Archive for 2014

"Diko"

Sa wakas, nakahanap din ng time para makapag blog, Oo namiss ko to. Dati rati, eto yung pinaka diary ko, Pero dahil nga busy, medyo napabayaan ko na to. Pero ayun, naniniwala ako na di pa huli ang lahat. Oh sya, tama na ang intro, halina't mag pakasaya. Hihihi :>

Tanghali ngayon, mainit init at eto ako ngayon, himala't hindi pawis. Hahaha! Pero ikaw, alam mo ba't "Diko" ang title netong blog nato? ano????   Seeeeereeeet agaad?------ Diko as in  "Hindi Ko". Bakit?? Hindi ko alam. Hahaha! pero srlsy. Nitong mga nagdaan panahon. napakaraming nangyari, na kahit ako, di ko kayang i-explain. Di ko inexpect na kaya ko pala. Maraming nagulat at natuwa, meron ren naman nainis at nabadtrip (Ganun talaga, iba iba taste ng bawat isa.) Mag simula tayo sa simula. 

Una, Ako kase yung taong coffee hater. Oo, di ako mahilig sa kape kasi malimit ako mapaso at mapait ako mag timpla. Pero diko inexpect na magugustuhan ko pala yang kape na yan. Haaaay nako kape. Iba talaga nagawa mo sakin. Hahaha! Mababaw na kung mababaw, Pero trip ko kasi yung kape na sakto ang tamis, ang pait at maraming creamer, tapos dadalin pa ng maganda at sexy na babae. HEAVEN <3 Tignan mo yung picture ng blog na to. HAHAHAHA! Yan ichura ko nung nakatikim ako ng perfect coffee. Kilig to the bones ika nga.  Siguro nga na marami nagsisimula sa kape. Sa kape, pwede kang mangarap, na sa pag lipas ng panahon, eh pwede pala kayong magkatuluyan at maging masaya. HAHAHAHAHAHA! Diba ang galing ng kape. Pero, isa lang sasabihin ko sayo.
"The best ang natikman kong kape". Di naman sa iniinggit kita. Pero wala eh. kawawa ka naman :( HAHAHAHA! Oy ha, tropa tayo. Hihihi :>


"Moral of the story: Walang tatalo sa kape na natikman ko <3 kaya kung ako sayo, maiinggit ka na lang"
Oy ha joke lang. tropa tayo :(((

"Real moral of the story:   "Wag kang matakot na mag take risk, Oo, pwede ako mapaso sa kape, pero nag take risk ako, kasi naniniwala ako, na yung kape na yun ang magpapasaya saken."

Kung takot ako mapaso? Edi di ko natikman yung best coffee ever?
 Oh ano? Does it makes sense?? HIHI :">
Sunday, November 23, 2014
Posted by Unknown

BITTER = BETTER

Lahat naman siguro tayo nakaranas at dumadanas neto : "BITTERNESS" . at kung di ka pa nakakaranas nyan, don’t worry, because one way or the other, mararanasan mo din yan, wag excited . at pag dumaan ka na sa ‘AMPALAYA MODE’, matuwa ka at nakumpleto na ang pagiging tao mo . HAHA! pero bago ang lahat, i-define muna natin ang tunay na diwa ng salitang bitterness . self-explanatory . pagbasa mo pa lang alam mo na agad . wag na kayong magkunwari na di nyo gets . hindi ako natutuwa, nakakabad trip . sharaught lang . hehe! anw, eto ang natutunan ko sa buhay: ang pagiging bitter ay hindi lang magsyota ang pwedeng makadama . pwede rin ng magkaibigan, magkatropa, at kung anu-ano pa . at mas matindi pala, mas masakit, mas ouch, pag sa kaibigan mo ikaw nabi-bitter . kung bakit ? wala lang, theory ko lang . haha .

 okay, balik sa topic, pano mo nga ba malalaman kung BITTER ang isang tao ? marami ang signs para malaman mo kung  naka-activate ba ang ampalaya mode ng isang tao o kahit ikaw mismo, narito ang ilan :


 Scenario:

Person 1:   tol, ang saya ni *insert name of ex-boyfriend, ex-bestfriend, ex-friend, etc.* oh .
Person 2:   eh ano naman ?? masaya din naman ako ah . kala mo dyan . PAUTANG LIMA KA ! SHEET OF PAPER ! SINO BA TALAGANG KAIBIGAN MO ?! I-UNFRIEND KITA SA FB MAKITA MO !!! KWAGO !!! WAG KA NA MAGPAKITA SAKIN UNGAS !!!
Person 1: ang sabi ko lang naman masaya sya, di ko naman sinabing magpakamatay ka, makareact ka naman T.T . (HAHAHA)

  yan ang first example .bitter na kung bitter . di mo man ipahalata, no need kasi halatang halata na.

 Silent mode. walang kung ano pa man . pag kinausap mo, sasagutin ka ng ngiti, o kung mas siniswerte ka, titingnan ka lang nya na parang pasan nya ang buong mundo . BAWAL I-SHARE .

Nakikinig sa senti songs . eto yung kaibigan mong naka-headset with matching tingin sa labas ng bintana . pwede nang pangmusic video ng “One Last Cry ” . my shattered dreams and broken hearts ~

Galit sa mga nag p-pda

Scenario:
nakakita sya ng magsyota sa jeep . nakaakbay si boy kay girl .

“Makapulupot naman ng kamay to kala mo mawawala . FYI, hindi maleta yang syota mo . tas eto namang babae, kilig na kilig sa pangmamanyak ng boypren nya ! kaya ipinapasa ang rh bill eh ! pustahan tayo, isa yan sa mga greatest contributors sa biglaang BOOM ! ng populasyon ng pilipinas !”

 Martyr mode . kung merong silent mode, meron din neto . eto yung mga naglilitanya ng ganto : ‘okay lang ako, ang importante masaya sya .’, ‘masaya na kong makita syang masaya.’, and such . oh diba ? okay lang daw, pero kulang nalang magkakalyo na yung mata sa sobrang kakaiyak . inialay ang sariling kaligayahan para sa iba . pwede nang isama sa Filipino martyrs .

 Shunga mode . eto yung ipnamukha na sayo lahat lahat, na ayaw nya sayo, sige ka pa din . iniisip mo na lang na kapag di ka nya nirereplyan, wala syang load, tas loloadan mo, di ka pa din tinext, baka lowbat, mi-missedcall-an mo, nagring, baka nakasilent . yung totoo lang ? kfine,  di sige, go lang ng go . eto lang ang tandaan mo : dapat laging mutual ang feelings . kung ayaw nya sayo,ayawan mo din sya ! hindi yung pinagtatabuyan ka na nga, magmamakaawa ka pa, kulang na lang halikan mo yung mga paa nya . hindi sya dyos . kung pinapaalis ka nya sa buhay nya, umalis ka  nawalan ka ng taong walang pakialam sayo . hindi ka lugi.

Okay lang ako . eto naman yung mga tao na ipapakita sayo na okay lang talaga sya . yung tipong tumatawa pa din . nakikipagbiruan . nangaasar pa din . walang pinagbago . at parang mas masaya pa sya, mga ganung tipo . pero deep inside, nasasaktan na sya .Sobra . mahirap kasing magpanggap na okay ka lang kung hindi naman talaga . Pero, magingat pa rin sa mga taong ganto . suggestion lang, kung inlove na inlove ka at di mo mapigilang ikwento ang lovelife mo, iwasan, Take note: Iwasan mong sa taong ito mag kwento . kase baka dun mo marealize na ang nailcutter ay pwede rin gamiting deadly weapon .


marami pang iba’t ibang klase ng pagiging bitter . pero tandaan mo : walang masama kung bitter ko man . okay lang yun . patunay yun na nagmahal ka, nagtiwala,nagexpect but sadly, nasaktan . pero that’s life . that’s part of growing up . at kapag naging bitter ka, dalawa lang ang option na gagawin mo sa next step, it’s either, ipu-push mo pa rin ang nasirang kung ano man sa inyo, relationship, friendship, and the like OR mag move on ka na lang . pano ba malalaman kung dapat ka ng magmove on o hindi ? ang makakasagot nyan ay ikaw lang din mismo . hanggang kelan mo ba kayang magtiis ? paulet ulet na yung nangyayari pero kumakapit ka pa din, hoping na magbabago ang treatment nya sayo, kung gusto mo lang ituloy, okay lang naman . ikaw naman ang makakadama nang resulta nun, either magbabago na nga sya, o masasaktan ka lang ulet . pero sabi nga sa isang quotation na nabasa ko, “If that person brings more hurt than happiness in your life, it’s time for you to show him/her the door where he/she can exit.” mahirap magmove on, pero achievement pag nagawa mo . wag mo hayaang sa kanya lang umikot ang buhay mo . iintayin mo pa ba ang ‘AMPALAYA’ ? AMPALAYA-SIN KA ? pero wag na wag ka ding magmu-move on nang dahil lang sa kanya . dahil sa gusto mo lang ipamukha sa kanya na kaya mong mabuhay ng wala sya, at para ma-realize nya na kawalan ka sa buhay nya . tas pag di nya narealize, nganga ka na lang? eh hindi sya affected, big t na friend ? nagmukha ka lang hunghang . magbago ka para sa sarili mo . hindi para sa ibang tao . tandaan mo , marami pang pwedeng magmahal sayo, kung hindi ka man nya ma-appreciate, okay lang, be happy . you deserved someone better . basta ang importante, YOU’VE BEEN BITTER TO BE BETTER J.



“The truth is, I’m not mad at you, I’m just hurt; and the fact that every time your name pops up on my phone or computer, my heart sinks a little bit deeper. You don’t realize what you made me go through; but I can guarantee you’re not doing it again. Thanks for teaching me how much it hurts to know that you just simply don’t care and how it feels to be taken for granted, I learned a lot.”







Monday, February 10, 2014
Posted by Unknown

Manloloko




12:34 na ng umaga. nasa higaan na ko. nakakumot. malamig. ang gagawin ng normal na tao? matutulog. ang ginagawa ko? nagba-blog. bakit? dahil maganda ako. but besides that, may isa pang dahilan: dahil di ako makatulog. kung bakit ulet? dapat isisi sa kapatid ko. kung bakit NA NAMAN? ganto lang naman ang nangyari. maga-alasdose pa lang kanina, naghahanap ako ng headset sa bag nya para makinig ng mga kanta ni TAYLOR SWIFT. don’t get me wrong, hindi ko masyadong trip yung mga kanta nya, syempre mas gusto ko pa rin si kelly at demi, pero no choice, NAPAGKAISAHAN AKO. pagbukas ko ng laptop bumungad sakin ang mga kanta nya. NAISAHAN AKO AT DI AKO NATUWA. pero maganda yung “The Lucky One”.  anw, back to the topic, so yun nga naghahanap ako ng headset sa bag nya, tas may nakita akong manika na nakangiti pero nakakatakot pa rin. alam nyo yung ganun? parang yung manika na nagsasalita ng “HI. I’M CHUCKIE. WANNA PLAY?” yown, yung ganern. nakakatakot diba?  HAHA! Tas nung ginising ko sya tas tinanong ko kung san nya ninakaw si chuckie, ang sabi ba naman sa akin, “WAG MO SYANG PAKIALAMAN, KAIBIGAN KO YAN.” oh diba?? ang saya lang. anyway norway, di naman ako nagsulat dito para ikwento kung pano ko uubusin ang gabi ko sa pagpapak ng bear brand ng pusa namin dahil nga di ako makatulog, nag tatype ako dahil pinilit akong magblog. haha. deh joke, kahit totoo.  ay wait, first time ko pala magblog dito so, *tentenenen* I WANT TO WELCOME MYSELF. WELCOME xD.

kung nababasa nyo naman yung title, hindi naman autobiography ko ang isusulat ko, pasensya na sa sobrang habang kaartehan sa taas. tungkol kanino? EWAN. naisipan ko lang to isulat dahil na-inspire ako sa katext ko. wala eh. dejk, para to sa mga taong manloloko, naloko, niloloko, patuloy na nagpapaloko, at sa mga lolokohin pa lang. for sure isa ka sa mga yan.

ano nga ba ang PANLOLOKO? ang panloloko ay isang uri ng kawalanghiyaan. THE END. totoo naman diba? kahit ano pa ang dahilan, walang karapatan ang isang tao na manloko. nakakabadtrip lang talaga yung mga tao na sila na yung nagkamali, pilit pang ipapasa sayo yung sisi. ang KAPAL LANG NG MUKHA. LEVEL 99. at kung akala nyo nakakagwapo ang manloko, let me tell you this, sa bawat panlolokong ginagawa ng isang tao, pababa ng pababa ang dignidad nya at hindi yun nakakatuwa. mga manLOWloko. kaya para sa lahat ng uri ng taong nakakabasa neto, may gusto akong sabihin sa inyo.

SA MGA MANLOLOKO:
maraming uri ng mga manloloko eh, nakaka-classify sila into three groups, yung una ay:
MGA GWAPO AT MAGAGANDANG MANLOLOKO
hindi porket may itsura ka ay may karapatan ka nang gawin ang kahit anung gusto mo, dahil tandaan, daig ng maagap ang masipag. anung konek? sabi nga ni mam, SEARCH GOOGLE.
MGA PANGET NA MANLOLOKO
panget ka na nga, panget ka pa ulet? wag ganun oy. sabi nga kung di madaan sa mukha, daanin sa ugali.
MGA NAGMAMAGANDANG MANLOLOKO
eto yung may mga lines pa bago ka iwan. HALIMBAWA: “It’s not you, it’s me.”, “If we are really meant to be, DESTINY will find its way.” arte much lang, ang dami pang sinabi, nagmamaganda pa, eh mukha namang biniro yung mukha. utut nyo.

SA MGA NALOKO, NILOLOKO AT SA MGA PATULOY NA NAGPAPALOKO:
eto lang ang masasabi ko sa inyo, LIVE YOUR LIFE. alam ko na yang mga iniisip ng mga naloko eh. ang daming what ifs. what if balikan ka nya, what if mas mahal ka nya, and the long list of WHAT IFS never ends. tama diba? masyadong masokista. nasaktan na nga ng iba, gusto pa ulit saktan yung sarili nya. let me tell you this, for once, isipin mo naman yung sarili mo, hindi sya, yung kapakanan mo, hindi yung kanya. you deserve every right to be happy. wag mong hadlangan ang sarili mong kaligayahan. there’s more to life than that person. nasaktan ka? okay lang yan. naloko ka? normal lang yan. iniwan ka? keri lang yan. wala eh, things happen, people leave, and the world doesn’t stop for anybody. oo, naging tanga ka, pero yung katangahan mo ngayon, alaala na lang yan bukas. at i-goal mo na wag na ulit maging tanga. NOT ANYMORE AND NEVER AGAIN. 

SA MGA MALOLOKO:
chill lang, wag atat. maloloko ka din. at pag dumating ang time na yun, wag mong panghinayangan ang taong yun. oo, manghihinayang ka sa simula, pero MAS MABUTI PANG MANGHINAYANG KESA MAGSAYANG. kung ayaw nya sayo, eh di sige, who cares? kahit sino pang tao yan, kahit si Enrique Gil pa yan, kahit si Daniel Padilla pa, o kahit si P-Noy pa, o kahit si Obama pa, SWERTE PA DIN SILA KAPAG IKAW ANG NAGMAHAL. di sila kawalan at di mo yun kawalan. BE RESERVED FOR SOMEONE YOU TRULY DESERVE. at ang feeling na maloko ay parang nung feeling mo lang nung first time ka makakuha ng singko . sa una lang masakit . after nun, pag may nanloko pa sayo, wala na lang, sanay na . wahaha .

oh well papel, inaantok na ko, ayoko nang magtype, haha, sori sa medyo mahabang blog/diary. haha. keep on smiling, not for anyone, but for yourself.




Tuesday, January 28, 2014
Posted by Unknown

Popular Post

Pobesa. Powered by Blogger.

- Copyright © Ang buhay ni pobesa -GON- Powered by Gon Productions - Designed by Johnperricruz -