- Back to Home »
- "Bitterness 101"
Posted by : Unknown
Thursday, July 4, 2013
Naranasan mo na bang mabigo? Isang pagkabigo na pag naaalala mo eh, para bang paulit-ulit paring nangyayari? Pagkabigo na nagpabago ng pananaw mo sa buhay? Pag oo, congratulations! Bitter ka! Kung nagiguilty ka, wag kang mag alala, normal lang yan, tandaan mo na lang na "Medicines are bitter, but it help us to feel better" tulad ng pag inom ng gamot, mahirap mang lunukin dahil mapait (Except Propan TLC), eh giginhawa naman pakiramdam mo pag na-lunok mo na. Bakit nga ba may bitterness? Sa chemistry, technically, wala palang kemikal na mapait, kaya pala may mapait eh walang glucose (Sweetness) na humahalo sa Acid. Tama! Ang kapaitan ay nabubuo pag inextract ang matamis sa acid, sa kabilang banda, ang asim ay nabubuo pag pinagsama ang acid at tamis. Oh diba? Educational blog hahaha! Same concept rin sa tao, pag hindi na s'ya sweet sayo eh bitter ka na rin hahaha! Kung pag uusapan naman ang sosyolohiya, malalim at komplikado yung definition nyan.
Ikaw, bitter ka ba? Naranasan mo na bang mag effort ng todo todo para sa taong tinitibok ng puso mo? yung tipong ikaw gagawa ng project nya, makatulog lang sya ng maaga, malagas yung pera mo na dapat eh pang bili mo ng bagay para sa sarili mo? Yung tipong uuwi ka ng 10pm kakahintay sa kanya, tapos umuwi na pala? Halos mag away na kayo ng magulang mo dahil sa kanya? Gumawa ng mga bagay na hindi nya naman naapreciate kahit kelan? Tinalikuran mo na ba ang kaibigan mo dahil sa kanya? Ano naranasan mo na lahat yan? Pag oo, wag kang malungkot, parehas lang tayo :) Totoo nga na napakasakit isipin na nagawa ko pala lahat yan? Hahaha! Engot ba? Pero Srsly. Hindi ko man lang nagawang magalit, saka matagal na yan, sabi nga nila, laging may rainbow pag katapos umulan. Sa nakikita ko ngayon eh tapos na kong dumaan sa ulanan, parating na ang rainbooooow hahaha!
Karamihan ng mapapait ay masustansya, pero syempre, hindi lahat. The best pa ren ang Propan TLC, that nourishment <3 Hahahaha! Kalimutan ang nakaraan at mahalin ang kasalukuyan. Wag tayong mabuhay ng patalikod, kaya nasa harap ang mata eh para daw nakatingin ka sa harap, Srsly. Kaya wag ka nang magmukmok, eh ano kung ika'y mahuhulog? Kaya mo yan! RAAAKK NAAA ITUU!