Posted by : Unknown Friday, July 12, 2013

Naranasan mo na bang mag hanap sa isang bagay? Isang paghahanap na kahit ikaw, eh alam mong imposible?    Masakit sa pakiramdam na maghanap sa kawalan. Para bang naghahanap ka ng ginto sa gitna ng kalawakan. Ilang taon ako nag hanap at nag hintay kay Thalia, isang babaeng lagi kong kasama simula pa noong 13 years old ako, napaka puti nya at ibang-iba kumpara sa iba. Nakatira s'ya sa lola ko sa probinsya namin. Kahit nakatira s'ya sa lola ko, hindi ko sya ka-anu-ano. Nag kakilala kami noong minsa'y pumunta ako sa lola ko, pinakilala s'ya sa akin at ang sabi eh maging mabait daw ako sa kanya. Noong una eh medyo nag kakahiyaan pa kami, pakiramdaman pa kung sino yung unang titingin, kahit hindi nya sinabi sakin eh, ramdam na ramdam ko yun. Dahil nga bakasyon yun at almost 3 months kami magkakasama, eh ako na ang unang lumapit at nakipag kaibigan. Laking gulat ko, dahil una pa lang eh nag kasundo na agad kami. Sobrang sweet n'ya saken, napaka bait nya at lagi nya kong pinapatawa. Dumating yung panahon na halos mag hapon kaming magkasama, naging sobrang close dahil miski sa pagtulog eh s'ya parin ang katabi ko.


Dumaan ang ilang araw eh lalo s'yang naging sweet sakin, sabay kaming nanonod ng TV, kumain, pumunta sa parke para mamasyal at sabay rin kaming matulog hanggang sa gumising. Dumating pa nga yung panahon na natatakot ako, malapit na kasing matapos ang summer vacation, alam ko kasi na sa pasukan eh babalik na kami ng Maynila para ipag patuloy yung pag aaral ko. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi kami habang panahon na magkakasama, nalungkot pa rin ako. mamimiss ko yung mga sandaling lagi kaming magkasama. Kung pwede ko lang s'yang dalin sa Maynila, eh ginawa ko na. Tatlong araw bago ang pasukan, kinausap ko si Thalia para mag paalam, ang bigat sa pakiramdam ko dahil alam kong matatagalan na ulit bago kami magkita, nag pasalamat ako sa kanya dahil naging napaka saya ng bakasyon ko. "Mamimiss ko yung pag punta natin sa parke :( " Sabi ko sa kanya. Hindi kumibo si Thalia at para bang walang pakialam, pero nababasa ko sa mga mata n'ya na nalulungkot rin s'ya. 


Kinabukasan nun, eh nagpa-alam na ko kay Thalia para umuwi, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko na ulit nakita si Thalia, kagabi  na pala yung huling pag kikita namen :( Nakaka guilty lang dahil kinailangan ko s'yang iwanan, hindi ko man gustuhin, wala akong magagawa. Sobrang bigat sa pakiramdam at para bang ang hirap huminga, Di nagtagal, umalis na kami papuntang Maynila. Buong taon ko hinintay mag bakasyon para magkita ulit kami, pero sa kasamaang palad, mula pala noong umuwi ako, hindi na daw bumalik si Thalia. taon taon akong nag hintay, hanggang sa mabalitaan ko na pumanaw na pala siya :((( Wala akong magawa kung di sariwain yung mga panahong mag kasama pa kami.


Miss na miss na kita Thalia, kung alam mo lang kung gano kabigat pakiramdam ko nung nabalitaan kong pumanaw ka :( Pero wala akong ma-gagawa. Siguro na mas masaya ka sa bago mong amo. Siguro, cat food na yung pinapakain nya sayo at hindi na leftovers :( Pero kahit ganun salamat munting alaga! hinding hindi kita malilimutan. Kung nag tataka ka kung bakit Thalia ang pinangalan ng Lola ko sa kanya, eh dahil yun sa palabas na Marimar, ang bida, eh sino pa ba? edi si Thalia. Hahahaha!

"Minsan, kailangan nating maghanap, hindi para mahanap yung nawawala, kung 'di para malaman ng nawawala na importante pala s'ya" 







Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -