- Back to Home »
- "Teknik"
Posted by : Unknown
Wednesday, July 24, 2013
Kung nabasa mo yung previous blog na "You,Nick!" eto naman "Teknik" Haha! may ma-rhyme lang. Pero srsly. May kinalaman yung previous blog dito. Dahil nga lahat tayo ay pinanganak na unique, dahilan lang din yun na lahat tayo, eh iba iba ang technique. Technique saan? Sa panliligaw. Oo nga siguro, wala talagang wrong moves. Depende na lang yun sa nag dadala Hahaha! Bakit nga ba nauso yang mga Damoves na yan? Syempre to impress. Eh ang tanong, na impress ba s'ya? Para saken, mas maganda pa rin na mag express "Damove to express not to impress" Hahahaha! Express mo yung sarili mo, yun naman talaga purpose ng panliligaw eh. Pero tandaan mo, hindi porke "Express" eh, expressway na, Di lahat ng bagay, instant, mas maganda pa rin pag pinag hirapan. Pero ano ba yung pamantayan ng mga Fail Damoves? Sa pag kaka-alam ko eh, wala naman ginawa na batas na nag didikta na "Failed Damoves" Sabi nga nila eh, "Kanya kanyang trip lang yan" Eto yung ilan sa mga alam ko na "Damoves".
1.) Agre type - Super agressive, kulang na lang eh i-take home.
2.) Tulay type - Sa una, sila yung nag pupush sa iba para manligaw, pero sa huli, sila pala yung may trip kay girl.
3.) PDA type - Sila yung nanliligaw sa harap ng napakaraming tao (With matching cartolina na may words na "I LOVE YOU!") . kulang na lang ipa televise nila.
4.) Survey type - Sila yung nag sasagawa ng research at background check, inaalam kung swak ba sa panlasa.
5.) Friendzone-destroyer type - Sila yung makikipag friends muna, at sa bandang huli, aamin at gagawa ng mga romantic scenes.
6.) Sisterette type - Sila yung nag babakla baklaan, para makipag close at maka chansing.
7.) Alipin type - Sila yung nag papaalipin, kulang na lang eh, mag P.A.
8.) Financer type - Sila yung "Ubos pera". Lahat ng gusto ni girl pinag bibili.
9.) Hopeless romantic - Sila yung magaganda sana baon na pick up lines kaso, Shunga mag deliver.
10.) Effort type - Todo kung mag effort. kulang na lang eh, doon na lang umikot yung buhay n'ya.
11.) Tanga type - Lahat ginawa, pero wala eh, tanga eh. haha!
Marami pang mga damove types na siguro pag i-nisa isa ko, eh, aabutin tayo ng ................... Basta matagal.
Eto tandaan mo. Wag kang mag si-sisi kung minsan mang pumalya yung damoves mo, tandaan "Damove to express not to impress" Tandaan mo rin na "Araw lang ang nagpapasikat" Hahaha! Pero eto sasabihin ko sa'yo, hindi sa lahat ng bagay, talunan ka, minsan din dadating yung panahon na maiiisip mo na sulit pala yung "Damoves" mo. Basta! Wag kang titigil! Malay mo bukas na pala lucky day mo? Oh? ayokong makakarining ng "A moment of silence for our brother in friendzone." ah? Hihihihi :>