Archive for July 2013

"Reserba"

Di ka ba nag tataka kung bakit di na u-ubos yung kanin sa Mang Inasal? Kung bakit pag-katapos i-raid yung mga nag titinda ng mga pirated dvd's eh, maya maya, may tinda nanaman sila? Kasi, may "reserba" sila. Siguro nga na dapat lang talaga sa  buhay, lagi kang may "Plan B", hindi sa pagiging futuristic, kung di sa pagiging handa. Ang malas lang ni "B" at laging si "A" ang inuuna pag dating sa pag pa-plano. Parati nalang back-up, abangers, pangalawa,  loser. Yan siguro yung nararamdaman ni plan "B". kung isasa-tao si "Plan A" at "Plan B", eh para bang si "B" yung laging naghihintay, Simula't sapul, ang unfair isipin na bakit lagi na lang kailangan may maghintay? Kung yung iba naman laging una -.- Sana lang hindi magsawa si Plan B. Pag nag-kataon, wala kang back-up. Hahaha! Ikaw, bilang tao, naranasan mo na bang maging reserba? kamusta naman? Haha! Walang masamang maging reserba, lagi mong tandaan na minsan, yung mga reserba pa yung bida, taga sagip. Halimbawa, sa pelikula. Wala kang makikitang unang putok ng baril na nakapatay. parating yung pangalawa. Minsan pa nga, pangatlo. Ganun din sa buhay. Kung sa tingin mo man, reserba ka lang. Chill lang. malay mo, May next big break ka? 

Sana nga lang na hindi ka habang buhay maging pangalawa, tulad nga ng sinabi ko, hindi masamang maging reserba, wag lang sosobra. Minsan dapat nag ha-hangad ka ding maging una, maging number one.  Alam ko rin naman na 'di sa lahat ng panahon, stable yung nararamdaman mo, yung taong nagpapasaya sa'yo ngayun, di ko alam bukas kung mapapasaya ka pa rin n'ya. Oh, teka. wag kang magalit, Hahaha! sinasabi ko lang yung mga favorable outcomes. Totoo naman diba? Lahat ng bagay, may hangganan, di sa lahat ng oras eh, paulit-ulit lang yung mga nangyayari, Lahat ng tao, napapagod, ayoko lang na dumating yung araw na pati   ikaw eh makaramdam na ng kapaguran. Kung nakakaranas ka mang mag hintay dahil nga reserba ka, eto words of wisdom ko para sa'yo. "Kung kayo, kayo." Hahaha! inspiring ba? Tandaan mo rin na walang masama sa pag hihintay, basta, siguraduhin mo munang may hinihintay ka pala. 

Alam mo ba kung bakit si  Juan tamad , nakapag hintay sa pag- bagsak ng prutas? kasi nga, alam n'ya na may hinihintay s'ya, alam nya na sa pag lipas ng panahon, babagsak rin yung prutas na matagal nyang hinintay. Tamad nga lang. imaginin mo kung naka nga-nga sya sa kawalan habang walang prutas na nakaabang? Eh baka Juan Tanga tawag sa kanya? Hihihihi :>
Sunday, July 28, 2013
Posted by Unknown

"Teknik"

Kung nabasa mo yung previous blog na "You,Nick!" eto naman "Teknik" Haha! may ma-rhyme lang. Pero srsly. May kinalaman yung previous blog dito. Dahil nga lahat tayo ay pinanganak na unique, dahilan lang din yun na lahat tayo, eh iba iba ang technique. Technique saan? Sa panliligaw. Oo nga siguro, wala talagang wrong moves. Depende na lang yun sa nag dadala Hahaha! Bakit nga ba nauso yang mga Damoves na yan? Syempre to impress. Eh ang tanong, na impress ba s'ya? Para saken, mas maganda pa rin na mag express "Damove to express not to impress" Hahahaha! Express mo yung sarili mo, yun naman talaga purpose ng panliligaw eh. Pero tandaan mo, hindi porke "Express" eh, expressway na, Di lahat ng bagay, instant, mas maganda pa rin pag pinag hirapan. Pero ano ba yung pamantayan ng mga Fail Damoves? Sa pag kaka-alam ko eh, wala naman ginawa na batas na nag didikta na "Failed Damoves" Sabi nga nila eh, "Kanya kanyang trip lang yan" Eto yung ilan sa mga alam ko na "Damoves".


1.) Agre type     - Super agressive, kulang na lang eh i-take home.

2.) Tulay type   - Sa una, sila yung  nag pupush sa iba para manligaw, pero sa huli, sila pala yung may trip kay girl.

3.) PDA type    - Sila yung nanliligaw sa harap ng napakaraming tao (With matching cartolina na may words na "I LOVE YOU!") . kulang na lang ipa televise nila.

4.) Survey type   - Sila yung nag sasagawa ng research at background check, inaalam kung swak ba sa panlasa.

5.) Friendzone-destroyer type - Sila yung makikipag friends muna, at sa bandang huli, aamin at gagawa ng mga romantic scenes.

6.) Sisterette type - Sila yung nag babakla baklaan, para makipag close at maka chansing.

7.) Alipin type - Sila yung nag papaalipin, kulang na lang eh, mag P.A.

8.) Financer type - Sila yung "Ubos pera". Lahat ng gusto ni girl pinag bibili. 

9.) Hopeless romantic - Sila yung magaganda sana baon na pick up lines kaso, Shunga mag deliver.

10.) Effort type - Todo kung mag effort. kulang na lang eh, doon na lang umikot yung buhay n'ya.

11.) Tanga type - Lahat ginawa, pero wala eh, tanga eh. haha!

Marami pang mga damove types na siguro pag i-nisa isa ko, eh, aabutin tayo ng ................... Basta matagal.
Eto tandaan mo. Wag kang mag si-sisi kung minsan mang pumalya yung damoves mo, tandaan "Damove to express not to impress" Tandaan mo rin na "Araw lang ang nagpapasikat" Hahaha! Pero eto sasabihin ko sa'yo, hindi sa lahat ng bagay, talunan ka, minsan din dadating yung panahon na maiiisip mo na sulit pala yung "Damoves" mo. Basta! Wag kang titigil! Malay mo bukas na pala lucky day mo? Oh? ayokong makakarining ng "A moment of silence for our brother in friendzone." ah? Hihihihi :>


Wednesday, July 24, 2013
Posted by Unknown

"You, Nick!"

Bago magsimula ang blog na 'to, basahin mo muna yung title.... Ngayong nabasa mo na, gets mo ba? Hahahaha!  kung hindi, bibigyan kita ng clue, eto:   Underwear ni Superman, Pormahan ni Supermario,  Hair spray ni Dora, Tawa ni spongebob, breed ni Scooby-doo, pwet ni catdog, hairstyle ni Jimmy Neutron, at ang kulay ni Nancy Binay (Hindi ako racist). Ano? siguro ngayon alam mo na title? Tama! Unique! Lahat tayo, scientifically eh, pinanganak na Unique, mula sa finger prints, iris patterns, foot prints, ugali at marami pa, pero bukod dito, marami rin tayong special na mga katangian. Speaking of special and unique,  Kelan ko lang napag isip-isip na iba pala ang "Special" sa "Unique" Ang pagiging espesyal ay isang katangian na kakaiba, ngunit makikita rin sa iba. Habang ang pagiging unique ay isang katangian na kakaiba at hindi matatagpuan sa iba, o kung matatagpuan man, ang ratio ay      1 : 100,000,000. Gets? Eto example, ang slow eh. Hahahaha!

Special =  Special talent ( Magaling kumanta, sumayaw, umarte). 
Unique =  Unique talent ability (  Naaabot ng dila ang ilong, nadidilaan ang siko, nakikita ang noo). Hahaha! Unique ba? Kung sa mga produkto, eh sila yung "limited edition".  Noong bata pa ako, akala ko unique rin ako, akala ko yung mga pinag-gagagawa ko dati, ako lang gumagawa at wala nang iba, yung tipong tatapat mo yung bunganga mo sa harap ng electric fan habang naandar, tapos kakanta with matching nginig boses, pupunta sa banyo pag uutusan ng magulang tapos mag bu-buhos ng mag bu-buhos ng tubig na wala namang binubuhusan para kunwari, busy, mag drawing ng mga pangalan sa ma-alikabok na bintana, putukin yung mga bubbles sa packaging ng bagong appliances, ipagpag at ihampas yung remote control pag ayaw lumipat ng channel, maglaro sa buhangin na binili ng kapitbahay na mag papagawa ng bahay, itapat yung braso sa kapapatay lang na T.V at tingnan ang mga balahibong tumataas. makikinig ng music at iniimagine ko, ako yung nasa MTV (habang nakatingin sa bintana),  Hahaha! ang babaw ba?  para akong ewan.

Gusto kong makakilala ng taong tanggap yung pagiging mababaw ko, yung taong makakasama ko sa California habang tinutupad ang long time dreams ko namin, turuan akong mag english para di ako masyado ma -OP. Hahaha!

Minsan, dumadating talaga yung mga panahong ma li-liwanagan ka sa mga bagay-bagay, yung akala mo dati, hindi pala, yung ineexpect mo, imposible pala, minsan ka mang umasa, okay lang yun, wala namang nawala, basta ang importante, kaya mong tanggapin yung mga katotohanan pagkatapos mong umasa. Hindi yung forever attached ka sa mga bagay-bagay na inasahan mo, eh kung hindi dumating? Ouches. minsan ka mang nakaramdam na "Unique" ka, pag patuloy mo lang. Kung totoo naman ? Edi ikaw na unique :P


Saturday, July 20, 2013
Posted by Unknown

"Si Thalia"

Naranasan mo na bang mag hanap sa isang bagay? Isang paghahanap na kahit ikaw, eh alam mong imposible?    Masakit sa pakiramdam na maghanap sa kawalan. Para bang naghahanap ka ng ginto sa gitna ng kalawakan. Ilang taon ako nag hanap at nag hintay kay Thalia, isang babaeng lagi kong kasama simula pa noong 13 years old ako, napaka puti nya at ibang-iba kumpara sa iba. Nakatira s'ya sa lola ko sa probinsya namin. Kahit nakatira s'ya sa lola ko, hindi ko sya ka-anu-ano. Nag kakilala kami noong minsa'y pumunta ako sa lola ko, pinakilala s'ya sa akin at ang sabi eh maging mabait daw ako sa kanya. Noong una eh medyo nag kakahiyaan pa kami, pakiramdaman pa kung sino yung unang titingin, kahit hindi nya sinabi sakin eh, ramdam na ramdam ko yun. Dahil nga bakasyon yun at almost 3 months kami magkakasama, eh ako na ang unang lumapit at nakipag kaibigan. Laking gulat ko, dahil una pa lang eh nag kasundo na agad kami. Sobrang sweet n'ya saken, napaka bait nya at lagi nya kong pinapatawa. Dumating yung panahon na halos mag hapon kaming magkasama, naging sobrang close dahil miski sa pagtulog eh s'ya parin ang katabi ko.


Dumaan ang ilang araw eh lalo s'yang naging sweet sakin, sabay kaming nanonod ng TV, kumain, pumunta sa parke para mamasyal at sabay rin kaming matulog hanggang sa gumising. Dumating pa nga yung panahon na natatakot ako, malapit na kasing matapos ang summer vacation, alam ko kasi na sa pasukan eh babalik na kami ng Maynila para ipag patuloy yung pag aaral ko. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi kami habang panahon na magkakasama, nalungkot pa rin ako. mamimiss ko yung mga sandaling lagi kaming magkasama. Kung pwede ko lang s'yang dalin sa Maynila, eh ginawa ko na. Tatlong araw bago ang pasukan, kinausap ko si Thalia para mag paalam, ang bigat sa pakiramdam ko dahil alam kong matatagalan na ulit bago kami magkita, nag pasalamat ako sa kanya dahil naging napaka saya ng bakasyon ko. "Mamimiss ko yung pag punta natin sa parke :( " Sabi ko sa kanya. Hindi kumibo si Thalia at para bang walang pakialam, pero nababasa ko sa mga mata n'ya na nalulungkot rin s'ya. 


Kinabukasan nun, eh nagpa-alam na ko kay Thalia para umuwi, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko na ulit nakita si Thalia, kagabi  na pala yung huling pag kikita namen :( Nakaka guilty lang dahil kinailangan ko s'yang iwanan, hindi ko man gustuhin, wala akong magagawa. Sobrang bigat sa pakiramdam at para bang ang hirap huminga, Di nagtagal, umalis na kami papuntang Maynila. Buong taon ko hinintay mag bakasyon para magkita ulit kami, pero sa kasamaang palad, mula pala noong umuwi ako, hindi na daw bumalik si Thalia. taon taon akong nag hintay, hanggang sa mabalitaan ko na pumanaw na pala siya :((( Wala akong magawa kung di sariwain yung mga panahong mag kasama pa kami.


Miss na miss na kita Thalia, kung alam mo lang kung gano kabigat pakiramdam ko nung nabalitaan kong pumanaw ka :( Pero wala akong ma-gagawa. Siguro na mas masaya ka sa bago mong amo. Siguro, cat food na yung pinapakain nya sayo at hindi na leftovers :( Pero kahit ganun salamat munting alaga! hinding hindi kita malilimutan. Kung nag tataka ka kung bakit Thalia ang pinangalan ng Lola ko sa kanya, eh dahil yun sa palabas na Marimar, ang bida, eh sino pa ba? edi si Thalia. Hahahaha!

"Minsan, kailangan nating maghanap, hindi para mahanap yung nawawala, kung 'di para malaman ng nawawala na importante pala s'ya" 







Friday, July 12, 2013
Posted by Unknown

"Fides in homine"

"Fides in homine" sa salitang Latin, "Faith in humanity" sa Ingles. Salamat sa Google translate    at nagkaroon ng professional title ang blog na to. Hahaha! Iba man ang spelling ng "Fides in Homine sa Faith in Humanity", eh sigurado ako na isa lang ang ibig sabihin n'yan. Ayon sa bibliya, eh tayong lahat ay pantay-pantay na ginawa ng Diyos, mapa babae man o mapa-lalaki. Ayon naman kay Charles Darwin,  tayo ay nagmula sa unggoy, nasayo na yan kung saan ka ba maniniwala. sa pantay-pantay na pag gawa? o sa teyoryang nagmula ka pala sa angkan ng mga unggoy? Choose wisely! Hahaha! Kahit anong paniniwala mo, eh wala na kong magagawa. Scientifically at technically, hindi pantay ang pag gawa sa lalaki at babae. Ginawa ang mga lalaki na mas malakas, ngunit mas maikli ang buhay, meron silang isang ritwal bago ang pag bibinata na tinatawag na "Tuli" o mas kilala sa tawag na "Goodbye manoy". Sa kabilang banda, ginawa ang mga babae na mas kritikal mag isip at mas mahaba ang buhay. Meron rin silang ritwal buwan buwan na kilala sa pa-islang na tawag  na "Period", maraming nag sasabi eh napakahirap daw, (Malay ko). Dahilan kung bakit medyo masusunget sila depende sa schedule. Bukod dito eh nag-dudusa rin sila tuwing na-nganganak. Unfair ba? Hahaha!

Siguro eh, sapat nang dahilan ang pag dadala ni misis ng batang binuo ni mister, Imaginine mo, siyam na buwan siyang mag papakahirap? Eh kung taon taon manganak? hahaha ! INGAAT!( John Loyd's  endorsement ). Ang gusto ko lang palabasin, eh kalabisan na ata kung hindi natin susukliang mga lalaki ang pag hihirap ng mga babae. Sa simpleng pag papa-upo pag puno na ang bus, jeep, o iba pang sasakyang pang publiko. Eh sa tingin ko, maituturing na  yun na "Faith in humanity". Hindi naman masamang mag sakripisyo, isipin mo na lang eh, minsan ka lang mangalay, eh sila? buwan buwang nag dudusa sa pagiging babae nila. Haha! Diba? makakaganti ka rin!  (Mean Laugh). Sa panahon ngayon, hindi na talaga uso ang gender equality, may mga babaeng nagtatrabaho na panglalaki para lang may makain ang pamilya, eh nasan yung mister nun? Nakikipag iinuman? (-.-)


 Minsan, eh naransan ko na rin mag offer ng upuan sa mas nangangailangang umupo, saan?  Sa bus. Isang gabi habang pauwi galing school, (pagod na pagod, antok na antok at pawis na pawis) eh may nakita akong dalaginding malapit sa pintuan ng bus, wala man lang nag alok ng upuan, miski isa,  samantalang ang daming mga lalaki. Nagtaka ako at napatanong sa sarili na " Bakit walang nagpapaupo dun?" Ilang beses kong pinag isipan kung bibida ba ako. Dumaan ang maraming minuto at kinalabit ko s'ya sa likod sabay sabi "Miss, upo na po kayo" Laking gulat ko pag harap niya. Hindi pala s'ya babae :| Tama. GAAAAAY! Nagulat talaga ako at may naririnig na tawanan, dahil andun na, eh pinanindigan ko na, pinaupo ko pa rin s'ya. Pag baba n'ya eh, labis ang pasasalamat n'ya sakin. Hindi ko man inexpect, medyo okay rin pala. Nakakagaan sa pakiramdam na kahit hindi s'ya babae at umaani ng mga batikos mula sa mundong nakapaligid, sa simpleng pag papa-upo ko sa kanya, kahit papaano, naramdaman nya ang kahalagahan n'ya sa mundong ginagalawan ng mga mapang matang tao.

Yung babaeng nasa  baby seat ng tricycle, paupuin mo na. Cute man s'yang tingnan don, mas cute s'yang tingnan kung komportable. Sigurado ako na hindi n'ya ginustong umupo sa baby seat. LOL  Haha! Minsan  ka lang maging lalaki, sulitin mo na. Malay mo bukas, hindi na pala ? >:)













Wednesday, July 10, 2013
Posted by Unknown

"Superpowers"

Booom! Tgshhhink! Wapak! Dzzzzzzt! Ilan lang yan sa mga sound effects na ginagawa ko noong bata pa 'ko. Hahaha! Tulad ng maraming bata, nangarap rin akong makalipad at maging superhero, isang superhero na hinahangaan ng mga tao,   magpalabas ng kung anu anong elemento sa kamay at controlin ang utak ng iba. Akala ko dati, meron akong hidden powers na ma re-reveal lang pag nasa kapahamakan na ko. Weird mang pakinggan pero nagsagawa ako ng mga secret training, tuwing napapanood ko ang flame of recca eh ginagaya ko yung mga signs nya na dino-drawing sa hangin, kala ko kasi eh may lalabas din na dragon, sa sobrang pag iidolo ko nga eh pati yung puti na nilalagyan ng apple, sinuot ko sa braso ko, (Meron rin kasi s'yang ganun, kaso hindi ata yun sa apple). Wala yatang bata na hindi ginustong mag karoon ng superpowers, siguro nga natural lang na mangarap, na kahit sa murang edad, minsan rin tayong umasa sa mga bagay-bagay na akala natin eh, pwedeng mangyari.


Kung noong bata eh gusto kong maging superhero para makatulong, ngayun ko napag isip isip na ang corny ko pala nun. Ang hirap palang tumulong sa kapwa lalo na kung yung sarili mo eh, hindi mo matulungan. Imagine, 7:30am - 9:30pm schedule mo sa klase na may masungit na professor, tapos uuwi ka ng pagod na pagod at antok, tapos biglang may mangangailangan ng tulong. Syempre, dahil superhero ka, tutulungan mo, Hassle. Hahaha! kaya nga ba ayoko nang maging superhero eh :/ kaya ko lang sinabi yan noon eh akala ko kasi cool, kala ko astig. Hindi pala sa lahat ng panahon eh mananatili yung mga pangarap mo, minsan dumadating yung mga panahon na mas pipiliin mong matulog kaysa mag palabas ng mga elemento sa kamay. mas pipillin mong mag commute kaysa lumipad sa mausok na daanan. Yung inaakala kong "Cool" dati eh parang hindi naman pala. Imagine na nag papalabas ka nga ng apoy sa kamay, sigurado ako, sa peryahan bagsak mo at may pangalan  na "Boy apoy". Kung dati eh pangarap kong magpalabas ng dragon, eh siguro kung ngayun ako magpapalabas ng dragon, ma ka-kasuhan pa ko ng wildlife act ng PETA. Pangarap ko rin dati na maging invisible, kung ngayun ako naging invisible eh mapag bibintangan pa kong mang bo-boso. Sakit isipin na yung ultimate dreams ko dati, isa na lang katatawanan ngayon. Nung bata ako eh akala ko talaga may potensyal akong maging superhero. Nalulungkot ako pag naalala ko yung mga araw na nilalaan ko para lang sa secret training :( Hahaha!

Kung ibabalik ko man yung panahon, hinding hindi ako mag sisisi na minsan kong pinangarap na maging superhero, magkaroon ng powers at makatulong sa mga tao. Noong bata ako, akala ko madadaan sa determinasyon lahat ng bagay, akala ko porke nag laan ka ng effort eh, mag kaka roon ka nga ng super powers. Akala ko na sapat nang maniwala sa kakayahan mo, hindi pala, kailangan mo pala munang tuklasin kung kaya mo ba talaga o hindi. Posible ba o imposible. Pwede ba o bawal. Kailangan mong alamin at detalyehin kung posible mo ba talaga makuha yung bagay na gusto mo bago ka mag effort. Basta tandaan mo lang lagi, minsan ka mang nag mukang ewan sa pangarap mo, wag kang susuko, malay mo, may secret powers ka pala? 



Friday, July 5, 2013
Posted by Unknown

"Bitterness 101"

Naranasan mo na bang mabigo? Isang pagkabigo na pag naaalala mo eh, para bang paulit-ulit paring nangyayari? Pagkabigo na nagpabago ng pananaw mo sa buhay? Pag oo, congratulations! Bitter ka! Kung nagiguilty ka, wag kang mag alala, normal lang yan, tandaan mo na lang na "Medicines are bitter, but it help us to feel better" tulad ng pag inom ng gamot, mahirap mang lunukin dahil mapait (Except Propan TLC), eh giginhawa naman pakiramdam mo pag na-lunok mo na. Bakit nga ba may bitterness? Sa chemistry, technically, wala palang kemikal na mapait, kaya pala may mapait eh walang glucose  (Sweetness) na humahalo sa Acid. Tama! Ang kapaitan ay nabubuo pag inextract ang matamis sa acid, sa kabilang banda, ang asim ay nabubuo pag pinagsama ang acid at tamis. Oh diba? Educational blog hahaha! Same concept rin sa tao, pag hindi na s'ya sweet sayo eh bitter ka na rin hahaha! Kung pag uusapan naman ang sosyolohiya, malalim at komplikado yung definition nyan.


Ikaw, bitter ka ba? Naranasan mo na bang mag effort ng todo todo para sa taong tinitibok ng puso mo? yung tipong ikaw gagawa ng project nya, makatulog lang sya ng maaga, malagas yung pera mo na dapat eh pang bili mo ng bagay para sa sarili mo? Yung tipong uuwi ka ng 10pm kakahintay sa kanya, tapos umuwi na pala? Halos mag away na kayo ng magulang mo dahil sa kanya? Gumawa ng mga bagay na hindi nya naman naapreciate kahit kelan? Tinalikuran mo na ba ang kaibigan mo dahil sa kanya? Ano naranasan mo na lahat yan? Pag oo, wag kang malungkot, parehas lang tayo :) Totoo nga na napakasakit isipin na nagawa ko pala lahat yan? Hahaha! Engot ba? Pero Srsly. Hindi ko man lang nagawang magalit, saka matagal na yan, sabi nga nila, laging may rainbow pag katapos umulan. Sa nakikita ko ngayon eh tapos na kong dumaan sa ulanan, parating na ang rainbooooow hahaha! 


Karamihan ng mapapait ay masustansya, pero syempre, hindi lahat. The best pa ren ang Propan TLC, that nourishment <3 Hahahaha! Kalimutan ang nakaraan at mahalin ang kasalukuyan. Wag tayong mabuhay ng patalikod, kaya nasa harap ang mata eh para daw nakatingin ka sa harap, Srsly. Kaya wag ka nang magmukmok, eh ano kung ika'y mahuhulog? Kaya mo yan! RAAAKK NAAA ITUU!
Thursday, July 4, 2013
Posted by Unknown

"Sino si Pobesa?"

Ang daming nagtatanong sa'ken kung sino ba daw si
Pobesa? Si Pobesa ay hindi isang tao. Sila ay binubuo ng tatlong tao, si Po, si Be, at si Sa. kung nagtatanong ka pa ren kung sino si Po,Be at Sa, Sila yung authors ng blogsite na 'to, check mo, andyan sa dropdown menu mga facebook accounts namin :) Bilang  isa sa Pobesa, masasabi kong, sobrang kilala namin yung isa't isa, haha! classmate since grade 1 eh. Andami na naming mga pinagdaanang pagsubok, kopyahan, utangan, tulungan pag may gustong babae, mag Gym sa gym na improvised lang namen, mag inuman pero walang lasingan, mag jamming, mag foodtrip, basta lahat na ata ng weirdong bagay. Para ko nang kapatid yang mga yan. Di ko alam, parang mag kaka konekta mga utak namin, tingin pa lang, alam na. Eto yung picture namen bago mag college:

Gwapings ba? Hahaha! yung nasa kaliwa, si John Gesem Velayo, Isang Business student at aspiring varsity player. Ako yung nasa gitna, isang Information technology student, amateur graphic editor at dating drummer sa bandang Burugid. Yung nasa kanan, si Karl Angelo Tee, Isang marine student, bass guitarist sa bandang Burugid. at freelance model. Sa kanila ko nalaman ang tunay na kahulugan ng kapatiran. Hindi kailangan gumamit ng rahas, at mag hazing para lang makakuha ng maraming benepisyo. Mauutangan mo yan hahaha! Loljk. Iba na talaga pag kilala nyo yung isat isa. 0% plasticity rate. Eh since grade 1 hanggang 4th year classmates eh, ano po? Hahaha!


Ano ang ibig sabihin ng PO-BE-SA? Secreet na yun hahaha! Basta mahalaga, kilala mo na si Pobesa,  lahat ng blog dito, true to life yan, based sa buhay ni Po,Be at Sa. Kung may salitang Most bestest friends, marahil, sila na yun. Sige, dahil kilala mo na sila, Hanggang sa muli, ano po? :)
Wednesday, July 3, 2013
Posted by Unknown

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -