- Back to Home »
- "Reserba"
Posted by : Unknown
Sunday, July 28, 2013
Di ka ba nag tataka kung bakit di na u-ubos yung kanin sa Mang Inasal? Kung bakit pag-katapos i-raid yung mga nag titinda ng mga pirated dvd's eh, maya maya, may tinda nanaman sila? Kasi, may "reserba" sila. Siguro nga na dapat lang talaga sa buhay, lagi kang may "Plan B", hindi sa pagiging futuristic, kung di sa pagiging handa. Ang malas lang ni "B" at laging si "A" ang inuuna pag dating sa pag pa-plano. Parati nalang back-up, abangers, pangalawa, loser. Yan siguro yung nararamdaman ni plan "B". kung isasa-tao si "Plan A" at "Plan B", eh para bang si "B" yung laging naghihintay, Simula't sapul, ang unfair isipin na bakit lagi na lang kailangan may maghintay? Kung yung iba naman laging una -.- Sana lang hindi magsawa si Plan B. Pag nag-kataon, wala kang back-up. Hahaha! Ikaw, bilang tao, naranasan mo na bang maging reserba? kamusta naman? Haha! Walang masamang maging reserba, lagi mong tandaan na minsan, yung mga reserba pa yung bida, taga sagip. Halimbawa, sa pelikula. Wala kang makikitang unang putok ng baril na nakapatay. parating yung pangalawa. Minsan pa nga, pangatlo. Ganun din sa buhay. Kung sa tingin mo man, reserba ka lang. Chill lang. malay mo, May next big break ka?
Sana nga lang na hindi ka habang buhay maging pangalawa, tulad nga ng sinabi ko, hindi masamang maging reserba, wag lang sosobra. Minsan dapat nag ha-hangad ka ding maging una, maging number one. Alam ko rin naman na 'di sa lahat ng panahon, stable yung nararamdaman mo, yung taong nagpapasaya sa'yo ngayun, di ko alam bukas kung mapapasaya ka pa rin n'ya. Oh, teka. wag kang magalit, Hahaha! sinasabi ko lang yung mga favorable outcomes. Totoo naman diba? Lahat ng bagay, may hangganan, di sa lahat ng oras eh, paulit-ulit lang yung mga nangyayari, Lahat ng tao, napapagod, ayoko lang na dumating yung araw na pati ikaw eh makaramdam na ng kapaguran. Kung nakakaranas ka mang mag hintay dahil nga reserba ka, eto words of wisdom ko para sa'yo. "Kung kayo, kayo." Hahaha! inspiring ba? Tandaan mo rin na walang masama sa pag hihintay, basta, siguraduhin mo munang may hinihintay ka pala.
Alam mo ba kung bakit si Juan tamad , nakapag hintay sa pag- bagsak ng prutas? kasi nga, alam n'ya na may hinihintay s'ya, alam nya na sa pag lipas ng panahon, babagsak rin yung prutas na matagal nyang hinintay. Tamad nga lang. imaginin mo kung naka nga-nga sya sa kawalan habang walang prutas na nakaabang? Eh baka Juan Tanga tawag sa kanya? Hihihihi :>
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete