Archive for 2018
Cellphone
"Haaaaaaaaaaa" yan ang tunog ng hikab ko ngayong madaling araw. Bigla kasi akong nagising at di ko alam kung bakit, di ko alam kung may katabi ba kong multo or what. Hahaha! maulan ngayon at sobrang lamig, sarap sana matulog pero wala eh, nagising pa din. So sad.
Ayaw ko talaga ng nagigising ng gantong oras. Dami tumatakbo sa isip ko at wala akong magawa kundi pilitin ang sarili kong matulog.
So ayun na nga, tama na ang intro ano po?
gusto kong simulan to ng mahinahon, sa ngayon kasi sobrag daming tanong na pumapasok sa isip ko "Bakit kaya
may mga pangakong napapako at hindi natutupad?"
Bakit kaya nauso pa ang promise kung na papako din naman? Siguro nga may mga bagay na sa pag lipas ng panahon ay nawawala. Pero alam mo it's your choice. Kung hinayaan mo ang sarili mong hindi pansinin yung bagay na yun, eh please lang wag kang magsisisi sa huli.
Imaginine mo, pag nawawala cp mo hinahanap hanap mo diba? kasi importante yun sayo. Gets mo ba? hahaha
Para sakin, okay lang na itapon mo yung mga bagay na para sayo eh wala nang silbi or yung sabi nga nila "Basura".
Imaginin mo,
may dati kang favorite na cellphone. Kasama mo sya sa hirap at ginhawa, sa saya at kalungkutan, sa lahat ng milestones mo. Tapos dumating yung isang araw na kailangan ng cellphone mo na ipagawa, pipillin mo bang ipagawa yung cellphone mo na may sobrang daming memories nyo together or itapon na lang basta basta?
Di mo ba pinapahalagahan yung memories na nabuo nyo ng phone mo? pag hindi. Then itapon mo nga.
Imagine kung gaano nasaktan yung cellphone mo pag ginawa mo to. Haha! ansaya diba. Nung bagong bili phone mo ay ayaw mo na magasgasan man lang, bakit ngayon e, ikaw na mismo yung nagtapon?
Gets mo na? Hindi biktima ang cellphone dito. Ang biktima dito, kayong dalawa.
Tandaan mo na wag na wag kang gagawa ng desisyon lalo na kapag galit, nag tatampo or lalo na kung bored ka lang. Hahaha!
Sa bandang huli tandaan mo, bukod sa saging, cellphone lang ang may puso, na kahit tinapon mo sya sa basurahan, hanggat may charge battery nyan, gagana yan para sayo.
Pero di natin alam na posibleng dumating yung panahon na mauubos yung charge nyan at may ibang taong handa yan ayusin at paganahin.
Sana sa pag kakataong yun, masabi mo na
"Worth it" yung pag tapon mo sa cellphone mo. Na pinili mong itapon na lang kesa sa ipagawa.