko ng jowa, nahuli ng tatay na nag susukat ng bra ( Jr. ka pa naman ), nag drugs at na rehab ng paulit-ulit, san dosena anak sa pag kadalaga, nahuli ng nanay na nag po-porn, lumunok ng bato, nag  pakulam, basta kahit ano pa yan, dadating at dadating yung taong kayang kaya kang tanggapin kasama ng mga nakaraan mo. Sabi nga nila "Di mo kailangan mag panggap" ang sarap kaya sa feeling na tanggap nya lahat ng negative sides mo, yung tipong sasamahan ka pa nya. HAHAHA! minsan ka lang makakita ng taong tanggap ka. Kaya nako. Umayos ka. HAHA !

May challenge ako sayo:

FIND " ' "

""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
 Oh ano? nakita mo? yung sa dulo, isang helera pa yun. haha! gets mo ba? ganyan din kahirap makita yung taong tanggap ka. Nakita mo na, kaso, wala eh, mas pinili mong iisnob HAHA!

"Minsan kung sino pa yung tapat, tanggap ka at laging nandyan, sila pa yung nasa friendzone, ang masama pa, na sobrang lalim ng pag ka friendzone, nakakilala na sya ng ibang friends, within friendzone :("
Hihihi

Saturday, August 24, 2013
Posted by Unknown

"Street food at its finest"

Unang food blog ko to, at sa dinami-dami ng pagkain na pwedeng ipag mayabang, ang napili kong i-feature ay ang streetfoods -.- Hahaha! Jologs ba? Bakit nga ba street foods? Kasi, affordable, masarap, Pinoy na Pinoy at  malinis (Hehehe), naging parte na ng araw-araw na pamumuhay ng ordinaryong Pilipino ang mga streetfoods na to, eh pano ba naman kase, kahit san ka lumingon, meron, walang ka hassle- hassle, sa murang halaga, may laman tyan ka na. San ka pa? Tara! Hahaha! De, pero sa totoo lang, para saken, kayang kayang tapatan ng mga street foods na to ang mga sosyal na pag-kain. Meron ngang ilan na nag-negosyo ng "Pinasosyal na street food" halimbawa na lang yung kwek-kwek, mabibili mo sa kalye ng 10 pesos Jumbo egg pa, sa mall nag karoon lang ng pwesto at "Cover" kuno, eh ang 10 pesos sa kalye, naging 20 na, at mas masama pa, ang liit ng ITLOG -.- HAHAHA! 100% tubo. Siguro nga makatarungan lang to sa ilan, pero ako, sa personal kong opinyon, mas masarap pa rin talaga ang street food kung sa street mo mismo bibilin, pano ba naman kase, the best yung sawsawan nila, yung suka na may sibuyas, sili at limpak limpak na mikrobyo galing sa mga walang habas kung sumawsaw, hahaha! Pero, SRSLY. Yun talaga yun nag papasarap dun. 

       Noong highschool kami, street food yung naging sandigan namin sa tuwing nagugutom kami. naaalala ko pa yung nakapedicab na nag bebenta ng Isaw at Mami, sa tuwing gagala kami, simula school namin, hanggang Festival mall eh nilalakad lang namin, hindi para makatipid, kung di para madaanan namin si manong tindero. Just imagine, gutom na gutom ka at kakain ng isaw na mainit-init na isa-sawsaw mo sa sawsawang binuo at pinasarap ng mikrobyo.  That Feeling. hahaha! Tingin  ko nga,  mag bestfriend na yung good at bad bacteria sa t'yan ko dahil hanggang ngayun, wala pa naman akong hepa at kung anu-anong sakit. HAHAHA! pero ikaw, dahan dahan lang sa pag kain ng street foods, ang mga nabasa mo ay ginagawa lang ng mga propesyunal. Patnubay ng magulang ang kailangan. HAHA! Para sa mga gustong mag try ng street foods d'yan, para saken, eto yung Top 10 na pinaka masarap:
Paunawa: Ang pag kain ng mga street-foods ay lubhang mapanganib. Eat moderately.

T O P:


10.Banana-cue  at Turon (Caramelized fried banana)
9. Taho (soft bean curd sweetened with caramel syrup)
8. Adidas (Inihaw na paa ng manok)
7. Mga balls (Fishball, squidball, etc.)
6. Balut at Penoy (Boiled fertilized/unfertilized duck's egg)
5Iskrambol ( yung matamis na karaniwang kulay pink at may yelong durog)
4. Kwek-kwek at tokneneng ( Yung kulay orange na bilog )
3Walkmen (Inihaw na tenga ng baboy) at Umanok (Inihaw na ulo ng manok)
2. Proben ( Fried tumbong ng manok )
1. Calamares (Fried squid rings)

CONCLUSION:
" Lahat ng masarap bawal, yung iba nga lang, naging streetfoods <3"
 HAHAHA!




Wednesday, August 21, 2013
Posted by Unknown

"Homeless engineer : Si Mang Peter - Part 2"

Paunawa: Bago mo basahin 'tong blog na to, basahin mo muna yung part-1: 

Kung tapos mo na, edi tuloy mo na to, Hahaha! salamat sa pag tambay!


        Habang nag luluto ng pansit canton yung lola ko, eh tuloy lang yung kwento ny'a tungkol kay mang Peter, Oo, tinalo n'ya pa yung mga ratsada ng mga balita. Hahaha! Miss na kita Lola :) Nung una hindi ako masyadong interesado dahil nga gutom na ko't naaamoy ko na yung pansit canton. Gayun pa man, nakinig pa rin ako sa kwento n'ya "Si Peter? Napakatalinong tao nun, Graduate at board passer yun sa kursong Civil Engineering. Napaka-kisig na binata n'yan noon, andaming nag kakagusto, masipag, responsable. Naaalala ko nga dati nung minsa'y niligawan n'ya ko" Sabi ng lola ko. "Niligawan nya kayo?!" Pagulat kong tanong. "Oo, noong araw, sasagutin ko na nga dapat s'ya, kaso lang hindi n'ya ko pinaglaban hanggang sa huli, naghintay ako ng matagal, pero wala, hanggang sa dumating ang lolo mo, Hahaha! hay nako ikaw talagang bata ka! ( Kilig effect ) " kwento ng lola ko. "Eh nag ka pamilya naman si Mang Peter?" Pahabol kong tanong. Humaba ang kwentuhan namen at nalaman kong si Mang Peter pala ay nakapag asawa at  nag-karoon ng kaisa-isang  anak. Naging masaya ang pamilya nila hanggang sa isang pangyayaring bumago ng lahat. Nag-karoon ng malubhang sakit ang ka-isa isa nyang anak at pumanaw sa edad na apat (4), dahil sa nangyari, nabigla si Mang Peter at tuluyang binawian ng katinuan. Dahil sa binawian ng katinuan, nawalan ng hanap buhay si Mang Peter hanggang sa maghirap sila at iwan na s'ya ng asawa nya. Nag-palaboy-laboy si Mang Peter at tuluyan na ngang naging ganap na taong grasa. Marami nang tumulong kay Mang Peter, mapa DSWD o pribadong indibidwal, pero talagang mas gusto ni mang Peter sa Kalsada. Nagulat din ako nung malaman kong "Baliw" o wala pala sa katinuan si Mang Peter. Kinwento ko sa Lola ko na kinausap n'ya pa kami at nag tanong ng "Mga bata, nasaan yung Purok 2?" at inalok ng tinapay pag katapos. Nagulat ako sa sabi ng Lola ko na hindi lang pala kami yung tinatanong n'ya, araw-araw pala, kada nakaka-kita ng Tao, lagi nyang sinasabi "Mga bata, nasaan yung Purok 2?" sabay bigay ng tinapay. Tinanong ko ang lola ko kung bakit ganun, ang sabi n'ya lang, siguro hanggang ngayon daw, uma asa parin s'ya na panaginip lang ang lahat, sa Purok 2 kasi sila laging namamasyal ng anak nya, at pandesal ang paborito ng anak n'yang meryenda. Parang biglang may kumurot sa puso ko, dahil hanggang ngayon, wala man sa katinuan, umaasa pa rin si mang Peter na sana, sa pag gising nya, bumalik sa dati ang lahat.

Noong Undas ng taong 2010, habang kasama ko si lola na dumadalaw sa puntod ng Lolo ko, nakita namin ang puntod ni mang Peter at  may taong dumadalaw, napag alaman ko na lang na misis nya pala yun. Nakakalungkot lang isipin na kailangan pang humantong sa ganun yung lahat bago s'ya ma-alala ng kaisa-isa nyang pamilya. Nabuhay man s'ya sa kalyeng walang pamilya at maituturing na "Homeless engineer", naging mapayapa naman ang pag-panaw nya, dahil sa wakas, makakapiling nya na ulit ang kaisa isa nyang anak.

"Sana nga na ang buhay ay parang isang panaginip, pag dumating yung panahon ng bangungot, gumising ka lang, at magiging ayos na ang lahat"

Monday, August 19, 2013
Posted by Unknown

"Si Mang Peter - part I"

Bago mag simula, gusto kong lang linawin na ang kwentong ito ay nangyari noong ako ay walong (8) taong gulang.                 
    
   Isang kulim-lim na umaga. Habang nakikipaglaro ako sa mga kalaro ko, tinawag ako ng lola ko "JAN-JAN! (Tawag saken ng lola ko) halika nga dito saglit". kabadong-kabado ako dahil akala ko papagalitan n'ya ko kase hindi pa ko na kain ng almusal. (You know grandma's logic xD) "Bili ka nga muna saglit ng Pansit canton". Palambing na utos ng Lola ko. Dahil alam kong medyo malayo ang tindahan, at ayoko ng walang kasama, nag-isip ako ng paraan kung pano papasamahin yung mga kalaro ko. Niyaya ko sila pero sabi nila, ang layo daw, papagalitan daw sila ng magulang nila. Hanggang sa gumamit na ko ng dahas. "Paunahan kila aling Conching! mahuli panget!" sabay kumaripas ako ng takbo, tuwang tuwa ako dahil naka sunod naman sila sa'ken Hahaha!

 Noong nakila aling Conching na, eh laking gulat namen na meron syang pinapalayas. "Umalis ka dito, walang bibili pag nasa tapat ka ng tindahan, maghanap ka ng ibang tambayan!" Sabi ni aling Conching. Isang matandang lalaking "Taong grasa" (Mga nasa 60+ na s'ya ) pala yung kasusap n'ya. Dahil bata at inosente, tinanong ko si aling Conching "Sino yung pina pa alis nyo?" tanong ko. Sabi n'ya, si Mang Peter daw, araw-araw daw, lagi yun nandun kahit araw araw nya ring pina-pa alis. Di na ko masyadong nag tanong dahil alam kong medyo masungit si aling Conching, bumili na lang akong pansit canton.  Sa pag lalakad namen pa-balik, nakita ko si mang Peter, hinang hina at nakita ko sa mga mata n'ya na sobrang lungkot n'ya, para bang may bumaba-gabag. Tinawag at tinanong n'ya kami. "Mga bata, nasaan yung Purok 2?". Medyo natakot kami. Pero nung lumapit yung isa kong kalaro, lumapit na rin kami. "Hindi po namen alam eh." sabi ng kalaro ko, Parang nalungkot si mang Peter. Nagulat ako at napatanong sa sarili ko, "Normal palang mag isip si mang Peter?", para s'yang isang taong kulang lang sa kalinga. Inalok n'ya kami ng tinapay. Pero, hindi naman sa pagiging pihikan, tinanggihan namen, ( medyo kakaiba kasi itsura.) Ako, bilang bata, eh sobrang natuwa, isipin mo, wala na nga s'yang pag-kain, namimigay pa? Haha! nakipag-kwentuhan kami sa kanya. Tinanong namen s'ya kung bakit s'ya mag isa, kung saan s'ya nakatira, at kung sino pamilya n'ya. Pero, yumuko lang s'ya. Dahil nga may pinabili yung Lola ko, umuwi na ko para ibigay yung pansit canton. Habang nag lalakad, Punong puno ng katanungan yung isipan ko, awang-awa ako sa kalagayan ni mang Peter. Imagine, isang matandang madumi at mahina na, laging mag isa, laging pinapalayas at parang punong-puno ng pighati yung mga nangungusap nyang mga mata. Pag uwi ko sa bahay, kahit na medyo matagal, hindi ako pinagalitan ng Lola ko. Haha! Tinanong ko si lola kung sino si mang Peter.  "Sinong Peter?"  Pagulat na tanong n'ya. Ang sabi ko naman, "Yung taong grasa sa may tindahan ni aling Conching." At  nagulat ako. Kilala pala n'ya si Peter.  Abangan ang susunod na kabanata .....

"Minsan, kailangan mo munang makakita ng wala para malaman mo, na hindi sa lahat ng panahon, lagi kang meron"

Friday, August 2, 2013
Posted by Unknown

"Reserba"

Di ka ba nag tataka kung bakit di na u-ubos yung kanin sa Mang Inasal? Kung bakit pag-katapos i-raid yung mga nag titinda ng mga pirated dvd's eh, maya maya, may tinda nanaman sila? Kasi, may "reserba" sila. Siguro nga na dapat lang talaga sa  buhay, lagi kang may "Plan B", hindi sa pagiging futuristic, kung di sa pagiging handa. Ang malas lang ni "B" at laging si "A" ang inuuna pag dating sa pag pa-plano. Parati nalang back-up, abangers, pangalawa,  loser. Yan siguro yung nararamdaman ni plan "B". kung isasa-tao si "Plan A" at "Plan B", eh para bang si "B" yung laging naghihintay, Simula't sapul, ang unfair isipin na bakit lagi na lang kailangan may maghintay? Kung yung iba naman laging una -.- Sana lang hindi magsawa si Plan B. Pag nag-kataon, wala kang back-up. Hahaha! Ikaw, bilang tao, naranasan mo na bang maging reserba? kamusta naman? Haha! Walang masamang maging reserba, lagi mong tandaan na minsan, yung mga reserba pa yung bida, taga sagip. Halimbawa, sa pelikula. Wala kang makikitang unang putok ng baril na nakapatay. parating yung pangalawa. Minsan pa nga, pangatlo. Ganun din sa buhay. Kung sa tingin mo man, reserba ka lang. Chill lang. malay mo, May next big break ka? 

Sana nga lang na hindi ka habang buhay maging pangalawa, tulad nga ng sinabi ko, hindi masamang maging reserba, wag lang sosobra. Minsan dapat nag ha-hangad ka ding maging una, maging number one.  Alam ko rin naman na 'di sa lahat ng panahon, stable yung nararamdaman mo, yung taong nagpapasaya sa'yo ngayun, di ko alam bukas kung mapapasaya ka pa rin n'ya. Oh, teka. wag kang magalit, Hahaha! sinasabi ko lang yung mga favorable outcomes. Totoo naman diba? Lahat ng bagay, may hangganan, di sa lahat ng oras eh, paulit-ulit lang yung mga nangyayari, Lahat ng tao, napapagod, ayoko lang na dumating yung araw na pati   ikaw eh makaramdam na ng kapaguran. Kung nakakaranas ka mang mag hintay dahil nga reserba ka, eto words of wisdom ko para sa'yo. "Kung kayo, kayo." Hahaha! inspiring ba? Tandaan mo rin na walang masama sa pag hihintay, basta, siguraduhin mo munang may hinihintay ka pala. 

Alam mo ba kung bakit si  Juan tamad , nakapag hintay sa pag- bagsak ng prutas? kasi nga, alam n'ya na may hinihintay s'ya, alam nya na sa pag lipas ng panahon, babagsak rin yung prutas na matagal nyang hinintay. Tamad nga lang. imaginin mo kung naka nga-nga sya sa kawalan habang walang prutas na nakaabang? Eh baka Juan Tanga tawag sa kanya? Hihihihi :>
Sunday, July 28, 2013
Posted by Unknown

"Teknik"

Kung nabasa mo yung previous blog na "You,Nick!" eto naman "Teknik" Haha! may ma-rhyme lang. Pero srsly. May kinalaman yung previous blog dito. Dahil nga lahat tayo ay pinanganak na unique, dahilan lang din yun na lahat tayo, eh iba iba ang technique. Technique saan? Sa panliligaw. Oo nga siguro, wala talagang wrong moves. Depende na lang yun sa nag dadala Hahaha! Bakit nga ba nauso yang mga Damoves na yan? Syempre to impress. Eh ang tanong, na impress ba s'ya? Para saken, mas maganda pa rin na mag express "Damove to express not to impress" Hahahaha! Express mo yung sarili mo, yun naman talaga purpose ng panliligaw eh. Pero tandaan mo, hindi porke "Express" eh, expressway na, Di lahat ng bagay, instant, mas maganda pa rin pag pinag hirapan. Pero ano ba yung pamantayan ng mga Fail Damoves? Sa pag kaka-alam ko eh, wala naman ginawa na batas na nag didikta na "Failed Damoves" Sabi nga nila eh, "Kanya kanyang trip lang yan" Eto yung ilan sa mga alam ko na "Damoves".


1.) Agre type     - Super agressive, kulang na lang eh i-take home.

2.) Tulay type   - Sa una, sila yung  nag pupush sa iba para manligaw, pero sa huli, sila pala yung may trip kay girl.

3.) PDA type    - Sila yung nanliligaw sa harap ng napakaraming tao (With matching cartolina na may words na "I LOVE YOU!") . kulang na lang ipa televise nila.

4.) Survey type   - Sila yung nag sasagawa ng research at background check, inaalam kung swak ba sa panlasa.

5.) Friendzone-destroyer type - Sila yung makikipag friends muna, at sa bandang huli, aamin at gagawa ng mga romantic scenes.

6.) Sisterette type - Sila yung nag babakla baklaan, para makipag close at maka chansing.

7.) Alipin type - Sila yung nag papaalipin, kulang na lang eh, mag P.A.

8.) Financer type - Sila yung "Ubos pera". Lahat ng gusto ni girl pinag bibili. 

9.) Hopeless romantic - Sila yung magaganda sana baon na pick up lines kaso, Shunga mag deliver.

10.) Effort type - Todo kung mag effort. kulang na lang eh, doon na lang umikot yung buhay n'ya.

11.) Tanga type - Lahat ginawa, pero wala eh, tanga eh. haha!

Marami pang mga damove types na siguro pag i-nisa isa ko, eh, aabutin tayo ng ................... Basta matagal.
Eto tandaan mo. Wag kang mag si-sisi kung minsan mang pumalya yung damoves mo, tandaan "Damove to express not to impress" Tandaan mo rin na "Araw lang ang nagpapasikat" Hahaha! Pero eto sasabihin ko sa'yo, hindi sa lahat ng bagay, talunan ka, minsan din dadating yung panahon na maiiisip mo na sulit pala yung "Damoves" mo. Basta! Wag kang titigil! Malay mo bukas na pala lucky day mo? Oh? ayokong makakarining ng "A moment of silence for our brother in friendzone." ah? Hihihihi :>


Wednesday, July 24, 2013
Posted by Unknown

"You, Nick!"

Bago magsimula ang blog na 'to, basahin mo muna yung title.... Ngayong nabasa mo na, gets mo ba? Hahahaha!  kung hindi, bibigyan kita ng clue, eto:   Underwear ni Superman, Pormahan ni Supermario,  Hair spray ni Dora, Tawa ni spongebob, breed ni Scooby-doo, pwet ni catdog, hairstyle ni Jimmy Neutron, at ang kulay ni Nancy Binay (Hindi ako racist). Ano? siguro ngayon alam mo na title? Tama! Unique! Lahat tayo, scientifically eh, pinanganak na Unique, mula sa finger prints, iris patterns, foot prints, ugali at marami pa, pero bukod dito, marami rin tayong special na mga katangian. Speaking of special and unique,  Kelan ko lang napag isip-isip na iba pala ang "Special" sa "Unique" Ang pagiging espesyal ay isang katangian na kakaiba, ngunit makikita rin sa iba. Habang ang pagiging unique ay isang katangian na kakaiba at hindi matatagpuan sa iba, o kung matatagpuan man, ang ratio ay      1 : 100,000,000. Gets? Eto example, ang slow eh. Hahahaha!

Special =  Special talent ( Magaling kumanta, sumayaw, umarte). 
Unique =  Unique talent ability (  Naaabot ng dila ang ilong, nadidilaan ang siko, nakikita ang noo). Hahaha! Unique ba? Kung sa mga produkto, eh sila yung "limited edition".  Noong bata pa ako, akala ko unique rin ako, akala ko yung mga pinag-gagagawa ko dati, ako lang gumagawa at wala nang iba, yung tipong tatapat mo yung bunganga mo sa harap ng electric fan habang naandar, tapos kakanta with matching nginig boses, pupunta sa banyo pag uutusan ng magulang tapos mag bu-buhos ng mag bu-buhos ng tubig na wala namang binubuhusan para kunwari, busy, mag drawing ng mga pangalan sa ma-alikabok na bintana, putukin yung mga bubbles sa packaging ng bagong appliances, ipagpag at ihampas yung remote control pag ayaw lumipat ng channel, maglaro sa buhangin na binili ng kapitbahay na mag papagawa ng bahay, itapat yung braso sa kapapatay lang na T.V at tingnan ang mga balahibong tumataas. makikinig ng music at iniimagine ko, ako yung nasa MTV (habang nakatingin sa bintana),  Hahaha! ang babaw ba?  para akong ewan.

Gusto kong makakilala ng taong tanggap yung pagiging mababaw ko, yung taong makakasama ko sa California habang tinutupad ang long time dreams ko namin, turuan akong mag english para di ako masyado ma -OP. Hahaha!

Minsan, dumadating talaga yung mga panahong ma li-liwanagan ka sa mga bagay-bagay, yung akala mo dati, hindi pala, yung ineexpect mo, imposible pala, minsan ka mang umasa, okay lang yun, wala namang nawala, basta ang importante, kaya mong tanggapin yung mga katotohanan pagkatapos mong umasa. Hindi yung forever attached ka sa mga bagay-bagay na inasahan mo, eh kung hindi dumating? Ouches. minsan ka mang nakaramdam na "Unique" ka, pag patuloy mo lang. Kung totoo naman ? Edi ikaw na unique :P


Saturday, July 20, 2013
Posted by Unknown

"Si Thalia"

Naranasan mo na bang mag hanap sa isang bagay? Isang paghahanap na kahit ikaw, eh alam mong imposible?    Masakit sa pakiramdam na maghanap sa kawalan. Para bang naghahanap ka ng ginto sa gitna ng kalawakan. Ilang taon ako nag hanap at nag hintay kay Thalia, isang babaeng lagi kong kasama simula pa noong 13 years old ako, napaka puti nya at ibang-iba kumpara sa iba. Nakatira s'ya sa lola ko sa probinsya namin. Kahit nakatira s'ya sa lola ko, hindi ko sya ka-anu-ano. Nag kakilala kami noong minsa'y pumunta ako sa lola ko, pinakilala s'ya sa akin at ang sabi eh maging mabait daw ako sa kanya. Noong una eh medyo nag kakahiyaan pa kami, pakiramdaman pa kung sino yung unang titingin, kahit hindi nya sinabi sakin eh, ramdam na ramdam ko yun. Dahil nga bakasyon yun at almost 3 months kami magkakasama, eh ako na ang unang lumapit at nakipag kaibigan. Laking gulat ko, dahil una pa lang eh nag kasundo na agad kami. Sobrang sweet n'ya saken, napaka bait nya at lagi nya kong pinapatawa. Dumating yung panahon na halos mag hapon kaming magkasama, naging sobrang close dahil miski sa pagtulog eh s'ya parin ang katabi ko.


Dumaan ang ilang araw eh lalo s'yang naging sweet sakin, sabay kaming nanonod ng TV, kumain, pumunta sa parke para mamasyal at sabay rin kaming matulog hanggang sa gumising. Dumating pa nga yung panahon na natatakot ako, malapit na kasing matapos ang summer vacation, alam ko kasi na sa pasukan eh babalik na kami ng Maynila para ipag patuloy yung pag aaral ko. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi kami habang panahon na magkakasama, nalungkot pa rin ako. mamimiss ko yung mga sandaling lagi kaming magkasama. Kung pwede ko lang s'yang dalin sa Maynila, eh ginawa ko na. Tatlong araw bago ang pasukan, kinausap ko si Thalia para mag paalam, ang bigat sa pakiramdam ko dahil alam kong matatagalan na ulit bago kami magkita, nag pasalamat ako sa kanya dahil naging napaka saya ng bakasyon ko. "Mamimiss ko yung pag punta natin sa parke :( " Sabi ko sa kanya. Hindi kumibo si Thalia at para bang walang pakialam, pero nababasa ko sa mga mata n'ya na nalulungkot rin s'ya. 


Kinabukasan nun, eh nagpa-alam na ko kay Thalia para umuwi, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko na ulit nakita si Thalia, kagabi  na pala yung huling pag kikita namen :( Nakaka guilty lang dahil kinailangan ko s'yang iwanan, hindi ko man gustuhin, wala akong magagawa. Sobrang bigat sa pakiramdam at para bang ang hirap huminga, Di nagtagal, umalis na kami papuntang Maynila. Buong taon ko hinintay mag bakasyon para magkita ulit kami, pero sa kasamaang palad, mula pala noong umuwi ako, hindi na daw bumalik si Thalia. taon taon akong nag hintay, hanggang sa mabalitaan ko na pumanaw na pala siya :((( Wala akong magawa kung di sariwain yung mga panahong mag kasama pa kami.


Miss na miss na kita Thalia, kung alam mo lang kung gano kabigat pakiramdam ko nung nabalitaan kong pumanaw ka :( Pero wala akong ma-gagawa. Siguro na mas masaya ka sa bago mong amo. Siguro, cat food na yung pinapakain nya sayo at hindi na leftovers :( Pero kahit ganun salamat munting alaga! hinding hindi kita malilimutan. Kung nag tataka ka kung bakit Thalia ang pinangalan ng Lola ko sa kanya, eh dahil yun sa palabas na Marimar, ang bida, eh sino pa ba? edi si Thalia. Hahahaha!

"Minsan, kailangan nating maghanap, hindi para mahanap yung nawawala, kung 'di para malaman ng nawawala na importante pala s'ya" 







Friday, July 12, 2013
Posted by Unknown

"Fides in homine"

"Fides in homine" sa salitang Latin, "Faith in humanity" sa Ingles. Salamat sa Google translate    at nagkaroon ng professional title ang blog na to. Hahaha! Iba man ang spelling ng "Fides in Homine sa Faith in Humanity", eh sigurado ako na isa lang ang ibig sabihin n'yan. Ayon sa bibliya, eh tayong lahat ay pantay-pantay na ginawa ng Diyos, mapa babae man o mapa-lalaki. Ayon naman kay Charles Darwin,  tayo ay nagmula sa unggoy, nasayo na yan kung saan ka ba maniniwala. sa pantay-pantay na pag gawa? o sa teyoryang nagmula ka pala sa angkan ng mga unggoy? Choose wisely! Hahaha! Kahit anong paniniwala mo, eh wala na kong magagawa. Scientifically at technically, hindi pantay ang pag gawa sa lalaki at babae. Ginawa ang mga lalaki na mas malakas, ngunit mas maikli ang buhay, meron silang isang ritwal bago ang pag bibinata na tinatawag na "Tuli" o mas kilala sa tawag na "Goodbye manoy". Sa kabilang banda, ginawa ang mga babae na mas kritikal mag isip at mas mahaba ang buhay. Meron rin silang ritwal buwan buwan na kilala sa pa-islang na tawag  na "Period", maraming nag sasabi eh napakahirap daw, (Malay ko). Dahilan kung bakit medyo masusunget sila depende sa schedule. Bukod dito eh nag-dudusa rin sila tuwing na-nganganak. Unfair ba? Hahaha!

Siguro eh, sapat nang dahilan ang pag dadala ni misis ng batang binuo ni mister, Imaginine mo, siyam na buwan siyang mag papakahirap? Eh kung taon taon manganak? hahaha ! INGAAT!( John Loyd's  endorsement ). Ang gusto ko lang palabasin, eh kalabisan na ata kung hindi natin susukliang mga lalaki ang pag hihirap ng mga babae. Sa simpleng pag papa-upo pag puno na ang bus, jeep, o iba pang sasakyang pang publiko. Eh sa tingin ko, maituturing na  yun na "Faith in humanity". Hindi naman masamang mag sakripisyo, isipin mo na lang eh, minsan ka lang mangalay, eh sila? buwan buwang nag dudusa sa pagiging babae nila. Haha! Diba? makakaganti ka rin!  (Mean Laugh). Sa panahon ngayon, hindi na talaga uso ang gender equality, may mga babaeng nagtatrabaho na panglalaki para lang may makain ang pamilya, eh nasan yung mister nun? Nakikipag iinuman? (-.-)


 Minsan, eh naransan ko na rin mag offer ng upuan sa mas nangangailangang umupo, saan?  Sa bus. Isang gabi habang pauwi galing school, (pagod na pagod, antok na antok at pawis na pawis) eh may nakita akong dalaginding malapit sa pintuan ng bus, wala man lang nag alok ng upuan, miski isa,  samantalang ang daming mga lalaki. Nagtaka ako at napatanong sa sarili na " Bakit walang nagpapaupo dun?" Ilang beses kong pinag isipan kung bibida ba ako. Dumaan ang maraming minuto at kinalabit ko s'ya sa likod sabay sabi "Miss, upo na po kayo" Laking gulat ko pag harap niya. Hindi pala s'ya babae :| Tama. GAAAAAY! Nagulat talaga ako at may naririnig na tawanan, dahil andun na, eh pinanindigan ko na, pinaupo ko pa rin s'ya. Pag baba n'ya eh, labis ang pasasalamat n'ya sakin. Hindi ko man inexpect, medyo okay rin pala. Nakakagaan sa pakiramdam na kahit hindi s'ya babae at umaani ng mga batikos mula sa mundong nakapaligid, sa simpleng pag papa-upo ko sa kanya, kahit papaano, naramdaman nya ang kahalagahan n'ya sa mundong ginagalawan ng mga mapang matang tao.

Yung babaeng nasa  baby seat ng tricycle, paupuin mo na. Cute man s'yang tingnan don, mas cute s'yang tingnan kung komportable. Sigurado ako na hindi n'ya ginustong umupo sa baby seat. LOL  Haha! Minsan  ka lang maging lalaki, sulitin mo na. Malay mo bukas, hindi na pala ? >:)













Wednesday, July 10, 2013
Posted by Unknown

"Superpowers"

Booom! Tgshhhink! Wapak! Dzzzzzzt! Ilan lang yan sa mga sound effects na ginagawa ko noong bata pa 'ko. Hahaha! Tulad ng maraming bata, nangarap rin akong makalipad at maging superhero, isang superhero na hinahangaan ng mga tao,   magpalabas ng kung anu anong elemento sa kamay at controlin ang utak ng iba. Akala ko dati, meron akong hidden powers na ma re-reveal lang pag nasa kapahamakan na ko. Weird mang pakinggan pero nagsagawa ako ng mga secret training, tuwing napapanood ko ang flame of recca eh ginagaya ko yung mga signs nya na dino-drawing sa hangin, kala ko kasi eh may lalabas din na dragon, sa sobrang pag iidolo ko nga eh pati yung puti na nilalagyan ng apple, sinuot ko sa braso ko, (Meron rin kasi s'yang ganun, kaso hindi ata yun sa apple). Wala yatang bata na hindi ginustong mag karoon ng superpowers, siguro nga natural lang na mangarap, na kahit sa murang edad, minsan rin tayong umasa sa mga bagay-bagay na akala natin eh, pwedeng mangyari.


Kung noong bata eh gusto kong maging superhero para makatulong, ngayun ko napag isip isip na ang corny ko pala nun. Ang hirap palang tumulong sa kapwa lalo na kung yung sarili mo eh, hindi mo matulungan. Imagine, 7:30am - 9:30pm schedule mo sa klase na may masungit na professor, tapos uuwi ka ng pagod na pagod at antok, tapos biglang may mangangailangan ng tulong. Syempre, dahil superhero ka, tutulungan mo, Hassle. Hahaha! kaya nga ba ayoko nang maging superhero eh :/ kaya ko lang sinabi yan noon eh akala ko kasi cool, kala ko astig. Hindi pala sa lahat ng panahon eh mananatili yung mga pangarap mo, minsan dumadating yung mga panahon na mas pipiliin mong matulog kaysa mag palabas ng mga elemento sa kamay. mas pipillin mong mag commute kaysa lumipad sa mausok na daanan. Yung inaakala kong "Cool" dati eh parang hindi naman pala. Imagine na nag papalabas ka nga ng apoy sa kamay, sigurado ako, sa peryahan bagsak mo at may pangalan  na "Boy apoy". Kung dati eh pangarap kong magpalabas ng dragon, eh siguro kung ngayun ako magpapalabas ng dragon, ma ka-kasuhan pa ko ng wildlife act ng PETA. Pangarap ko rin dati na maging invisible, kung ngayun ako naging invisible eh mapag bibintangan pa kong mang bo-boso. Sakit isipin na yung ultimate dreams ko dati, isa na lang katatawanan ngayon. Nung bata ako eh akala ko talaga may potensyal akong maging superhero. Nalulungkot ako pag naalala ko yung mga araw na nilalaan ko para lang sa secret training :( Hahaha!

Kung ibabalik ko man yung panahon, hinding hindi ako mag sisisi na minsan kong pinangarap na maging superhero, magkaroon ng powers at makatulong sa mga tao. Noong bata ako, akala ko madadaan sa determinasyon lahat ng bagay, akala ko porke nag laan ka ng effort eh, mag kaka roon ka nga ng super powers. Akala ko na sapat nang maniwala sa kakayahan mo, hindi pala, kailangan mo pala munang tuklasin kung kaya mo ba talaga o hindi. Posible ba o imposible. Pwede ba o bawal. Kailangan mong alamin at detalyehin kung posible mo ba talaga makuha yung bagay na gusto mo bago ka mag effort. Basta tandaan mo lang lagi, minsan ka mang nag mukang ewan sa pangarap mo, wag kang susuko, malay mo, may secret powers ka pala? 



Friday, July 5, 2013
Posted by Unknown

"Bitterness 101"

Naranasan mo na bang mabigo? Isang pagkabigo na pag naaalala mo eh, para bang paulit-ulit paring nangyayari? Pagkabigo na nagpabago ng pananaw mo sa buhay? Pag oo, congratulations! Bitter ka! Kung nagiguilty ka, wag kang mag alala, normal lang yan, tandaan mo na lang na "Medicines are bitter, but it help us to feel better" tulad ng pag inom ng gamot, mahirap mang lunukin dahil mapait (Except Propan TLC), eh giginhawa naman pakiramdam mo pag na-lunok mo na. Bakit nga ba may bitterness? Sa chemistry, technically, wala palang kemikal na mapait, kaya pala may mapait eh walang glucose  (Sweetness) na humahalo sa Acid. Tama! Ang kapaitan ay nabubuo pag inextract ang matamis sa acid, sa kabilang banda, ang asim ay nabubuo pag pinagsama ang acid at tamis. Oh diba? Educational blog hahaha! Same concept rin sa tao, pag hindi na s'ya sweet sayo eh bitter ka na rin hahaha! Kung pag uusapan naman ang sosyolohiya, malalim at komplikado yung definition nyan.


Ikaw, bitter ka ba? Naranasan mo na bang mag effort ng todo todo para sa taong tinitibok ng puso mo? yung tipong ikaw gagawa ng project nya, makatulog lang sya ng maaga, malagas yung pera mo na dapat eh pang bili mo ng bagay para sa sarili mo? Yung tipong uuwi ka ng 10pm kakahintay sa kanya, tapos umuwi na pala? Halos mag away na kayo ng magulang mo dahil sa kanya? Gumawa ng mga bagay na hindi nya naman naapreciate kahit kelan? Tinalikuran mo na ba ang kaibigan mo dahil sa kanya? Ano naranasan mo na lahat yan? Pag oo, wag kang malungkot, parehas lang tayo :) Totoo nga na napakasakit isipin na nagawa ko pala lahat yan? Hahaha! Engot ba? Pero Srsly. Hindi ko man lang nagawang magalit, saka matagal na yan, sabi nga nila, laging may rainbow pag katapos umulan. Sa nakikita ko ngayon eh tapos na kong dumaan sa ulanan, parating na ang rainbooooow hahaha! 


Karamihan ng mapapait ay masustansya, pero syempre, hindi lahat. The best pa ren ang Propan TLC, that nourishment <3 Hahahaha! Kalimutan ang nakaraan at mahalin ang kasalukuyan. Wag tayong mabuhay ng patalikod, kaya nasa harap ang mata eh para daw nakatingin ka sa harap, Srsly. Kaya wag ka nang magmukmok, eh ano kung ika'y mahuhulog? Kaya mo yan! RAAAKK NAAA ITUU!
Thursday, July 4, 2013
Posted by Unknown

"Sino si Pobesa?"

Ang daming nagtatanong sa'ken kung sino ba daw si
Pobesa? Si Pobesa ay hindi isang tao. Sila ay binubuo ng tatlong tao, si Po, si Be, at si Sa. kung nagtatanong ka pa ren kung sino si Po,Be at Sa, Sila yung authors ng blogsite na 'to, check mo, andyan sa dropdown menu mga facebook accounts namin :) Bilang  isa sa Pobesa, masasabi kong, sobrang kilala namin yung isa't isa, haha! classmate since grade 1 eh. Andami na naming mga pinagdaanang pagsubok, kopyahan, utangan, tulungan pag may gustong babae, mag Gym sa gym na improvised lang namen, mag inuman pero walang lasingan, mag jamming, mag foodtrip, basta lahat na ata ng weirdong bagay. Para ko nang kapatid yang mga yan. Di ko alam, parang mag kaka konekta mga utak namin, tingin pa lang, alam na. Eto yung picture namen bago mag college:

Gwapings ba? Hahaha! yung nasa kaliwa, si John Gesem Velayo, Isang Business student at aspiring varsity player. Ako yung nasa gitna, isang Information technology student, amateur graphic editor at dating drummer sa bandang Burugid. Yung nasa kanan, si Karl Angelo Tee, Isang marine student, bass guitarist sa bandang Burugid. at freelance model. Sa kanila ko nalaman ang tunay na kahulugan ng kapatiran. Hindi kailangan gumamit ng rahas, at mag hazing para lang makakuha ng maraming benepisyo. Mauutangan mo yan hahaha! Loljk. Iba na talaga pag kilala nyo yung isat isa. 0% plasticity rate. Eh since grade 1 hanggang 4th year classmates eh, ano po? Hahaha!


Ano ang ibig sabihin ng PO-BE-SA? Secreet na yun hahaha! Basta mahalaga, kilala mo na si Pobesa,  lahat ng blog dito, true to life yan, based sa buhay ni Po,Be at Sa. Kung may salitang Most bestest friends, marahil, sila na yun. Sige, dahil kilala mo na sila, Hanggang sa muli, ano po? :)
Wednesday, July 3, 2013
Posted by Unknown

"Point of view"

Hindi porke "point of view" ang title nito,  eh photography lesson to. Hahaha!  Kung nahihirapan kang basahin ang steno at hieroglyphics, mas mahihirapan kang basahin ang isip ng mga babae, napaka un-predictable. Ewan ko ba kung bakit pero sadyang napaka komplikado nilang mag isip. Para bang iba yung dinadaanan ng mga pinag iisip nila? Sa maniwala ka't sa hindi, nag sagawa ako ng obserbasyon batay sa brain activity nila. Haha! Pero ako na mismo ang nag sasabi sa'yo, mahirap talaga silang intindihin. Para maliwanagan ka, eto mga differentiations at sample reactions batay sa point of view ng Boys vs. Girls. 

Sample 1: Napaka ganda mo ngayon girl! / Napaka Pogi mo ngayon pre!

Boy's reaction:  Bading ka ? :/
Girl's reaction:   OMG! thank you girl! ikaw rin you're gorgeous <3

Sample 2: Ano ba magandang panoorin ngayon? Ma eexpire na yung unlimited internet ko, tara sulitin naten.

Boy's reaction: (If you know what I mean.)
Girl's reaction: Girl, Pitch perfect o kaya Glee !       

Sample 3:  Nakita si crush.

Boy's reaction: Poker face. (Me gusta)
Girl's reaction: Obvious reaction. (Sabay hampas sa katabi)

Sample 4: Ang pangit mo!

Boy's reaction: Hahaha ! Bitch please.
Girl's reaction: !@#$%^@#$%^

Sample 5: Hanggang friends lang tayo :(

Boy's reaction: Awts! (Try ko ulit tanong bukas.)
Girl's reaction: :((((((((((((((((((( (Sabay dedmers)

Sample 6: I LOVE YOU!

Boy's reaction: YEHES! WHOOOOO! YIHAAA! (Pag uwi sa bahay, magtatatalon sa kwarto.)
Girl's reaction:  :">  Hmm. Speechless.

Sample 7: *Nakita si crush na may kasamang iba.

Boy's reaction: !@#$%^&!@#$%^!@#$%^& Sino yun? sarap gulpihin amp >.<
Girl's reaction:  OMG! They're so bagay <3 ( Nag-mumukmok.)

Sample 8: *Boy talk/*Girl's talk.

Boy's reaction: FAP FAP FAP!@#$@#$%!@#$%@#$% FAP FAP. MEGUSTA O.O
Girl's reaction: Unknown (Super secret)


Hahaha! Di ko sinasabing 100% accurate yan, pero sure ako, 'bout 70% accuracy nyan. Iba -iba man ang point of view sa mga bagay-bagay ng mga lalaki at  babae, mayroon namang isang bagay na nagbubuklod sa kanila, LOVE. Siguro, ginawa talaga ng Diyos na iba iba ang way nating mag isip, para mapunan ng isa ang kakulangan ng isa. "Huwag tayong maghanap ng wala, darating ang panahon, marerealize mo na wala ka pala talagang hinahanap", ang stupid ng dating pero i-analize mo mabuti, It makes sense :) Marami nang nagtanong sa'ken na babae, Pano malaman kung special ka ba talaga sa lalaki? Tandaan mo, Basta nag effort mag reply yan, either wala na load o nag dodota, sure ako. special ka dyan. Pag umabot ng 1 hour conversation n'yo. Pag lagi ka n'yang kinokompliment, pag lagi ka nyang iniisip, pag tanggap n'ya lahat ng negative sides mo, at higit sa lahat, pag niyaya ka nyang manood ng WWZ <3



Sunday, June 30, 2013
Posted by Unknown

"Positibo"

Ang sarap gumising sa umaga na naka ngiti, isang malamig na umagang punung-puno ng bagong pag-asa, isang bagong araw para itama ang mga kamalian ng kahapon. Ang sarap maging masaya, isang kasiyahan na tunay at walang nag kukubling kalungkutan, Ang sarap mag-karoon ng inspirasyon, isang inspirasyon na nagpapalakas ng kalooban mo pag hinang hina ka na. Lahat na masarap. Hahaha! Ang pagiging positibo ay isang kaugalian na kung saan, nag a-assume tayo ng mga bagay bagay na umayon base sa ating kagustuhan. Isang kundisyon na kung tawagin nga nila ABS-CBN o "Automatic Brain Simulation Corporated with Brain Neutrons" Hahaha! Napakahirap maging positibo, lalo na kung alam mo sa sarili mo na may maling mang-yayari. Wag tayong masanay na magkubli sa mga bagay na kahit ikaw, alam mo namang imposibleng mangyari.



Masakit umasa, umasa sa taong nagbigigay saya sayo, lalo na't hindi mo alam ang katayuan mo sa kanya. Hindi mo alam kung saan ka ba lulugar, hindi mo nga alam kung may aasahan ka nga ba. Ang daming tanong  na tanging s'ya lang ang makaka sagot. Nitong mga nagdaang araw, andaming gumugulo sa isipan ko, ang daming problema. Sobrang gulo. Ayokong masanay sa mga bagay na alam kong hindi habang buhay nandyan. Nakakaparanoid! Hahaha "pano kung Friendzone?", "Pano kung mali?", "Pano kung hindi pala ako?" "Pano kung Joke lang pala?" Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Hahaha! parang ewan lang. Tulad ng magnet, magdidikit lang 'to kung ang polarity ay South at North, Positive at negative. Eh nakikita ko sa mga pinag sasabi ko negative ako :P, malay mo, positive s'ya? hahaha! Edi masaya. Alam ko naman na hindi sa lahat ng panahon, eh andyan yung taong nag papangiti sa'kin. Eh ang nega ko ? Hahaha ! tama na nga!


Kailangan natin mag paka positive, pipilitin kong i-apply ang ABS-CBN theory sa sarili ko. Mag daydream! Hahaha!
Eto ang ilan sa mga iispin ko simula ngayon:

-Gusto nya ko.
-Miss na miss nya ko.
-Sobrang pogi ko.
-Matataas ang grades ko.
-Magkakaroon ako ng maraming pera at may magbabayad para makapanood ng World War Z. LOL
-tatama ako sa lotto.
-Masasapawan ko sila Steve jobs, Bill gates at Mark Zuckerburg pag dating sa I.T industry.
-matutuloy lahat ng plano ko sa buhay.
-May six pack abs ako.

Masaya sana kung positibo ka sa lahat ng bagay, syempre, wag lang sa drug test. Hihihi :)

Friday, June 28, 2013
Posted by Unknown

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -