Archive for August 2013
"Badass couples"
Naisip mo na ba kung sino yung trip mong kasama haggang sa pag tanda? Yung taong magiging kasama mo sa hirap at sarap ginhawa? Minsan, pag nakakakita ako ng mga old couples eh, natutuwa talaga ako, para kasing sinubok at napag tagumapayan na nila yung mga pagsubok ni tadhana. Para sa'kin, di bagay na term ang "Old couple" sa mga matatandang mag ka partner. Mas pipiliin ko ang term na "Badass couple" Haha! Kung ihahalintulad sa Daga, eh sila yung mga Hubero, o yung mga daga na nakikita sa kanal at wala nang balahibo sa may bandang pwet, putol ang buntot, at puro peklat sa buong katawan, at sa maniwala ka't sa hindi, nakikipag sakmalan yan sa pusa. Oh diba, ang BADASS! Hahaha!
Sabi nga nung eleksyon, Hindi nagkataon na may "Pili" na nakapaloob sa salitang Pilipinas. Kung sa eleksyon nga , eh nag desisyon ka ng 2x kung sino ba yung iboboto mo, eh tingin ko, dapat sa pag pili ng makakasama, di ka lang dapat 2x mag isip. Isipin mo, unang-una, habang buhay mong makakasama yan. Gigising ka sa umaga, s'ya yung unang-unang makikita mo, matutulog ka naman sa gabi, s'ya parin katabi mo, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, gustuhin mo man o hindi, s'ya at s'ya parin yung una't huling makikita mo sa buong araw. Naiimagine mo ba kung yung pinaka kinaiinisan mong tao, eh s'ya yung magiging ka "Badass couple mo"? Haha! ANG SAYA DIBA?!
Alam mo kung ano yung pinaka nakakabilib sa mga "Badass couple"? ano pa ba? edi yung solido at totoong pagmamahal nila sa isa't isa. Kahit hindi na naaakit si lolo kay lola sa tuwing nakabikini, kahit sing purol na ng lapis na nginat-ngat yung panrinig nila, kahit sinlabo na ng baha yung paningin nila sa dahil sa kapal ng katarata, kahit di na nag rerespond yung sandata ni lolo kay lola, kahit puti na o wala na silang buhok, sa tagal ng pinagsamahan nila, mahal na mahal pa rin nila yung isa't isa. Kung dati, babaero si lolo at ang laging pinag aawayan nila ni lola eh third party, eh kung ngayun nambabae si lolo, tingin ko,bukod sa matutuwa si lola, eh sigurado akong, malalaos si Mang kanor. Boy, that escalated quickly! Hahaha!
"Ang pag tanda ay isang proseso ng kamatayan. "
"Ang pag tanda ay isang proseso at nagsisilbing preparasyon tungo sa paglalakbay papunta sa habang buhay na kasiyahan."
"Ala-ala ng kahapon"
Kahapon, nung isang araw, nung isang buwan, nung isang taon. Isang pang-yayari na mahirap tanggapin at kalimutan. Isang pang yayari na bumago sa pananaw mo sa buhay. Nakaranas ka na ba ng kamalian na para bang araw araw kang sinisingil at sinusundan? Yung tipong kahit sa pagtulog eh ayaw kang patahimikin? Lol baka utang yan hahaha! Alam ko na lahat tayo ay may masamang nakaraan, yung tipong hangga't ma-aari eh, sigurado akong ayaw mo nang balik-balikan. Eto sasabihin ko sa'yo, wag kang matakot sa nakaraan, tandaan mo, wala mang time machine, eh meron ka namang freewill na aayos sa palpak mong mga nagawa. Wala ka mang gadgets ni Doraemon, eh meron ka namang desisyon na magagamit mo sa tuwing nag -aalangan ka. Think twice nga lang. Lahat naman ng tao may dark-side, hindi ako maniniwala kung sasabihin mong wala kang dark side. Simpleng logic lang yan:
If all human being have a dark side;
And you' re human ;
Then, you have a dark side;
Else, you're not a human;
else if, you pretend.
Kahit ano pang nakaraan mo, bumagsak ka man sa school, niloko ng jowa, nahuli ng tatay na nag susukat ng bra ( Jr. ka pa naman ), nag drugs at na rehab ng paulit-ulit, san dosena anak sa pag kadalaga, nahuli ng nanay na nag po-porn, lumunok ng bato, nag pakulam, basta kahit ano pa yan, dadating at dadating yung taong kayang kaya kang tanggapin kasama ng mga nakaraan mo. Sabi nga nila "Di mo kailangan mag panggap" ang sarap kaya sa feeling na tanggap nya lahat ng negative sides mo, yung tipong sasamahan ka pa nya. HAHAHA! minsan ka lang makakita ng taong tanggap ka. Kaya nako. Umayos ka. HAHA !
May challenge ako sayo:
FIND " ' "
""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""""
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
Oh ano? nakita mo? yung sa dulo, isang helera pa yun. haha! gets mo ba? ganyan din kahirap makita yung taong tanggap ka. Nakita mo na, kaso, wala eh, mas pinili mong iisnob HAHA!
"Minsan kung sino pa yung tapat, tanggap ka at laging nandyan, sila pa yung nasa friendzone, ang masama pa, na sobrang lalim ng pag ka friendzone, nakakilala na sya ng ibang friends, within friendzone :("
Hihihi
"Street food at its finest"
Unang food blog ko to, at sa dinami-dami ng pagkain na pwedeng ipag mayabang, ang napili kong i-feature ay ang streetfoods -.- Hahaha! Jologs ba? Bakit nga ba street foods? Kasi, affordable, masarap, Pinoy na Pinoy at malinis (Hehehe), naging parte na ng araw-araw na pamumuhay ng ordinaryong Pilipino ang mga streetfoods na to, eh pano ba naman kase, kahit san ka lumingon, meron, walang ka hassle- hassle, sa murang halaga, may laman tyan ka na. San ka pa? Tara! Hahaha! De, pero sa totoo lang, para saken, kayang kayang tapatan ng mga street foods na to ang mga sosyal na pag-kain. Meron ngang ilan na nag-negosyo ng "Pinasosyal na street food" halimbawa na lang yung kwek-kwek, mabibili mo sa kalye ng 10 pesos Jumbo egg pa, sa mall nag karoon lang ng pwesto at "Cover" kuno, eh ang 10 pesos sa kalye, naging 20 na, at mas masama pa, ang liit ng ITLOG -.- HAHAHA! 100% tubo. Siguro nga makatarungan lang to sa ilan, pero ako, sa personal kong opinyon, mas masarap pa rin talaga ang street food kung sa street mo mismo bibilin, pano ba naman kase, the best yung sawsawan nila, yung suka na may sibuyas, sili at limpak limpak na mikrobyo galing sa mga walang habas kung sumawsaw, hahaha! Pero, SRSLY. Yun talaga yun nag papasarap dun.
Noong highschool kami, street food yung naging sandigan namin sa tuwing nagugutom kami. naaalala ko pa yung nakapedicab na nag bebenta ng Isaw at Mami, sa tuwing gagala kami, simula school namin, hanggang Festival mall eh nilalakad lang namin, hindi para makatipid, kung di para madaanan namin si manong tindero. Just imagine, gutom na gutom ka at kakain ng isaw na mainit-init na isa-sawsaw mo sa sawsawang binuo at pinasarap ng mikrobyo. That Feeling. hahaha! Tingin ko nga, mag bestfriend na yung good at bad bacteria sa t'yan ko dahil hanggang ngayun, wala pa naman akong hepa at kung anu-anong sakit. HAHAHA! pero ikaw, dahan dahan lang sa pag kain ng street foods, ang mga nabasa mo ay ginagawa lang ng mga propesyunal. Patnubay ng magulang ang kailangan. HAHA! Para sa mga gustong mag try ng street foods d'yan, para saken, eto yung Top 10 na pinaka masarap:
Paunawa: Ang pag kain ng mga street-foods ay lubhang mapanganib. Eat moderately.
10.Banana-cue at Turon (Caramelized fried banana)
9. Taho (soft bean curd sweetened with caramel syrup)
8. Adidas (Inihaw na paa ng manok)
7. Mga balls (Fishball, squidball, etc.)
6. Balut at Penoy (Boiled fertilized/unfertilized duck's egg)
5. Iskrambol ( yung matamis na karaniwang kulay pink at may yelong durog)
4. Kwek-kwek at tokneneng ( Yung kulay orange na bilog )
3. Walkmen (Inihaw na tenga ng baboy) at Umanok (Inihaw na ulo ng manok)
2. Proben ( Fried tumbong ng manok )
1. Calamares (Fried squid rings)
CONCLUSION:
" Lahat ng masarap bawal, yung iba nga lang, naging streetfoods <3"
HAHAHA!
Paunawa: Ang pag kain ng mga street-foods ay lubhang mapanganib. Eat moderately.
T O P:
10.Banana-cue at Turon (Caramelized fried banana)
9. Taho (soft bean curd sweetened with caramel syrup)
8. Adidas (Inihaw na paa ng manok)
7. Mga balls (Fishball, squidball, etc.)
6. Balut at Penoy (Boiled fertilized/unfertilized duck's egg)
5. Iskrambol ( yung matamis na karaniwang kulay pink at may yelong durog)
4. Kwek-kwek at tokneneng ( Yung kulay orange na bilog )
3. Walkmen (Inihaw na tenga ng baboy) at Umanok (Inihaw na ulo ng manok)
2. Proben ( Fried tumbong ng manok )
1. Calamares (Fried squid rings)
CONCLUSION:
" Lahat ng masarap bawal, yung iba nga lang, naging streetfoods <3"
HAHAHA!
"Homeless engineer : Si Mang Peter - Part 2"
Kung tapos mo na, edi tuloy mo na to, Hahaha! salamat sa pag tambay!
Habang nag luluto ng pansit canton yung lola ko, eh tuloy lang yung kwento ny'a tungkol kay mang Peter, Oo, tinalo n'ya pa yung mga ratsada ng mga balita. Hahaha! Miss na kita Lola :) Nung una hindi ako masyadong interesado dahil nga gutom na ko't naaamoy ko na yung pansit canton. Gayun pa man, nakinig pa rin ako sa kwento n'ya "Si Peter? Napakatalinong tao nun, Graduate at board passer yun sa kursong Civil Engineering. Napaka-kisig na binata n'yan noon, andaming nag kakagusto, masipag, responsable. Naaalala ko nga dati nung minsa'y niligawan n'ya ko" Sabi ng lola ko. "Niligawan nya kayo?!" Pagulat kong tanong. "Oo, noong araw, sasagutin ko na nga dapat s'ya, kaso lang hindi n'ya ko pinaglaban hanggang sa huli, naghintay ako ng matagal, pero wala, hanggang sa dumating ang lolo mo, Hahaha! hay nako ikaw talagang bata ka! ( Kilig effect ) " kwento ng lola ko. "Eh nag ka pamilya naman si Mang Peter?" Pahabol kong tanong. Humaba ang kwentuhan namen at nalaman kong si Mang Peter pala ay nakapag asawa at nag-karoon ng kaisa-isang anak. Naging masaya ang pamilya nila hanggang sa isang pangyayaring bumago ng lahat. Nag-karoon ng malubhang sakit ang ka-isa isa nyang anak at pumanaw sa edad na apat (4), dahil sa nangyari, nabigla si Mang Peter at tuluyang binawian ng katinuan. Dahil sa binawian ng katinuan, nawalan ng hanap buhay si Mang Peter hanggang sa maghirap sila at iwan na s'ya ng asawa nya. Nag-palaboy-laboy si Mang Peter at tuluyan na ngang naging ganap na taong grasa. Marami nang tumulong kay Mang Peter, mapa DSWD o pribadong indibidwal, pero talagang mas gusto ni mang Peter sa Kalsada. Nagulat din ako nung malaman kong "Baliw" o wala pala sa katinuan si Mang Peter. Kinwento ko sa Lola ko na kinausap n'ya pa kami at nag tanong ng "Mga bata, nasaan yung Purok 2?" at inalok ng tinapay pag katapos. Nagulat ako sa sabi ng Lola ko na hindi lang pala kami yung tinatanong n'ya, araw-araw pala, kada nakaka-kita ng Tao, lagi nyang sinasabi "Mga bata, nasaan yung Purok 2?" sabay bigay ng tinapay. Tinanong ko ang lola ko kung bakit ganun, ang sabi n'ya lang, siguro hanggang ngayon daw, uma asa parin s'ya na panaginip lang ang lahat, sa Purok 2 kasi sila laging namamasyal ng anak nya, at pandesal ang paborito ng anak n'yang meryenda. Parang biglang may kumurot sa puso ko, dahil hanggang ngayon, wala man sa katinuan, umaasa pa rin si mang Peter na sana, sa pag gising nya, bumalik sa dati ang lahat.
Noong Undas ng taong 2010, habang kasama ko si lola na dumadalaw sa puntod ng Lolo ko, nakita namin ang puntod ni mang Peter at may taong dumadalaw, napag alaman ko na lang na misis nya pala yun. Nakakalungkot lang isipin na kailangan pang humantong sa ganun yung lahat bago s'ya ma-alala ng kaisa-isa nyang pamilya. Nabuhay man s'ya sa kalyeng walang pamilya at maituturing na "Homeless engineer", naging mapayapa naman ang pag-panaw nya, dahil sa wakas, makakapiling nya na ulit ang kaisa isa nyang anak.
"Sana nga na ang buhay ay parang isang panaginip, pag dumating yung panahon ng bangungot, gumising ka lang, at magiging ayos na ang lahat"
"Si Mang Peter - part I"
Bago mag simula, gusto kong lang linawin na ang kwentong ito ay nangyari noong ako ay walong (8) taong gulang.
Isang kulim-lim na umaga. Habang nakikipaglaro ako sa mga kalaro ko, tinawag ako ng lola ko "JAN-JAN! (Tawag saken ng lola ko) halika nga dito saglit". kabadong-kabado ako dahil akala ko papagalitan n'ya ko kase hindi pa ko na kain ng almusal. (You know grandma's logic xD) "Bili ka nga muna saglit ng Pansit canton". Palambing na utos ng Lola ko. Dahil alam kong medyo malayo ang tindahan, at ayoko ng walang kasama, nag-isip ako ng paraan kung pano papasamahin yung mga kalaro ko. Niyaya ko sila pero sabi nila, ang layo daw, papagalitan daw sila ng magulang nila. Hanggang sa gumamit na ko ng dahas. "Paunahan kila aling Conching! mahuli panget!" sabay kumaripas ako ng takbo, tuwang tuwa ako dahil naka sunod naman sila sa'ken Hahaha!
Noong nakila aling Conching na, eh laking gulat namen na meron syang pinapalayas. "Umalis ka dito, walang bibili pag nasa tapat ka ng tindahan, maghanap ka ng ibang tambayan!" Sabi ni aling Conching. Isang matandang lalaking "Taong grasa" (Mga nasa 60+ na s'ya ) pala yung kasusap n'ya. Dahil bata at inosente, tinanong ko si aling Conching "Sino yung pina pa alis nyo?" tanong ko. Sabi n'ya, si Mang Peter daw, araw-araw daw, lagi yun nandun kahit araw araw nya ring pina-pa alis. Di na ko masyadong nag tanong dahil alam kong medyo masungit si aling Conching, bumili na lang akong pansit canton. Sa pag lalakad namen pa-balik, nakita ko si mang Peter, hinang hina at nakita ko sa mga mata n'ya na sobrang lungkot n'ya, para bang may bumaba-gabag. Tinawag at tinanong n'ya kami. "Mga bata, nasaan yung Purok 2?". Medyo natakot kami. Pero nung lumapit yung isa kong kalaro, lumapit na rin kami. "Hindi po namen alam eh." sabi ng kalaro ko, Parang nalungkot si mang Peter. Nagulat ako at napatanong sa sarili ko, "Normal palang mag isip si mang Peter?", para s'yang isang taong kulang lang sa kalinga. Inalok n'ya kami ng tinapay. Pero, hindi naman sa pagiging pihikan, tinanggihan namen, ( medyo kakaiba kasi itsura.) Ako, bilang bata, eh sobrang natuwa, isipin mo, wala na nga s'yang pag-kain, namimigay pa? Haha! nakipag-kwentuhan kami sa kanya. Tinanong namen s'ya kung bakit s'ya mag isa, kung saan s'ya nakatira, at kung sino pamilya n'ya. Pero, yumuko lang s'ya. Dahil nga may pinabili yung Lola ko, umuwi na ko para ibigay yung pansit canton. Habang nag lalakad, Punong puno ng katanungan yung isipan ko, awang-awa ako sa kalagayan ni mang Peter. Imagine, isang matandang madumi at mahina na, laging mag isa, laging pinapalayas at parang punong-puno ng pighati yung mga nangungusap nyang mga mata. Pag uwi ko sa bahay, kahit na medyo matagal, hindi ako pinagalitan ng Lola ko. Haha! Tinanong ko si lola kung sino si mang Peter. "Sinong Peter?" Pagulat na tanong n'ya. Ang sabi ko naman, "Yung taong grasa sa may tindahan ni aling Conching." At nagulat ako. Kilala pala n'ya si Peter. Abangan ang susunod na kabanata .....
"Minsan, kailangan mo munang makakita ng wala para malaman mo, na hindi sa lahat ng panahon, lagi kang meron"