Archive for March 2015
"Buhay estudyante"
Halos lahat sa'ten eh naranasan ang maging estudyante. Estudyanteng araw araw pumapasok para matuto magkabaon. At totoo, Inaamin ko, dati eh gustong gusto ko na agad gumraduate para matapos na ang walang katapusang pag aaral twing midterm exams o di kaya eh simpleng pagsusulit. Napaka hassle mag aral lalo na kung wala ka sa mood. Para kang pinipilit kumain ng busog. Hehe! Pero kidding aside. Kung dati eh gusto ko nang gumraduate agad. ngayong malapit na akong gumraduate. nakakalungkot ren pala.
Mamimiss ko yung twing umaga, eh nakikipag laban ako kay alarmon (Pangalan ng pang alarm ko), Kakain ng sapilitan tuwing umaga (Strict kase nanay ko sa pagkain hahaha!) at makikipag sapalaran papuntang PUP. Araw araw eh nakabisado ko na yung mga taong nakaka halubilo ko. Gusto kong magpasalamat sa mga naging parte ng apat na taon ko sa kolehiyo. Napaka challenging mag aral. Para kang nag lalaro ng Super Mario na walang extra lives. Ganuun ka challenging XD.
Nakakalungkot pa na part eh this time , after grad. Alam kong may responsibilidad na ako. Alam kong di na uubra yung mga ala tsamba kong moves. Mga easy go lucky na paniniwala at ang walang kamatayan na statement na "Mamaya na yan.". Naiisip ko ren na this time, di na ako makaka avail ng favorite kong promo. ang "Bayad nga po, Estudyante." moves. Sayang ren yun. siguro nga kung naipon ko lahat ng barya ko kaka estudyante baka may pambili na ko ng cellphone. HAHAHA!
Naalala ko lang, eto yung mga naging pananaw ko sa buhay simula nung nag college ako.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1st Year
1st Sem - Eto yung may hang over ka pa sa highschool life mo at gusto mo na agad mag summer.
2nd Sem - Eto yung medyo nakakapag adjust ka na at walang ginawa kundi mag dota at mag isip mag shift.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
2nd Year
1st Sem - Dito yung stage na trip mong imajor yung mga minor subjects kase kinakabahan ka baka bumaksak ka.
2nd Sem - Dito yung stage na mag dedesisyon ka na kung ano ba talagang course ang trip mo.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
3rd Year
1st Sem - Dito mo malalaman yung mga naging pagkukulang mo A.KA (Pagsisisi stage) .
example:
Ang dali lang pala neto. Bakit ang tamad ko non? SADNU? :*
2nd Sem - Dito mag kaka alaman kung kakayanin mo ba. Para tong Do or Die stage sa isang sikat na laro . Andaming tanong dito tulad ng "Kaya ko kaya? at "Kumain na ba ako?(Dahil sa sobrang busy) Sa totoo lang, dito ko nalimutan maging tao sa dami ng ginagawa hahahah!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
4th Year
1st Sem - Dito yung medyo confident ka na na ggraduate ka at busy ka na lang sa pag hahanap ng OJT at pag aapply ng mga natutunan mo sa loob ng tatlong taon.
2nd Sem - Dito yung magddrama ka na lang tulad ng ginagawa ko ngayon. HAHAHAHA!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
P.S "Minsan ka lang maging estudyante, pagbutihin mo na. Tandaan mo, minsan ka lang mag aaral Mahirap mag laro ng Super Mario na walang Extra lives"
HIHIHI :"">