Posted by : Unknown Friday, July 5, 2013

Booom! Tgshhhink! Wapak! Dzzzzzzt! Ilan lang yan sa mga sound effects na ginagawa ko noong bata pa 'ko. Hahaha! Tulad ng maraming bata, nangarap rin akong makalipad at maging superhero, isang superhero na hinahangaan ng mga tao,   magpalabas ng kung anu anong elemento sa kamay at controlin ang utak ng iba. Akala ko dati, meron akong hidden powers na ma re-reveal lang pag nasa kapahamakan na ko. Weird mang pakinggan pero nagsagawa ako ng mga secret training, tuwing napapanood ko ang flame of recca eh ginagaya ko yung mga signs nya na dino-drawing sa hangin, kala ko kasi eh may lalabas din na dragon, sa sobrang pag iidolo ko nga eh pati yung puti na nilalagyan ng apple, sinuot ko sa braso ko, (Meron rin kasi s'yang ganun, kaso hindi ata yun sa apple). Wala yatang bata na hindi ginustong mag karoon ng superpowers, siguro nga natural lang na mangarap, na kahit sa murang edad, minsan rin tayong umasa sa mga bagay-bagay na akala natin eh, pwedeng mangyari.


Kung noong bata eh gusto kong maging superhero para makatulong, ngayun ko napag isip isip na ang corny ko pala nun. Ang hirap palang tumulong sa kapwa lalo na kung yung sarili mo eh, hindi mo matulungan. Imagine, 7:30am - 9:30pm schedule mo sa klase na may masungit na professor, tapos uuwi ka ng pagod na pagod at antok, tapos biglang may mangangailangan ng tulong. Syempre, dahil superhero ka, tutulungan mo, Hassle. Hahaha! kaya nga ba ayoko nang maging superhero eh :/ kaya ko lang sinabi yan noon eh akala ko kasi cool, kala ko astig. Hindi pala sa lahat ng panahon eh mananatili yung mga pangarap mo, minsan dumadating yung mga panahon na mas pipiliin mong matulog kaysa mag palabas ng mga elemento sa kamay. mas pipillin mong mag commute kaysa lumipad sa mausok na daanan. Yung inaakala kong "Cool" dati eh parang hindi naman pala. Imagine na nag papalabas ka nga ng apoy sa kamay, sigurado ako, sa peryahan bagsak mo at may pangalan  na "Boy apoy". Kung dati eh pangarap kong magpalabas ng dragon, eh siguro kung ngayun ako magpapalabas ng dragon, ma ka-kasuhan pa ko ng wildlife act ng PETA. Pangarap ko rin dati na maging invisible, kung ngayun ako naging invisible eh mapag bibintangan pa kong mang bo-boso. Sakit isipin na yung ultimate dreams ko dati, isa na lang katatawanan ngayon. Nung bata ako eh akala ko talaga may potensyal akong maging superhero. Nalulungkot ako pag naalala ko yung mga araw na nilalaan ko para lang sa secret training :( Hahaha!

Kung ibabalik ko man yung panahon, hinding hindi ako mag sisisi na minsan kong pinangarap na maging superhero, magkaroon ng powers at makatulong sa mga tao. Noong bata ako, akala ko madadaan sa determinasyon lahat ng bagay, akala ko porke nag laan ka ng effort eh, mag kaka roon ka nga ng super powers. Akala ko na sapat nang maniwala sa kakayahan mo, hindi pala, kailangan mo pala munang tuklasin kung kaya mo ba talaga o hindi. Posible ba o imposible. Pwede ba o bawal. Kailangan mong alamin at detalyehin kung posible mo ba talaga makuha yung bagay na gusto mo bago ka mag effort. Basta tandaan mo lang lagi, minsan ka mang nag mukang ewan sa pangarap mo, wag kang susuko, malay mo, may secret powers ka pala? 



Leave a Reply

Subscribe to Posts | Subscribe to Comments

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -