Archive for October 2013
"Halloween special : Okatokat"
Undas nanaman, panahon nanaman ng katatakutan. Isang panahon kung saan pinag didiwang ang mga ispirito ng mga yumao. Dito sa blog na to, ay mababasa mo ang ilan sa mga piling istorya hango sa tunay na buhay.
Paunawa: Ang mga mababasa mong istorya ay nanggaling sa ibat-ibang sources. Minumungkahi na huwag mo itong basahin kung hindi ka makatulog sa gabi.
Reading suggestions: iminumungkahi ng may akda na basahin ito gamit ang desktop o di kaya laptop pc. para sa mas magandang pagbabasa.
Sa tuwing panahon ng Undas, isa lang ang pinaka gusto ko, yung mood setting. Haha ! Para kasing iba yung timpla ko pag nakakapanood ako ng mga nakakatakot na documentary shows tulad ng KMJS, Rated K, at ang dating all time favorite ng mga batang 90's tuwing halloween, ang "Magandang gabi, bayan." Ang sarap sarap matulog sa gabi, parang pakiramdam mo lagi, eh may nakatingin sayo, Haha! Thrilling eh, ang sarap magkumot, at tumingin sa ilalim ng kama, ang sarap din pag patay lahat ng ilaw, kumakain ng french fries at iba pang pika-pika habang nanonood ng mga kahindik hindik na palabas. Ewan ko ba, siguro nga, dikit na sa pagkatao ko yang mga ganyang gawain pag sumasapit yung Undas, kumbaga, "Treat your self." Nung bata pa ko, eh gawain ko na yan. nagawa ng bahay-bahayan para kunware proteksyon sa multo, at kung ano-ano pang gimik Andami kong gustong ikwento pero baka humaba na ng husto tong post na to HAHA!
Eto na lang TOP 5 na dapat mong malaman base sa childhood experience ko:
TOP 5 Scariest things:
1.)Pugot na ulo.
2.)Black lady (mas nakakatakot kung sa reflection makikita.)
3.)White lady (mas nakakatakot kung sa reflection makikita.)
4.)Baby laugh at music box sound na maririnig sa tuwing matutulog ka. (Note: wala kang baby at wala kang music box.)
5.)Bloody image.
TOP 5 Scariest place:
1.) Ilalim ng kama.
2.) Likod ng pinto at cabinet.
3.)Banyo.
4.)Ilalim ng lamesa.
5.)Madilim na kwarto.
TOP 5 Dapat gawin pag Halloween (Except sa magdasal dalawain ang puntod ng kamaganak):
1.) Manood, magbasa, makinig ng katatakutan.
2.) Mag Treat or treats.
3.) Mag roast ng Mallows.
4.) Mag sleepover sa nakakatakot na lugar.
5.) Gawin ang bloody mary.
Isang kwento lang muna ang ibabahagi ko ngayon, galing to sa entry no. 1 naten:
" Isang makulimlim na hapon, habang ako ay nakasakay sa Jeep, papuntang science laboratory sa aming eskwelahanng University of the Philipppines (UP), napansin ko na punong puno ang pasahero ng jeep, bihirang mangyari ito dahil sa ganong oras, kalimitang may klase ang iba, bukod doon, ang sinakyan kong jeep ay papunta lamang laboratory compound, napansin ko na parang tingin ng tingin si manong driver sa salamin at parang balisang balisa. Napakabilis ng pag papatakbo nya at dumaan muna syang simbahan bago pumunta sa laboratory compound samantalang ang layo ng iikutin pag sa simbahan ka dumaan. Dahil dito, nainis ang lahat ng pasahero at bumaba, dahil sa akala kong may dada-anan lang sy'a, pinasawalang bahala ko na lang at hindi bumaba." maya-maya ay parang nabunutan sya ng tinik. at bumalik ulit sa daan kung saan tinutumbok na ang laboratory compound. Tinanong ko sya kung bakit sya dumaan sa simbahan, ang sabi lang nya ay "Ineng, nakita ko sa salamin ng jeep ko na wala kang ulo! Sabi ng mga matatanda, senyales daw yun na may mangyayaring hindi maganda." Nabigla ako at natakot sa aking narinig kaya hindi na ko pumasok sa sunod kong klase at minabuti ko na lang na umuwi.
-Sarah Jane Deguzman, True Philippine Ghost stories."
-Sarah Jane Deguzman, True Philippine Ghost stories."
"Ang tunay na diwa ng Undas eh hindi magtakutan, kung hindi para maramdaman ng mga yumao, na hindi porke wala na sila sa mundong ito, eh dapat na silang kalimutan."
HAPPY HALLOWEEN!
"Operation: Goyo"
Naranasan mo na bang kumapit sa patalim? Yung tipong, alam mo nang hindi tama, eh ginawa mo pa rin? Nakaka-konsensya, ano po? Kung naranasan mo na, ang tanong eh, uulit ka pa ba? Generally speaking, hindi naman masamang mang-GOYO, provided na handa ka sa anumang pwedeng mangyari, at tanggap mo na hindi tama yung ka-goyoan mo. Hindi masamang mang-goyo! hinding, hindi! (Defensive ba? xD HAHAHA!) Kung ako naman yung tatanungin eh, "Hindi masyadong masamang mang -goyo." Slight lang :3 Wait, alam mo ba ang "Goyo"? Ang pang gogoyo ay isang sitwasyon na kung saan, napipilitan ang isang indibidwal na mang-loko o hindi kaya, gumawa ng mga bagay-bagay, malusutan lang ang naka abang na parusa o hindi kanais-nais na mangyayari. Oh ngayung alam mo na, Handa ka na ba? xD
Kung nakakamatay lang ang pang-gogoyo, siguro, double dead na ko. Nitong mga nagdaang araw, habang nag kaklase sa management (I.T course ko pero major in business Ad. HAHA!) may mga klase daw ang mga managers, manager by libro, o yung mga manager na stick lang sa rules at concepts yung pag mamanage nila. Manager by Oido, o yung base sa experience nila, by ugnayan, o base sa dami ng impluwensya, by kayod, o yung base sa hardwork nila, at manager by lusot o laging nag papalusot. Nag kaklase kami nyan mga oras na yan at may isang salitang lumilipad sa isipan ko at naririnig ko ng paulit-ulit. "Manager by Goyo, by GOYO, by GOYO, GOYO,GOYO" para bang palakas ng palakas at nakaka-praning. HAHA! Non-sense pero naisip ko na if ever na maging manager ako, maka classify ako as "Manager by Goyo" Siguro nag tatanong ka kung anong ginoyo ko? Alam mo, ang hirap sagutin nyan, hindi na nga ako pinapatulog nito gabi-gabi eh, hindi ako makakain ng ayos, hindi ako makapag confess sa simbahan. L-O-L HAHAHA! de, srsly, mababaw lang naman pang gogoyo ko, eto oh:
GOYO LIST :
1.)Sa tuwing na lalate ako lagi kong rason "traffic." :(
2.) Hindi ko nasosoli yung mga ballpen at pamaypay na nahiram ko. :(
3.) Pag tinanong ng prof. kung nagets ba namin yung topic, lagi kong sinasabi "Opo." kahit hindi :(
4.) Hindi ako nag "Safely remove hardware" sa USB pero pag may nag tanong, lagi kong sinasabi, "Di toto yun. Sabi sa Microsoft Blah blah blah blah" pero sa totoo "Oh, I have no idea what i'm saying ":(
5.) Nag "A-accept sa agreement" habang hindi binabasa yung content kapag nag ii-nstall. :(
Clarrification:
Mag kaiba ang pang-gogoyo sa pag papalusot,
Goyo - isang klase ng pag-papalusot na kung saan, malinis ang hangarin, white lies.
Lusot - isang klase ng kasamaan at di makatarungang dahilan , murder.
~BOY THAT ESCALATED QUICKLY~ HAHAHA!
Ngayong nabasa mo na yung pag kakaiba between goyo at lusot, ang tanong jan eh, Na-goyo ba kita? xD HAHAHA! De, kaya ko lang inexagge, eh para malaman mo na mas mabuti kahit papano yung pang-gogoyo kesa sa pag papa-lusot. basta ang main point eh, ang goyo, eh, gumagawa ka parin ng way matama lang yung kamalian mo. it is up to you kung tama o mali yung way mo. pero yung lusot, wala kang ginawa. nag sinungaling ka pa. HAHA!
"Hindi porke goyo, masama, para lang yang, hindi porke nag sisimba, mabait na. Gets mo ba? Paki explain, Labyu <3"